Para akong pinanghihinaan ng loob. Kasisimula pa lang ng relasyon namin ni Drew pero may kumukontra na. Okay lang sana kung ibang tao, 'yong hindi niya kadugo, pero hindi, e. Nanay na niya mismo ang nagdesisyon na ayaw akong makilala. Iyon pa naman ang pinakaiiwasan ko sa lahat. Ayokong makabangga ang nanay ng taong mahal ko dahil hindi iyon magbubunga nang maganda. Naranasan ko iyon noong kami pa ni Robert. Ayaw sa akin ng nanay niya kaya nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon namin. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nagmamaneho si Drew papunta sa shop. Wala akong imik, siya naman ay panay ang kuwento ng kung anu-ano. Hindi ko naman magawang magkomento dahil okupado ang isipan ko sa mga nabasa ko kagabi sa cellphone niya. Ngayon ako nagsisisi na pinakialaman ko pa ang phone n

