Nagising ako na tila may mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko. Wala akong makita dahil madilim ang paligid kaya tinalasan ko na lang ang aking pakiramdam. Saka ko lang naalala na narito ako sa condo ni Drew. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapansing braso ni Drew na nakapulupot sa aking tiyan. Sh*t! Hindi ito pwede. Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi, pero wala akong maalala. Hindi naman siguro kami umabot sa... Naku! Huwag naman sana. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at wala naman akong maramdamang sakit sa ibabang bahagi ng puson ko kaya medyo nabawasan ang kaba sa aking dibdib. Hindi pwedeng basta na lang mawala ang pinakaiingat-ingatan ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya mula sa pagkakapulupot sa akin ngunit tila mas lalo niya iyong hinihigp

