Nagising ako kinaumagahan na may masakit na iniinda sa ibabang bahagi ng aking puson. Banyaga ang pakiramdam na iyon. Tinatamad akong bumangon dahil para akong lalagnatin. Pasado alas otso na ayon na rin sa alarm clock na naroon sa ibabaw ng mesita. Napahilamos na lang ako sa mukha gamit ang aking kaliwang kamay at iniiwasang huwag igalaw ang aking mga binti dahil masakit talaga. Bahagyang nakataas ang blinds ng floor to ceiling glass window sa condo kaya nasilip kong mataas na ang araw sa labas. Napapikit na lang ako nang wala sa sariling naigalaw ko ang aking mga binti. Masakit talaga pero pinilit kong huwag gumawa ng ingay dahil tulog pa si Drew sa aking tabi. Humihilik pa siya habang nakayakap sa katawan ko ang isa niyang kamay. Sumagi sa utak ko ang nangyari sa pagitan namin ni

