WARNING: SPG This is not suitable for the very young readers, please read at your own risk. Habang nagmamaneho si Arth ay hindi niya maiwasan na isipin si Yvionna lalo na't iniwan niya itong nag-iisa. Hindi man sinabi sa kanya ni Yvionna ang naging dahilan. Isa lang ang tiyak, may mabigat ito ngayong pinagdadaanan. Umaasa siya na magiging maayos lamang ang lahat kay Yvionna at maging ligtas ito. Didiretso na sana si Arth sa matalik niyang kaibigan na si Raffy upang dumalo sa pa-despedida party nito nang makatanggap ng tawag mula kay Alba. "Napatawag ka, Alba?" ani Arth habang patuloy lamang sa pagmamaneho. "Nasaan ka? Pwede mo ba akong puntahan rito? I miss you." maharot na sabi ni Alba sa kabilang linya. Pagkarinig ay biglang umangat ang kabilang sulok ng bibig ni Arth. Alam niya n

