“DAHAN-DAHAN, bro.” Hindi gaanong pinansin ni Damian ang sinabi ni Travis, patuloy niyang nilagok ang native wine na nasa baso niya. Matapang iyon at kaagad niyang naramdaman ang sipa hindi pa man sila natatagalan sa pag-iinuman. Kasama nila sa umpukan ni Travis sina Phillip at ang magkapatid na Adam at Adler. Si Adam ang nagyaya sa kanila na mag-inuman—probinsiya style. Kaya naman nasa ilalim sila ng puno na ang tanging ilaw ay isang gasera habang nag-iinuman. Galing ng ibang bansa si Adam at nagbabakasyon lang sa kanila. Bokalista ito ng isang sikat na international rock band. Nakatatanda nitong kapatid si Adler na nakatakda sanang pakasalan ng pinsan niyang si Glanys dahil sa kagustuhan ng lolo nito sa ama. Ngunit sa bandang huli, nagkahulugan ang loob nina Glanys at Adam. Masaya siya

