"Ano?" galit na saad ni Sheena habang kumakain kami sa isang restaurant. Niyaya ko sila ni Salvador na kumain sa labas. Ni-treat ko sila dahil maganda ang kinalabasan ng boutique. Dalawang linggo na simula nang magbukas iyon at hanggang ngayon ay dinadagsa pa rin ng mga customer. Ngayon ko masasabi na effective nga ang ginawang promotion ni Drew sa bagong tayo kong boutique. "Choosy ka talaga, Besh, ano?" Nakasimangot si Salvador matapos punasan ang labi. Kumalat kasi ang sauce ng pasta na inorder namin. "Ayaw mo naman kay Lucifer, then bakit mo pa pinapatagal ang relasyon ninyo? Pack-up na, Besh! Iwan mo na si Lucifer bago ka pa niya iwanan." "Tama," agad na tugon ni Sheena. "Malaking insulto 'yon sa p*********i niya, Bes. Imagine, ha, siya si Andrew Buenavides na tagapagmana ng isa sa

