Hindi na nasagot ni Drew ang tanong ko na 'yon dahil pumasok si Esperanza at inanunsiyo ang pagdating ni Orly. Nasasaktan ako pero hindi ko magawang sumbatan siya dahil nasa harap na namin ang kaibigan niya. Nagkunwari na lang akong maayos ang relasyon namin ni Drew. Nagpaalam na ako kay Drew dahil mag-aala una na. Tingin ko kasi ay may mahalaga silang pag-uusapan ni Orly. Gusto niya akong ihatid sa shop pero tumanggi ako. "Susunduin kita mamaya, Baby," saad niya habang nahihintay ako sa pagbubukas ng elevator. "Yeah." Pinisil ko ang kamay at tinitigan siya sa mga mata. "Kailangan nating mag-usap. Ayoko ng ganitong pakiramdam, Drew." "I'm sorry, Baby. I'm sorry." Niyakap niya ako kahit naroon ang mga empleyado niya na nakakakita sa amin. "I just don't want to lose you." Kumalas ako

