Maayos na sana ang bakasyon namin kung hindi lang dumating si Ryan at kung hindi sana sa pagiging seloso ni Drew na wala naman sa lugar. Halos maiyak ako sa sobrang hiya at galit nang mabulgar sa harap ng mga kaibigan niya na ako ang babaing iniwan ni Ryan para lang tuparin ang pangarap na makapag-abroad. Sa mismong harap ng mga kaibigan niya ay hindi napigilan ni Drew ang sarili na suntukin si Ryan na agad namang nailagan ng huli. Nadatnan niya kasi na kinausap ako ni Ryan at agad niya itong binalaan na huwag na huwag akong kakausapin. Napapailing na lang ako sa inaasal niya. Hindi ko alam kung paano natapos ang away nilang dalawa dahil hindi rin pumayag si Ryan na di makaganti nang matamaan ng suntok ni Drew kahit pa anong pagsasaway na gawin ni Orly. At sa sobrang hiya na naramdaman k

