bc

[SELECTION SERIES #7] A Secret Billionaire's Daughter

book_age18+
985
FOLLOW
6.2K
READ
billionaire
possessive
sex
pregnant
twisted
bxg
small town
rejected
secrets
seductive
like
intro-logo
Blurb

Blaire Willows ( A Secret Billionaire's Daughter )

High school graduate lang ang natapos ni Blaire dahil sa hirap nang buhay ay hindi na siya nakapag-aral ng college. Tanging magsasaka lang ang trabaho ng kanyang Tatay sa hacienda Torres at lima silang magkakapatid at si Blaire ang panganay. Imbes na mag-aral pa siya ng kolehiyo ay naghanap na lamang siya ng trabaho upang matulungan niya ang kanyang Tatay at mapatapos niya sa pag-aaral ang kanyang mga kapatid. Matanda na rin ang kanilang tatay at hindi na nito kaya ang mag-trabaho pa sa bukid. Simula nang mamatay ang Ina nila Blaire ay hindi sila pinabayaan ng kanilang Ama. Laking pasasalamat niya na nagkaroon sila nang mapagmahal na Ama.

Dalawa ang naging, trabaho ni Blaire sa umaga ay pumapasok siya sa isang fast food chain. Kapag sa gabi naman ay isa siyang waitress sa isang club sa kanilang lugar.

Nakilala ni Blaire si Gavin Keth sa club. Napadaan lang daw ito sa kanilang lugar dahil sa kabilang nayon raw ito nakatira. Simula nang makilala ni Blaire ang binata ay lagi niya na itong nakikita.

Naging magkasintahan sila ni Gavin. Binigay ni Blaire ang buong tiwala niya sa binata dahil sa labis na pagmamahal na pinapakita nito sa kanya.

