Eksaktong alas dose ng tanghali nang gupitin ko ang malaking ribbon na malapit sa pintuan ng boutique. Napatingin ako kay Drew na nakangiti pabalik sa akin. "Congratulations, Baby." Niyakap niya ako. "Thank you, Baby." Tumingin ako sa mga taong kanina pa inip na inip na makapasok. Napakainit sa labas kaya nagpatiuna na kami ni Drew sa loob. Lihim akong nagpasalamat nang ipulupot niya ang kanang kamay niya sa aking baywang. Nagsilbi iyong suporta para kahit papaano ay makapaglakad ako nang maayos. Gustuhin ko mang makihalubilo sa mga tao ay hindi ko magawa dahil abala sila sa pagtingin-pagtingin sa mga bag na naka-display. Nagkasya na lang akong pagmasdan sila habang nakatayo sa isang tabi kasama si Drew. May mga kakilalala akong nagawi roon at ang iba ay nakipag-usap sa amin pero hi

