“MAY BAGONG damit ang baby ko,” natutuwang sabi ni Cameron kay Hunter habang nilalagyan niya ng polbo ang katawan nito. Katatapos lang niya itong paliguan at kasalukuyang nakahiga sa kanilang kama. Pinupog niya ng halik ang leeg nito. Humagikgik ito na tila tuwang-tuwa. Malaki na ang ipinagbago niya mula nang magsilang siya. Binago na niya ang lahat. Madali na niyang nagagawang ngumiti at tumawa. Nakakapagplano na uli siya para sa kinabukasan nilang mag-ina. Sa ngayon, ang mga magulang pa rin niya ang bumubuhay sa kanila ngunit ginagawa niya ang lahat upang makatulong. Naglalako siya sa harap ng bahay nila. Nagdi-direct selling din siya ng mga produkto upang may dagdag siyang kita. Lahat ng puwedeng maging raket ay pinapatos niya. “Proud si Mama, Hunter, kasi hindi bigay ang bago mong

