“P-PUWEDE ba tayong mag-usap?” nag-aalangang tanong ni Cameron pagdating niya sa opisina nila ni Damian. Nakita niyang abala ito sa ilang mga papeles, ngunit hindi na siya makapaghintay pa. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi sila nakakapag-usap. Hindi rin siya makakapagtrabaho kapag hindi sila nagkaayos. Tiningala siya nito. “I’m sorry, I have so many—” bigla itong natigilan sa pagsasalita. “Have you been crying?” nag-aalalang tanong nito. Tumayo pa ito mula sa kinauupuan nito at nilapitan siya. “May nangyari ba?” Umiling siya. “No, walang nangyari. I just want you to talk to Hunter later kung hindi ka masyadong abala. Medyo hindi naging maganda ang usapan namin kanina.” Hindi niya alam kung sasabihin niya rito na ito ang naging paksa nilang mag-ina kanina. “Hindi ko alam kung ano ang

