Abot tainga ang ngiti ko habang nakaharap sa malaking salamin sa loob ng banyo. Dito ako nagpunta matapos ang isang tagpong hindi ko makakalimutan habang nabubuhay ako. Itinaas ko pa ang kaliwa kong kamay para siguruhin na hindi talaga ako nananaginip. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nag-propose sa akin ng kasal si Drew at sa harap mismo ng mga magulang at kamag-anak ko. Agad na nagyaya si Drew na umuwi kami matapos ko siyang sagutin kaninang tanghali. Hindi ko alam kung bakit pero sumang-ayon na rin ako dahil hindi rin naman kami makakapamasyal. Nangako naman siya na babalik kami sa Palawan ano mang oras na gustuhin ko. "Ang ganda ng engagement ring mo, Ate Rosel," may paghanga na saad ni Faye nang pumasok sa banyo. Hinawakan niya pa ang aking daliri at tiningnang ma

