"Daddy," dinig kong saad ng bata saka akmang tatakbo papunta kay Drew ngunit nakakaisang hakbang pa lang ay napansin kong matutumba siya. Agad ko siyang dinaluhan para maiwasan ang tiyak niyang pagbagsak sa flooring ng mall. Ilang metro ang layo ni Drew kaya alam kong hindi niya agad-agad na masasalo ang bata. Dinig ko pa ang ilang sigaw ng mga tao nang makitang matutumba na ang bata. "Careful, baby," mahina kong saad nang payakap siyang bumagsak sa braso ko. Napangiti ako nang maramdaman ang malambot niyang katawan habang yakap ko. Malusog siyang bata, cute ang mukha at hindi nakakasawang tingnan. Nakasuot siya ng pale blue dress na hanggang tuhod, nakatirintas ang buhok niya at medyo mahaba ang bangs na tumatabing nang bahagya sa mga mata niya. Sa tantiya ko ay nasa anim na taon na an

