Chapter 30

2037 Words

Tulala ako habang nakaupo sa loob ng aking opisina. Pilit na sumasagi sa utak ko ang naganap sa aming dalawa ni Drew kaninang umaga. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at ganoon na lang ang reaksiyon ng katawan ko sa bawat paghaplos na ginawa niya. Buo pa rin naman ako. Maayos pa rin ang katawan ko at walang nabawas. At gaya ng pangako niya, ay hindi niya nagawang pakialaman ang pinakaiingat-ingatan ko. Napailing na lang ako. Hindi nga niya kinuha ang virginity ko gaya ng pangako niya, pero nagsusumiksik naman sa utak ko ang mga senaryo kanina na para bang siya mismo ang nag-uudyok sa akin na unang gumawa ng paraan para makuha niya ang gusto niya. Wala akong experience sa ganoong bagay, unang beses ko iyon at siya lang ang pinakaunang lalaki na binigyan ko ng permiso na gawin iyon. H

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD