
[SELECTION #7] A SECRET BILLIONAIRE'S DAUGHTER
High school lang ang natapos ni Blaire. Dahil sa hirap ng buhay ay hindi na siya nag-aral pa ng college. Tanging magsasaka lang ang trabaho ng kaniyang Ama sa Hacienda Torres. Lima silang magkakapatid at panganay na anak si Blaire. Imbes na mag-aral pa siya ng kolehiyo ay naghanap na lamang ng trabaho si Blaire. Upang matulungan ang kaniyang Ama, para pagtapusin sa pag-aaral ang natitira pa niyang mga kapatid. Matanda na ang kanilang Ama at hindi na nito kaya pa ang pagsasaka sa bukid. Bagkos ay naging katuwang siya ng kaniya Ama para matustusan ang mga pangangailangan nila. Siya ang naging katuwang nito simula no'ng mamatay ang kanilang Ina. Bata pa lamang sila no'ng pumanaw ang kanilang Nanay. Kaya't simula pagkabata ay nagbabanat na ng buto si Blaire, para matulungan ang kanilang Tatay.
Dalawa ang naging trabaho ni Blaire, isa siyang waitress sa gabi, at sa umaga naman ay all around worker sa isang kilalang fast food chain. Hindi mapili sa trabaho si Blaire. Bagkos ay masaya siya... dahil nakakatulong siya sa kanilang Ama. Kahit alam niyang kulang pa ang edukasyon niya, ay hindi sumuko si Blaire.
Sa hindi inaasahan ay may nakilala si Blaire na binata. Hindi ito pamilyar kay Blaire, at napag-alaman niyang hindi ito nakatira sa kanilang lugar. Bagkos ay napadpad lang daw ito sa lugar nila, ayon sa usap usapan ng kanilang mga ka nayon. At napag-alaman din ni Blaire na naligaw lang daw ito sa lugar nila, kung kaya't 'di ito maalam sa pasikot-sikot ng daan sa kanilang nayon.
Simula no'ng ma encounter ni Blaire ang binata ay lagi na itong nakabuntot sa kaniya. Palagi niya itong nakikita sa bar kung saan siya nagtatrabaho bilang waitress. Ina-araw-araw siya sa pagdalaw ng binata. Kung kaya't ay nakukulitan na siya, dahil sa pagiging-mahangin nito. Nakilala rin ni Blaire ang pangalan ng binatang si Gavin. Dahil sa kawalan ng interes ni Blaire sa mga lalaki ay hindi niya ito pinapansin.
Naging pursigido naman si Gavin para makilala ng husto si Blaire. Hanggang sa nagkapalagayan ng loob at nagkamabutihan. Naging maayos ang pagsasama nila, at panay rin ang pakitang gilas nito sa kaniyang Ama. Maging sa mga kapatid ni Blaire ay magaan rin ang pakikitungo nila kay Gavin. Simula noon ay niligawan siya ni Gavin hanggang sa magkasintahan silang dalawa. Lagi siya nitong hinahatid sa kaniyang trabaho sa umaga at maging sa gabi naman ay nakaabang rin ito sa kaniya para sunduin siya. Isang ordinaryong mangagawa o trabahador si Gavin sa Hacienda Torres. Kung kaya't 'di naging hadlang kay Blaire ang trabaho ng binata sa kaniyang mga pangarap. Bagkos ay nagtutulungan pa silang dalawa. Para matupad ang kagin-hawaan ng buhay.
Dahil sa labis na pagmamahal sa isa't isa ay ipinagkaloob ni Blaire ang kaniyang buong pagkatao kay Gavin. Nagtitiwala siya rito at umasang hindi siya nito sasaktan at iwan kailanman. Naging masaya ang kanilang pagsasama bilang magkasintahan hanggang sa ipinaubaya ni Blaire ang kaniyang sarili kay Gavin. Ang tangi niyang kayamanan at pinaka-ingat-ingatan ay ipinagkaloob niya sa binata dahil sa labis na pagtitiwala at pagmamahal.
Ngunit sa isang iglap, lahat ng mga pangarap ni Blaire na kasama ang binatang si Gavin ay nawala na parang bula. Nagising si Blaire kinaumagahan na wala na sa tabi niya si Gavin. Hinanap niya ito sa Hacienda Torres, maging sa inuupahang nitong bahay. Ngunit bigo si Blaire na makita ang binata. Sa Halip ay hinintay niya si Gavin araw at gabi, sa pag-aakala na babalikan siya ng binata. Ngunit lumipas ang mga araw at buwan ay walang Gavin ang nagpakita kay Blaire. Kaya't lahat ng mga pangarap ni Blaire para sa kaniyang pamilya ay nawala nang malaman niyang nagdadalang-tao siya sa anak nila ng binata.

