Isang halik ang iginawad sa akin ni Drew matapos niyang ihinto ang kotse sa gilid ng highway. Masuyong halik na ilang segundo lang ang itinagal dahil agad iyong naging mapusok at halos mapugto ang aking hininga. Tila wala siyang planong pakawalan ang labi ko. Dinig na dinig ko ang ungol na nagmumula mismo sa aking bibig. Hindi ako makahinga, pero hindi ko naman magawang pigilan ang halik na iyon. Ilang araw ko ring pinanabikan ang halik niya at ngayong narito na siya ay hahayaan ko ang aking sarili na namnamin ang isang bagay na hinahanap-hanap ko nitong nakaraang tatlong araw. Napasinghap ako nang pakawalan niya ang aking labi at bumaba ang halik niya sa aking leeg. Napasandal ako sa upuan, nakikiliti ako habang ginagawa niya iyon. Madilim sa loob ng kotse at nararamdaman ko ang kakaib

