Napakaluwang ng pagkakangiti ni Drew habang nagmamaneho. Hindi ko makita ang mga mata niya dahil sa suot niyang shades. Nakatutok ang kaniyang paningin sa kalsada kaya libre ang mga mata ko na pagmasdan ang kabuuan niya. "Stare all you want, Baby," malakas niyang saad na todo pa rin sa pagngiti. "I won't mind. I'm all yours anyway." "I'm not staring at you," tanggi ko. "Sa labas ng bintana ako nakatingin." Itinuro ko pa sa kaniya ang mga nagtatayugang mga gusali na naroon sa gawing kaliwa sa gilid ng highway. "Nahiya ka pang umamin, e. Nakatingin ka talaga sa akin. Nakatingin ka sa guwapo kong mukha." Tumaas ang kilay ko. Ngayon ako nagsisisi kung bakit hindi ako nagsuot ng shades, hindi sana niya mahahalata na pinagmamasdan ko siya. "Guwapo? Saan banda?" "Why, Baby? Don't you find m

