Blaire’s POV
“Ate! ‘Di ba si kuya Raziel, ‘yon?” tanong ni Brianna sa ‘kin.
Napalingon naman ako sa itinuro niya at agad naman nanlaki ang mata ko na si Raziel nga ang kaniyang na kita.
Pinsan siya ng bestfriend kong si Raiza. Kailan pa kaya siya umuwi? Matagal-tagal ko rin siyang hindi nakikita. Simula noong kinuha siya ng kaniyang Ama.
Ngayon ay ibang-iba na siya sa dating Raziel na kilala ko. Masasabi kong may sinasabi na siya sa buhay. At alam kong madali niya na lang makuha ang mga bagay na gusto niya.
Balita ko kasi ay pinag-aral siya ng kaniyang Ama sa America. Hanggang sa nakapagtapos siya. At sa kaniya ipinagkatiwala ang negosyo ng kaniyang Ama.
Mayaman ang pamilya ng Tatay ni Raz. Kaya hindi mahirap dito na kunin siya at pag-aralin sa ibang bansa.
“Hi, kuya Raz,” boses ni Brianna.
Napabalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang boses ng kapatid ko. Nilingon ko naman ‘yong tao na binati nito.
“Hello, Ianna. Hi Blaire, long time no see ah,” a baritone voice greeted us.
“Oo, nga eh. Kamusta? Kailan kapa dumating?” nakangiti kong pangangamusta sa kaniya.
Na pansin ko naman ang paninitig niya sa akin. Kaya umiwas ako ng tingin. Hindi naman sa naiilang ako sa kaniya. Pero parang gano’n na nga. Tsk!
“I’m good. How about you?” he replied cheerfully.
“Okay naman.” Tipid ko namang sagot sa kaniya.
Tumango-tango siya na parang kampante sa sagot ko. Hindi na lamang ako nagtanong pa at nagkunwaring binibilang ko ang mga binili kong vitamins para sa baby ko.
“Anong, ginagawa n’yo rito? At saan kayo pupunta?” sunod-sunod niyang tanong sa amin.
“Ah…wala may pinuntahan lang. Pauwi na rin kami. Ikaw ba?”
“Gano’n ba. Edi, sumabay na kayo sa ‘kin.”
“Nako, huwag na Raz. Maaabala kapa namin. Magta-tricycle na lang kami. Malapit lang naman ang bahay namin dito sa bayan.”
Nahihiyang pagtanggi ko sa alok niya. Ayaw ko naman na maging abala kami sa kaniya. At baka may pupuntahan pa siya, tapos makakaabala pa kami sa kaniya.
“No. It’s okay, I insist. Actually, doon rin naman ang punta ko eh,” pagpupumilit niya.
“Oo nga naman, Ate Blaire. Para maka-libre na tayo sa pamasahe,” sang-ayon naman ni Brianna sa sinabi ni Raziel.
Pinandilatan ko naman siya ng mata dahil sa sinasabi niya. Nakakahiya baka sabihin ni Raz na wala akong pera pamasahe pauwi.
Nag-peace sign naman ang loka. Lumingon ako kay Raz at nakita kong may nakapaskil na nakakalokong ngiti sa kaniyang labi.
Nag-init ang pisngi ko at sa palagay ko ay kasing pula na nang kamatis ang mukha ko! Nakakahiya talaga ‘tong kapatid ko. Makukurot ko talaga sa singit ‘to!
“Lets go.” pag-aya ni Raz sa amin.
Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila. Ang kapatid ko naman ay hindi rin halata ang excitement sa mukha.
May patalon-talon pa na animo’y isang bata na first time lang makatikim ng candy. Napapailing na lamang ako sa kaniya.
Nang marating namin ang parking lot ay agad niya kaming pinagbuksan ng pinto ng kaniyang sasakyan. Mangha ko naman tiningnan ang kaniya kotse dahil napaka-ganda nito.
Hindi naman kami first timer sa ganitong bagay. Dahil ang taong nang iwan sa akin ay nanghihiram ng sasakyan sa kaibigan nito. At ‘yon ang ginagamit niya kung ipapasyal niya ang mga kapatid ko at ipangsusundo sa akin sa trabaho.
O ‘di ba sosyal!
Pagkaupo sa shot gun ay ikinabit niya ang seatbelt ko. Pagkatapos ay isinirado ang pinto at agad na umikot patungong driver seat. Nang maka-puwesto ay in-start ang makina at agad na nagmaneho.
Ako naman ay ini-libot ang paningin sa kabuoan ng kaniyang sasakyan. Siguro napakamahal nito. Dahil crystal sheild ang bubongan nito. Sa back seat naman ay may maliit na parang t.v na kasalukuyang na nonood si Brianna.
Nang makuntento ang paningin ay isinandal ko ang aking likod sa upoan. Habang tahimik kaming, tinatahak ang daan pauwi. Tanghali na rin kami natapos sa pagpa-check up.
Lahat ng ni-resita sa akin ng Doctor ko na gamot para sa baby ko ay binili ko lahat. Bumili rin ako ng gatas ko para naman ay malusog ang baby ko paglabas niya.
Napahawak ako sa impis ko pang tiyan at hinimas-himas ito. Nalulungkot ako para sa anak ko. Dahil wala siyang makikilalang Ama paglabas niya.
Ang lalaking pinagkatiwalaan ko ng buong puso na siyang Ama ng magiging anak namin ay iniwanan ako. Makakaya ko namang palakihin ang anak ko na mag-isa.
Pero, paano kung hanapin niya sa akin ang Tatay niya? Anong isasagot ko? Alangan namang hahanapin ko kung saang purgaturyo ang lalaking iyon pumunta.
Edi, nagmukha pa akong despirada! Bahala siya sa buhay niya! Hindi niya makikita anak niya at wala rin akong balak na hanapin siya. Letchi siya!
“Are you okay, Blaire?”
Napabalik ako sa huwisyo ng magsalita si Raziel sa tabi ko. Napalingon naman ako sa kaniya at agad na tumango.
“H-huh? Ah…oo, naman. Bakit?” umiling siya at hindi na nagtanong pa.
Siguro nakita niya ang paghigpit ng hawak ko sa supot na dala ko. Kaya napabuntong hininga na lang ako.
Panaka-naka naman niya akong tingnan habang nakatuon ang mata niya sa daan. Hanggang sa narating namin ang bahay.
“Salamat Raz, huh,” nahihiya kong pasasalamat sa kaniya.
“No, problem. Basta ikaw,” nakangiti niyang sagot sabay kindat pa nito sa ‘kin.
Hinampas ko naman siya sa kaniyang braso. Pero, mahina lang at alam kong hindi naman siya nasaktan. Tumawa naman siya kaya napatawa na rin ako.
Niyaya ko siyang pumasok muna sa loob. Hindi naman siya tumangi at agad na kaming pumasok. Nadaanan pa namin ang mga kapatid ko na masayang naglalaro sa aming maliit na bakuran.
“Maupo ka muna. Kumain kana ba? Magluluto lang ako saglit,” I offered him.
“I will be with you.” He replied.
“Naku, ‘wag na. Nakakahiya naman sa ‘yo,” nahihiyang sagot ko.
Mahina siyang tumawa. Kaya naman ay nag-init ang pisngi ko. Nahihiya ako sa kaniya dahil sa maliit naming bahay. Alam kong hindi na siya sanay sa ganitong pamumuhay. Mahihiya rin ang kusina namin dahil sa tangkad at matigas na katawan niya.
“Tss, bakit ka naman mahihiya?” napayuko ako at umiling sa kaniya.
Tumalikod na ako sa kaniya at agad na pumunta ng kusina. Narinig ko naman ang malakas niyang tawa. Kaya’t nag-iinit ang mukha ko pang lalo.
Ramdam ko naman ang pagsunod niya. Pero, hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang ako sa paglakad hanggang sa huminto ako sa harap ng maliit naming ref.
Kinuha ko ang karne sa mula sa loob nito. At agad na nilagay sa plangana para lagyan ng tubig. Upang maibabad ito para hindi ako mahirapan sa paghihiwa mamaya. Mabuti na lang at nakapang-grocery ako kahapon. Kaya naman ay may uulamin kami ngayon.
Si Tatay naman ay may binibigay rin na pera sa akin. Tuwing kada sahod niya sa hacienda. Sabi ko sa kaniya na itago na lamang niya ang sahod na natatanggap niya. Dahil may pera naman ako para sa pagkain at mga gastosin dito sa bahay namin.
Pero, dahil makulit ang Tatay ko. Wala akong magawa kundi ang tanggapin ang ibinibigay niya. Dahil responsibilidad niya raw iyon bilang Ama. At pandagdag na rin daw sa allowance ng mga kapatid ko. Ang sabi pa niya ay siya daw dapat ang nagpapaaral sa mga kapatid ko at hindi ako. Dahil responsibilidad niya daw iyon bilang magulang na paaralin niya ang mga anak niya.
Proud na proud ako sa Tatay ko, dahil sa mapagmahal na Ama ito sa aming magkakapatid. Napaka-swerte namin sa kanilang dalawa ni Nanay. Dahil pinuno nila kami ng pagmamahal galing sa kanila at hindi sila nagkulang sa aming lahat. Wala na kaming may maihihiling pa. Dahil ibinigay sila ng Diyos sa amin upang alagaan at mahalin kaming mga anak nila.
“Ate sa labas lang ako!” tila kinikilig na sigaw ni Brianna at agad na tumakbo palabas ng kusina.
Tumingin ako sa kinaroroonan ni Raz at agad ko naman itong nahuli na nakatitig sa akin. Walang kurap-kurap niya ako kong titigan. Na parang sinusuri ang kabuoan ko habang nakatayo ako.
Hindi man lang ito natinag o umiwas kahit nahuli ko itong nakatingin sa ‘kin. Hindi ko alam. Pero, kinakabahan ako sa uri ng kaniyang tingin sa akin. Na para akong isang masarap na ulam na inihain sa kaniyang harapan.
Though, naiilang ako sa kaniyang, presinsya at ako na lamang ang umiwas ng tingin sa kaniya. At pinagtuonan ng pansin ang aking ginagawa.
I remember someone in him who was the same when looking!