Inatake ako ng takot nang maramdaman kong may humila sa aking braso. Malakas iyon pero tila tantiyado ang galaw ng taong iyon dahil hindi naman ako nasaktan. Nang lumingon ako para makita ang mukha ng taong 'yon ay agad niyang hinawakan ang aking balikat at isinandal ang likod ko sa nakaparada kong sasakyan saka kinumuyos ng halik ang labi ko. Hindi ako makapalag. Napapikit na lang ako dahil naduduling ako sa pagkakalapit ng aming mukha. Ilang minuto rin ang itinagal ng halik na 'yon at wala akong magawa sa sobrang takot at pagkabigla. Wala ni isa mang tao na nagagawi roon at tanging mga nakaparadang kotse lang ang naroon sa lugar. Medyo madilim na rin at wala akong makitang ilaw sa mga posteng naroon. "You lied to me, Baby," bulong ng lalaking humalik sa akin na walang iba kundi si Drew.

