Nang makaalis na sina Tata Vering at Mila ay agad akong nag-empake ng aking mga gamit. Babalik na ako sa Maynila. Tama si Drew na hindi makabubuti sa akin na manatili rito sa Laguna dahil narito si Mila. Patuloy lang akong masasaktan lalo na't tila araw-araw pumupunta sa bahay ang pamilya ni Tata Vering. "Pinal na ba ang desisyon mo, anak?" tanong ni Papa. "Mas gusto sana namin ng Mama mo na dumito ka muna. Mas panatag ang loob namin sa tuwing magkakasama tayong pamilya." Hinawakan ni Mama ang kamay ko nang makaupo siya sa tabi ko. "Oo nga naman, anak. Ayokong nasa malayo ka. Hindi ako mapalagay sa isiping mag-isa ka sa Maynila." "Huwag po kayong mag-alala, Mama, Papa, kaya ko po ang aking sarili. Matanda na po ako." Tumawa ako matapos sabihin iyon. Buo na ang desisyon ko. Babalik ako s

