KABANATA 6 (PANANABIK)

2486 Words

Mag-aalas onse na nang gabi nang maka-uwi si Yvionna galing ng ospital. Wala pa ring malay ang kanyang ama at nasa comatose pa rin ito. Nahiga na si Yvionnna upang kahit papaano ay makapagpahinga naman ng kahit konting oras. Pagod na pagod ang kanyang katawan. Daig pa niya ang nagtrabaho sa buong maghapon. Halos naubos ang lahat ng kanyang lakas sa kahahanap ng pera na pandagdag para sa operasyon ng kanyang ama. Mariin nang ipinikit ni Yvionna ang kanyang mga mata kasabay ang paghugot ng malalim na hininga saka pinakawalan sa hangin. Gusto niya nang kalimutan ang lahat ng nangyari sa gabing iyon ngunit sa bawat pagpikit niya ng kanyang mga mata ay nakikita niya ang mukha ni Arth. Kung pwede lang sana na i-untog niya ang kanyang ulo ay ginawa niya makalimutan lamang ang nangyari sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD