CHAPTER 1: LITTLE BABY

2335 Words
Blaire’s POV Maaga akong nagising ng biglang humilab ang aking tiyan at ilang araw ko na rin itong nararamdaman. Ngunit hinahayaan ko lang dahil baka dala lang ito nang pagod ko sa trabaho. Bumangon na ako at agad na niligpit ang higaan ko. Humihilab pa rin ang tiyan ko at parang nasusuka ako. Kaya’t dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto at agad na tinungo ang banyo. Nasusuka ako at hindi ko maiintindihan ang nararamdaman ko. Parang umiikot ang paningin ko sa ‘di ko malamang dahilan. Nang makapasok ako sa banyo ay agad akong sumuka. Pero wala naman akong may ibang sinuka kundi puro tubig lang na sobrang pait sa aking panlasa. Hinihingal ako sa likido na sobrang pait sa aking lalamunan pagkatapos ko itong mailabas. Agad naman guminhawa ang pakiramdam ko. Lumabas na ako ng banyo ng bigla na naman akong masuka. Kaya’t dali-dali ulit akong pumasok sa loob ng banyo para sumuka ng paulit-ulit. Nanghihina ako at parang ang sama-sama ng pakiramdam ko. Lumabas ulit ako at napatda ako sa kinakatayoan ko ng makita ko si Tatay sa labas ng banyo na taimtim ang pagkakatitig sa akin. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Iba ang nararamdaman kong kaba sa mga oras na ito. Lalo na’t lumapit siya sa ‘kin at sinalat ang noo ko. “Tapatin mo nga ako, Blaire. Buntis ka ba?” nagulat ako sa tanong ni Tatay. Hindi ko inaasahan na magtatanong siya sa akin ng ganito. Kilala ko ang Tatay ko kapag ito ay seryuso. Hindi nito pinapalagpas ang mga bagay-bagay kapag tungkol sa aming magkakapatid. Minsan mapagbiro ito na Ama at minsan mo lang ito makikitaan ng kaseryusohan kapag may hindi ito nagustohan. Napapalunok ako at hindi ko kayang salubongin ang mga titig ni Tatay sa akin. Hindi ko rin alam kong totoong buntis talaga ako. Hindi pa kasi ako nagkakaroon simula no’ng-- Oh my God! Napatapik ako sa aking bibig gamit ang mga palad ko nang maalaala ko ang nangyari sa amin ng bwesit na lalaking ‘yon. Pagkatapos niyang makuha ang gusto niya ay hindi ko na siya nakita pa. Niloko niya ako! Pinaniwala niya na mahal niya ako. ‘Yon pala ay katawan ko lang ang gusto n’ya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad! Kung sakaling buntis man ako hinding-hindi niya makikita ang anak namin dahil wala akong balak na hanapin siya at ipaalam sa kaniya na buntis ako. Walang hiya siya! “Naririnig mo ba ako, anak--” “Hindi ko po alam, Tay.” Mangiyak-ngiyak ko namang sagot sa kaniya at hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. “Paanong, hindi mo alam? Umamin ka nga sa ‘kin, may nang-yari ba sa inyong dalawa ng boyfriend mo dati?” pagkukumpirma ni Tatay sa akin. Nagdadalawang isip ako. Kung sasabihin ko ba sa kaniya na may nang-yari nga sa amin ng gagong lalaking ‘yon o hindi. Wala akong may maapuhap na sagot. Kaya’t tumango na lang ako sa kaniya at napayuko. Narinig ko naman ang buntong hininga ng aking Ama at hindi na nagtanong pa. Kaya naman nag-angat ako ng mukha para makita ko kung ano ang reaksiyon niya. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang kalungkutan at maya’t maya pa ay ngumiti rin siya kalaulan. Niyakap niya ako at marahang hinimas ang aking ulo. Akala ko ay papagalitan at sesermunan ako ni Tatay pero hindi. Bagkos ay niyakap niya ako ng sobrang higpit at pinaramdam sa akin na nandiyan lang siya para susuportahan ako sa lahat ng magiging desisyon ko. Naluluha ako habang yakap-yakap ko rin ang aking Ama. Napaka-swerte naming magkakapatid dahil may Ama kaming kagaya ni Tatay na sobrang mapag-mahal at maalaga. “Nagpa-check up kana ba?” maya’t-maya’y tanong ni Tatay sa gitna ng aming pagyayakapan. Agad naman akong umiling sa kaniya habang nagpupunas ako ng mga luha sa aking mata. Hindi ko pa kasi alam kung totoong buntis ako. Dalawang buwan na rin kasi ang nakalipas noong may nangyari sa amin ng lalaking ‘yon. At hanggang ngayon ay hindi pa ako nagkakaroon simula no’ng iniwan niya ako ng walang paalam. Hinding-hindi ko siya mapapatawad! Nag-tagal pa kami sa ganoong posisyon ni Tatay bago kami kumalas sa pagyayakapan na dalawa. “Oh siya, sige na. Mag-almusal ka na at magpasama ka kay Brianna, magpa-check up. Papasok na ako sa trabaho at balitaan mo na lang ako kung may laman nga ‘yang sinapupunan mo.” My father stated. Agad naman akong napuyuko sa kaniya dahil sa kahihiyan. Alam ni Tatay ang lahat ng mga plano ko, para sa mga kapatid ko. Na papaaralin ko sila hanggang sa makapag-tapos sila ng pag-aaral at para makakita ng magandang trabaho. Pero, anong gagawin ko kung buntis talaga ako. Kasalanan ko rin ang lahat! Nagpadala ako sa bugso ng damdamin. Nagpdala ako sa init ng katawan na hindi rin naman pala ako kayang panindigan! Napaangat ako ng mukha ng maramdaman kong hinahawakan ni Tatay ang magkabilang balikat ko. Narinig ko naman ang paghugot niya ng malalim na hininga. Bago siya ngumiti sa akin upang pagaanin ang nararamdaman ko. “Huwag ka nang malungkot anak. Dahil kung talagang buntis ka ay nandito lang ako, para sa ‘yo. Para sainyo ng mga kapatid mo. Hinding-hindi ko kayo pababayaan. At isa pa apo ko rin iyan. Magtulongan tayo, para hindi ka mahirapan sa panganganak mo at sa mga kakailanganin mong magpalaki sa kaniya,” mahabang paliwanag ni Tatay sa akin. Kaya’t agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit at hindi ko na rin napigilan ang maiyak. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Tatay na para akong isang bata na inaway ng kalaro ko at nagsusumbong ako sa kaniya. Inalo niya ako hanggang sa tumigil na ako sa pag-iyak. Nagpaalam na siya sa akin dahil baka mahuli na siya sa kaniyang trabaho. Kasalukuyan pa rin kasing nagtatrabaho si Tatay sa hacienda Torres. Halos sila na kasi ang may-ari ng bayan na ‘to. Pati doon sa kabilang baryo. Kaya lahat ng mga taga-rito ay nagtatrabaho sa kanilang lupain dito sa lugar ng Colosboa. Balita ko pa ay laging pumupunta ang mag-asawang Torres dito para magbakasyon kasama ang mga anak at kamag-anak nito. Naglakad na ako papuntang kusina. Nadaanan ko pa ang bunso kong mga kapatid na masayang naglalaro sa sala. Pagpasok ko ay nakita ko naman si Brianna na masayang nagluluto at pa kanta-kanta pa. Siyang sumunod sa akin na pangalawa sa aming magkakapatid. Lumapit ako sa kaniya ng hindi niya ako napapansin. Anong masamang hangin kaya ang sumapi sa babaeng ito. Bakit hindi mapalis-palis ang ngiti sa mga labi. Mukhang tulog pa yata ito eh! hindi man lang niya ako naramdaman sa kaniyang tabi o sinulyapan man lang. “Ehherrmm..” tikhim ko para magising siya sa kaniyang panaginip. “Oh ate, kanina ka pa ba diyan?” gulat niyang tanong. Napangiwi naman ako sa kaniya dahil ‘di niya talaga naramdaman ang presinsya ko simula pa kanina. Tulog pa yata ang babaeng ‘to! “Oo, kanina pa. Mukhang, natutulog kapa yata! Eh, hindi mo man lang naramdaman ang presinsiya ko sa tabi mo. Sino ba ‘yang iniisip mo at bakit may pangiti-ngiti kapa diyang nalalaman?” mahabang sermon ko sa kaniya. Agad naman siyang nag-iwas nang tingin sa ‘kin. At tinapos ang kaniyang pagluluto nang hindi ako sinasagot. Aba, deadma ang beauty ko teh! Napansin ko naman ang pamumula ng pisngi niya habang iniiwasan niyang tumingin sa ‘kin. “Bakit hindi ka makasagot? Tapatin mo nga ako, Brianna. May boyfriend kana ba?” mahinahon kong tanong sa kaniya. Ayaw ko naman sanang magtanong. Pero, kailangan! Dahil baka may boyfriend na siyang ‘di ko nalalaman. Hindi naman sa binabawalan ko siya. Ang akin lang ay tapusin niya muna ang pag-aaral niya bago siya pumasok sa pakikipag-relasyon. Para naman may ipagmalaki siya at hindi inaapakan ang pagkatao niya na kahit sinong tao. At para makahanap rin siya ng magandang trabaho. Ayaw ko siyang matulad sa akin na hanggang high school lang ang natapos. At walang magandang trabaho. Malapit na kasi siyang grumaduate ng college. Isang taon na lang ang pamamalagi niya sa paraan para makapagtapos. “W-wala ate.” Tipid naman niyang sagot sa akin. “Hindi naman sa binabawalan kitang, mag-boyfriend. Ang akin lang ay tapusin mo, muna ang pag-aaral mo. Dahil pag-nakatapos kana ay magagawa mo na lahat ng gusto mo. Para may ipagmalaki ka sa pamilya ng magiging boyfriend mo. Ayaw kong matulad ka sa akin na hanggang high school lang ang natapos. Tapos wala pang magandang trabaho. Ayaw kong maranasan mo ang naranasan ko na walang may ipagmamalaki at basta na lang iniwan sa ‘di ko malamang dahilan.” Paalala ko sa kaniya. “Alam ko po iyon, ate. Lagi ko pong tatandaan ang mga sinasabi mo,” malumanay naman niyang sagot sa ‘kin. Tumango ako sa kaniya at agad ko siyang niyakapa. May tiwala ako sa kaniya at lahat ng mga bilin ko ay sinusunod niya. “Mabuti kung gano’n. Sige, na maghain kana at kakain na tayo. Ano ba ‘yang niluluto mo, bakit ang baho?” tanong ko naman sa kaniya dahil hindi ko mapigilang magtakip ng ilong dahil sa mabahong amoy. “Sardinas na may itlog, ate,” sagot naman ni Brianna. “May bawang ba ‘yan?” “Oo. Ate Blaire, bakit?” “Ang baho kasi--” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na naman humilab ang sikmura ko at parang nasusuka naman ako. Tuluyan na akong nagsuka sa lababo at naramdaman ko naman ang kamay ni Brianna na hinihimas ang likod ko. “Ayos ka lang ba ate?” tanong ng kapatid ko. Tumango naman ako sa kaniya at agad ko siyang nginitian. Pero, patuloy pa rin ako sa pagsusuka hanggang sa maisuka ko ang mapait na likido. Ilang araw ko na talaga itong nararamdam. At sa paglagay ko ay tama si Tatay na buntis ako. Hindi pa kasi ako nagkakaroon simula no’ng iniwan ako ng gagong lalaking ‘yun! “Ahm…Brianna, p’wede mo ba akong samahan magpa-check up,” paki-usap ko sa kaniya. “Bakit ate, may sakit kaba? O baka nam-- oh, my God!” Tili ni Brianna na halata ang excitement sa kaniyang mukha. Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako at nag-ayos. Para makaalis kami agad ni Brianna. Hindi naman siguro kami malalate dahil maaga pa naman. *********** Pagdating namin sa clinic ay kaunti lang ang tao. May nakasama rin akong mga buntis at sa palagay ko ay magpapa-ultrasound sila. Basi sa kanilang mabibilog na tiyan at ang iba naman ay mukhan g manganganak na. “Miss Willows, kayo na po ang next,” sabi ng babaeng assistant nurse ng Doctor dito sa clinic. “Okay, po.” Pagpasok sa loob ng kwarto ay nakita ko agad ang isang magandang babae na sobrang puti. Hindi maalis-alis ang tingin ko sa kaniya dahil napaka-ganda niya. At ang kinis pa ng kaniyang balat. “Miss Willows, right?” tanong naman ng babae na sa palagay ko ay siya ang aking Doctor. Basi sa kaniyang suot na kulay puting lab gown. “O-opo, Doc,” nahihiyang sagot ko naman sa kaniya. “Okay. By the way, I’m Gizelle Torres.” Pagpapakilala niya at agad in-abot ang kaniyang kamay sa ‘kin. Nahihiyang tinanggap ko naman ito at nakipag-kamay sa kaniya. Ang lambot ng kamay niya at sobrang kinis pa. Parang may kamukha siya kaso hindi ko alam kong sino. May in-abot siya sa akin na maliit na bagay at kinuha ko naman iyon. Napakunot ang nuo ko dahil hindi ako marunong kong paano gamitin ito. Napaangat ako ng mukha at napatingin sa Doctor ko nang tumikhim siya. Siguro na pansin niya ang pagkunot ng nuo ko, dahil nakatingin lang ako sa in-abot niyang bagay sa akin. “Marunong ka bang gumamit niya?” tanong niya sa akin. Napayuko ako at agad na umiling. Nahihiya ako sa kaniya dahil sa simpleng bagay lang ay hindi ako marunong. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. “Ang cute mo. Anyways, ganito lang ‘yon. Buksan mo lang ang takip nito at ilagay sa parting gitna mo, pagkatapos ay patakan mo ng urine. Doon mo malalaman kung buntis ka o hindi. Kapag nakita mong dalawang guhit na kulay pula ang makita mo ang ibig sabihin no’n ay buntis ka. Pero, ‘pag isang guhit lang ang nakita mo ang ibig sabihin din no’n ay hindi ka buntis.” Mahabang paliwanag ng Doctor ko sa akin habang nakangiti. Tumango-tango naman ako sa kaniya at agad na pumunta sa CR. Hindi ko tuloy maiwasan na humanga sa kaniya. Napakabait at napakalambing pa niyang magsalita. Ginawa ko ‘yong sinabi ng Doctor ko at naghintay ng ilang minuto. Upang malaman ang resulta kong buntis nga ba talaga ako. Nang makita ko ang resulta ay agad akong napatakip sa aking bibig. Naiiyak akong, napasapo sa impis ko pang tiyan na may buhay nang laman. Paglabas ko ng pintoan ay nakita ko agad ang Doctor ko na nakatayo sa labas. Nginitan niya ako at nilapitan. Kinuha niya sa akin ang hawak ko at tinignan. “Positive ka. Pero para maka-sure tayo, kong e-check kita,” sabi ng doctor ko at agad niya akong iginaya sa isang higaan na may maliit na monitor sa aking harapan. Humiga ako sa higaan tulad ng sabi niya. Itinaas niya ang damit ko sa bandang dibdib ko na sakto lang na hindi makikita ang mga bra ko. May nilagay siya na parang gel sa aking tiyan. Sobrang lamig sa pakiramdam ko at ang lapot pa niyang hawakan. Pagtapos ay may isang bagay siyang hawak na pinapaikot sa aking tiyan. “Nakikita mo ba si Baby?” tanong ng Doctor ko sa akin. Sa una ay hindi ko alam kong saan ang tinutukoy niya na baby ko. Pero, nang ituro ng Doctor ko sa akin ang isang maliit na bagay sa monitor ay nanlabo ang mata ko. Hindi ko mapigilan ang maluha nang makita ko sa screen monitor ang baby ko na sobrang liit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD