"Make yourself at home, Baby," saad niya nang makapasok na kami sa unit niya. Tutulungan ko na sana siya sa dala niyang supot pero iniiwas niya iyon. "I can handle it. Take a rest. Tatawagin na lang kita kapag maayos na ang mesa." Tumango ako at naupo sa sopa. Ipinatong ko sa ibabaw ng mesita ang dalawa kong mga paa para ma-relax iyon. Pakiramdam ko kasi ay namamanhid iyon. Maghapon akong nakaupo sa shop at kapag ganoon ay tila mas nanghihina ako dahil walang ehersisyo ang katawan ko. Ilang araw na akong parang nakakulong sa maliit na opisinang iyon dahil iniiwasan ko sina Robert at Drew. Pero hindi ko akalain na aabot ako sa puntong sasama kay Drew dito sa unit niya. Muli, ay hindi ko na naman maiwasang sisisihin si Robert. Kung wala sana siya kanina sa labas ng bahay ko, ay sigurado ak

