Ang inaasahan kong bakasyon ay nauwi lang sa pagkukulong sa loob ng kwarto ng hotel. Inatake kasi ako ng dysmenorrhea kinaumagahan at hindi na natuloy ang pamamasyal sana namin ni Drew. Nakahiga lang ako maghapon sa kama habang iniinda ang p*******t ng aking puson. "How do you feel, Baby?" saad ni Drew mayamaya. Minamasahe niya ang likod ko matapos niya akong painumin ng ibuprofen. "Getting better," mahinang tugon ko. Hawak ko ang heating pad na naroon sa aking puson. Nakahiga ako patalikod sa kaniya habang nakapikit ang aking mga mata. Patuloy pa rin siya sa pagmamasahe sa likod ko at aaminin ko na nababawasan niyon ang iniinda kong sakit. Tumulo ang aking luha. Sobra ang panghihinayang ko sa bakasyong ito. Kung bakit ba kasi ngayon pa ako inatake ng dysmenorrhea. Nahihiya tuloy ako

