Biglang nagising si Arth nang marinig ang malakas na pagtunog ng alarm. Tinatamad pa rin siyang bumangon. Kung pwede lamang sana na maghapon siyang nakahilata ngunit ang kaso ay marami pa siyang office work na gagawin. Tambak ang trabaho sa opisina kaya walang panahon upang magrelax. Tumayo na si Arth mula sa kama nang marinig ang malakas na pagkatok mula sa pinto. "Bukas 'yan," ani Arth at iginawi niya ang paningin sa may pintuan. Dahan-dahang nagbukas ang pinto at iniluwa noon si Emmery Monreal. Ang butihing ina ni Arth. "Good morning, son" nakangiting bungad ni Emmery sa kagigising lamang na si Arth. Ang matamis na ngiti ni Emmery ang palaging kumukompleto sa araw ng binata. Nagsisilbi rin iyong energizer ni Arth sa buong maghapon na trabaho sa loob ng opisina. Dito rin humuhigot s

