Apat na araw ang lumipas, medyo tahimik ang buhay ko dahil walang Robert na nanggugulo. Wala ring Drew na nangungulit dahil sinunod ko ang suhestiyon ni Sheena na sa inuupahan niyang bahay muna ako pansamantalang tumira. B-in-lock ko na rin ang cellphone number ni Drew kaya hindi niya ako matawagan, pero nagpapadala pa rin siya ng bulaklak araw-araw. Sabay kaming pumasok ni Sheena sa shop nang araw na iyon at gaya ng dati ay sa maliit kong opisina ako nagbababad maghapon. Sila na ang nakikiharap sa mga kliyente para daw wala akong aalalahanin sakali mang dumating si Robert o kaya ay si Drew. Umaga, tanghali at hapon kasi kung magpunta si Drew sa shop at hindi naman makaporma kay Sheena dahil lumalabas ang pagka-amazona ng kaibigan ko sa tuwing makikita ang mortal niyang kaaway na si Luci

