Maaga akong pumasok sa shop dahil maraming kliyente ang nagpa-rush ng kanilang order. Hindi iyon kakayanin na gawin mag-isa nina Jinky at Tin o kahit tumulong pa si Sheena. Si Marco naman ay tanging sa graphic design ko lang maaasahan. May mga rush order din kasi na mga tarpaulin at iyon ang pinagkakaabalahan niya. Ako na ang nagbukas ng shop dahil wala pa si Mang Isko. Mabuti na lang at nilinis niya ang shop kahapon kaya wala na akong iisipin pa. Hindi na ako dumiretso sa maliit kong opisina, umupo ako sa monobloc chair at nagsimula ng gumawa ng pouch bag. Sinamay ang ginamit kong materyales sa paggawa niyon at lubid naman na gawa sa manila hemp ang handle. Iyon kasi ang napili ng kliyente na gawing goodie bag para sa birthday party ng anak niya. Naglalagay ako ng white glue para dumik