Ngunit pagkatapos ng may nangyari sa kanilang dalawa ay hindi niya na ito nakita pa. Kaya't lahat ng mga pangarap ni Blaire ay biglang naglaho nang malaman niyang, nagdadalang tao siya sa anak nila ng binata.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE:
AUTHORS NOTE: All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanics means, including information storage and retrival systems, without permission in writing from the author, except by the reviewers, who may qoute brief passages in review. This is a work of fiction. Names , characters, businesses, places events and incidents are either products of the author’s imagination. Any similarity to real persons, living or dead or actual events is purely coincidential. Plagiarism is a crime: Under Philippine law, copyright infringement is punishable by the following: Imprisonment of between 1 to 3 years and a fine of between 50,000 to 150,000 pesos for the first offense. Imprisonment of 3 years and 1 day to 6 years plus a fine of between 150,000 to 500,000 pesos for the second offense.  IT IS FORBIDDEN TO STEAL OR COPY ANY OF THIS STORY! PROLOGUE: Third Person POV Kanina pa nakikita ni Gavin Keth ang isang batang babae na pagala-gala habang umiiyak ito. Sumisigaw ito at hinahanap nito ang kanyang Ina. Marami na rin ang mga taong lumapit dito pero patuloy pa rin ito sa pag-iyak Gusto niya man itong lapitan kanina ngunit hindi niya nagawa dahil baka matakot lang ito sa kanya. Base sa kanyang hinala sa edad ng batang babae ay nasa tatlo o apat na taong gulang pa lamang ito. At makikita sa hitsura ng bata na galing ito sa mayamang pamilya dahil maganda at makinis ang maputing balat nito. Gusto na sanang umalis ni Gavin. Ngunit hindi niya maihakbang paalis ang kanyang mga paa nang makita niya ang isang batang paslit na nag-iisa habang umiiyak. Unti-unti niyang nilapitan ang batang babae na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. “Hey, baby girl. Are you, okay?” tanong ni Gavin sa batang babae. Niliingon naman siya nito. Umupo si Gavin upang mapantayan ito. Hindi tumugon ang batang babae sa kanyang tanong at tinitigan lamang siya nito. “Why are you crying? Where are your parents?” ani ulit ni Gavin sa batang babae. Napataas naman ang kilay nito sa kanya at mas lalo pa siyang tinitigan na para bang kinikilala siya. Kaya pinisil niya ang ilong nito na sobrang pula. “Aww, who are you?” mataray na tanong ng batang babae kay Gavin na nakataas ang kilay. Tumawa naman si Gavin dahil sa pangtataray nito sa kanya. Kaya pinisil na naman niya ulit ang matangos na ilong nito. “Ouch!” Reklamo naman ng batang babae sa kanya sabay himas sa ilong nito. “Where are your Mom and Dad? Why are you alone here?” tanong niya ulit rito. “My Mamo said, I’m not allowed to talk to strangers,” matapang na sagot ng batang babae kay Gavin. Napahalakhak naman siya sa sagot ng batang babae. Natutuwa si Gavin sa katarayang pinapakita nito sa kanya. “So where is your Mamo? Why did she leave you?” Tanging kibit-balikat lang ang sagot nito sa kanya. “Nawawala ka ba?” dagdag pa na tanong niya. Naglakad ito at umupo sa mahabang upoan. Sumunod naman siya at umupo sa tabi ng batang babae. Sinamahan niya ito at ‘di iniwan dahil baka kunsinsya niya kapag may masamang may mangyari sa batang ito. “I went with Mamo, to buy a gift for my Mamo’s friend’s child. Then I saw something, a toy so I went for it. But, when I came back I never saw Mamo again,” mangiyak-ngiyak na sagot ng batang babae sa kanya. “Husshh…a’right. I’ll help you to find your, Mamo.” Sagot ni Gavin sa batang paslit na humihikbi. Kanina pa siya naaawa rito. Dahil kanina pa ito iyak nang iyak kakahanap sa Nanay nito. “Thank you, Mister.” Pasalamat naman ng batang babae kay Gavin. Natutuwa siya dahil mukhang hindi ito natakot sa kanya. “Mister, can you treat me a food?” dagdag pa na sabi nito sabay himas sa tiyan. Napahalakhak naman si Gavin dahil sa sinabi nito sa kanya. Nginusoan siya ng batang babae na parang bang maiiyak na naman. Kaya kinarga niya ito at hinalikan sa pisngi. “Sure, what do you want to eat?” “I like, bee spaghetti!” masiglang sagot nito sa kanya. “And then what else?” natutuwang tanong niya pa rito ulit habang karga niya ito papuntang fast food. “Burgers, fries and sundae, Mister.” “A’right.” Nang makapasok sila sa loob ng fast food ay tinuro lahat ang gusto nitong kainin. Mukhang gutom na gutom nga ito dahil panay ang turo nito ng pagkain. Napapangiti na lamang si Gavin sa batang babae. Naaaliw siya sa kabibohan at sa pagiging-madaldal nito. Kaya inorder niya lahat ang gusto nitong kainin. Pagkatapos ay naghanap sila ng kanilang mauupoan at agad itong pinaupo. Siya naman ay sa harap nito umupo. Nginitian naman siya ng batang babae at nakita ni Gavin ang malalalim na biloy ng nito sa magkabilang pisngi na katulad rin ng sa kanya. Dumating na ang kanilang order ay agad namang pumalakpak ang batang babaeng niya. Tuwang-tuwa ito pagkakita ng spaghetti at agad itong nilantakan. Napapailing na lamang siya. Pagkakita lang nito ng pagkain ay hindi na siya nito kinausap pa. Para bang ayaw itong magpa-isturbo sa kanya. At parang hindi siya nito kasama. Kaya tahimik na lang din siyang sinasabayan sa pagkain ang batang babae. Habang kumakain pa rin ang batang babaeng kasama ni Gavin ay pinagmasdan ay ‘di niya maiwasan na mapagmasdan ito. Meron siyang nakikita na kawangis nito. Ang babaeng matagal niya nang binaon sa limot. At malaki ang naging kasalanan niya noon sa babae. Kaya’t ipinilig na lamang ni Gavin ang kanyang ulo dahil ayaw niya na itong maalala pa. “What is your name?” tanong ni Gavin sa batang babae na patuloy pa rin sa pagkain. Kanina pa kasi silang magkasama pero ‘di pa niya alam ang pangalan nito. “Gabriella Keith.” Sagot naman nito na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. “Gabriella Keith, what?” taas kilay naman niyang tanong sa batang babae pero hindi pa rin siya tinapunan nito ng tingin. “Gabriella Keith Willo--” Hindi natuloy ng batang babae ang sasabihin nito sa kanya. Dahil may narinig silang sumisigaw na babae. “Mamo!” Sigaw ng batang babae nang tawagin nito ang isang babae na sumisigaw kanina. At agad naman itong tumakbo papunta sa babae. Sinundan ito ng tingin ni Gavin habang patakbo itong lumapit sa babae.  Ngunit agad namang nanlaki ang kanyang mga mata ng makilala niya ang isang babae na pa takbong papalapit sa batang babae na malapit lang sa kanilang kinaroroonan. “Baby ko!” Mangiyak-ngiyak na salubong ng isang babae pagkakita nito sa kanyang anak at agad itong niyakap. Nanigas naman si Gavin sa kanyang kinauupoan habang pinapanood ang mag-inang, nagyayakapan. “Pinakaba mo akong, bata ka! Halos mabaliw na ako, kakahanap sa ‘yo! Saan ka ba galing? Bakit ka nandito? Sinong, kasama mo?” may pag-alalang tanong ng babae sa anak nito. “Si Mister po, Mamo.” Sagot naman ng batang babae sa kanyang Ina. “Sinong, Mister?” itinuro ng batang babae si Gavin sa Ina nito. Unti-unting nag-angat ng tingin ang Ina ng batang babae at agad naman nanlaki ang mga mata nito pagkakita kay Gavin. “B-Blaire.” mahinang sambit ni Gavin sa Ina ng bata. “K-Keth.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook