Hindi si Yvionna maaring magkamali. Ito ang lalaking muntik nang makabangga sa kanya at ang lalaking pinag-uusapan sa baba kani-kanina lamang.
Hindi ba siya nito nakikilala?
Ibang-iba ang mukha nito ngayon kung ikikumpara noong una niya itong nakita. Blangko ang mukha nito at mas matigas pa sa malamig na yelo.
Nang walang anu-ano ay bigla na lamang nitong hinablot ang kanyang kanang braso. Napangiwi siya nang maramdaman ang pagbaon ng mga daliri nito sa kanyang balat.
Sa hubog pa lamang ng pangangatawan ay masasabi niya na malakas ito at hindi basta-basta matitibag. Wala siyang binatbat kung sakali man na subukan niyang magpumiglas. Baka kung ano pa ang gawin nito sa kanya na maaari niya pang ikapahamak.
Marahas siyang kinabig nito dahilan upang sumubsob ang kanyang katawan sa mala-bakal nitong dibdib. Dinig na dinig niya ang bawat pintig ng puso nito. Naaamoy niya rin ang panlalaking pabango na naiwan pa sa balat nito. Ang mabangong amoy na tila ba isang gayuma na nagdulot sa kanya ng unti-unting panghihina.
Batid niya na sa mga sandaling iyon ay wala na siyang kawala. Malaya siya nitong maaangkin ng walang kahirap-hirap hanggang sa pagsawaan ang kanyang buong katawan. At kahit sumigaw pa siya ng napakalakas ay walang sinuman ang mangangahas na tulungan siya. Wala siyang ibang magagawa kung hindi ang ibigay na lamang ng kusa ang sarili sa lalaking ito at ipagkatiwala sa Poong Maykapal ang kanyang seguridad.
Matapos ay hinawakan ng lalaking ito si Yvionna sa bewang at mapusok na hinalikan. Walang ibang nagawa si Yvionna kung hindi ang hayaan na lamang ito sa ginagawa. Napapikit siya nang mariin habang dinadama ang maiinit nitong mga halik sa kanyang mga labi.
Maya-maya pa ay naramdaman na ni Yvionna ang paghagod ng dila nito ngunit nanatiling sarado ang kanyang bibig. Nagmamatigas pa rin ang kanyang puso at hindi pinapahintulutan na magwagi ang kanyang isip. Ngunit sadyang matigas ang dila nito at nagawang buksan ang kanyang bibig hanggang sa matagpuan na nito ang kanyang dila. Walang pakundangang iyon ginalugad at kinalkal na para bang may hinahanap. Para itong isang hayop na gutom na gutom at nakatagpo ng masarap na pagkain sa loob ng kanyang bibig.
"Uugghhhh..." ungol ni Arth sa loob ng bibig ni Yvionna.
Mas humigpit pa ang pagkakawak ni Arth sa bewang ni Yvionna.
Unti-unti nang naramdaman ni Yvionna ang pangangatog ng kanyang mga tuhod. Kulang na lamang ay matumba siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya lubos akalain na sa ganito palang pagkakataon niya matitikman ang kanyang unang halik. Ilang minuto na lamang ang nalalabi bago tuluyang mawala ang pinaka-iingatan niyang p********e. Ipinangako niya sa kanyang sarili na ibibigay niya lamang iyon sa lalaki na kanyang mamahalin na siyang makakasama niya sa habang-buhay. Ngunit, hindi na iyon mangyayari dahil ang lalaki na mismong ito ang siyang mag-aangkin sa kanya.
Masakit, ngunit kailangan niyang gawin.
Masakit, ngunit kailangan niyang mag-sakripisyo.
Masakit, ngunit wala ng mas sasakit pa ang mawalan ng isang magulang.
Gusto niyang magprotesta. Gusto niya itong itulak ng malakas ngunit sa bawat pag bukas ng kanyang bibig ay sinisiil siya nito ng mapupusok na halik. Halos maubusan na siya ng hangin. Nahihirapan na siyang makahinga. Ayaw siya nitong bigyan ng pagkakataon na buksan ang kanyang bibig.
Ramdam niya ang init na dumadaloy mula sa mga palad nito. Ramdam niya ang kakaibang init na hatid ng bawat paghaplos nito sa kanyang balat. Nagdulot iyon ng kakaibang kiliti ngunit hindi siya nagpatangay. Ang init ng katawan nito na hinihigop ang kanyang buong lakas hanggang sa tuluyan na siyang manghina at bumigay.
Maya-maya pa ay unti-unti nang naglakbay ang mga kamay nito patungo sa suot niyang blusa.
Natigilan bigla si Yvionna. Nagsimula na siyang mataranta.
Isa-isa nang binuksan ni Arth ang mga botones at tumambad sa harapan nito ang kanyang dibdib na natatakpan ng pulang bra. Lubos siyang pinagpala sa malulusog na dibdib. Ramdam niya ang palad nito nang gumawi na sa kanyang punong dibdib kasunod ang paghagod ng dila nito. Malakas siyang napatili kasabay ang pagpakawala ng isang malakas na sampal mula sa kanyang kanang palad at nasundan pa iyon ng isa.
Biglang natigilan si Yvionna. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay. Nanlalaki na lamang bigla ang kanyang mga mata sa labis na pagkabigla.
Ano itong nagawa niya?
Paano niya nagawang pagbuhatan ng kamay ang lalaking ito?
Ang isang Arth Monreal?
Isa siyang pangahas.
Ang isang tulad niya ay nararapat lamang na bigyan ng nararapat na kaparusahan.
"s**t! What the heck!" singhal ni Arth habang hinahaplos-haplos ang kanyang mukha.
Ramdam ni Arth ang malakas na impact ng sampal ni Yvionna na halos muntikan pang kumalas ang kanyang mga panga.
Matapos ay galit na bumaling ng tingin kay Yvionna. Ngunit nanlalaki na lamang bigla ang kanyang mga mata nang maaninag ang mukha ni Yvionna. Bigla siyang nakaramdam nang labis na panghihina. Hindi niya lubos akalain na sa ganoon pang pagkakataon niya muling makikita si Yvionna. Kung hindi dahil sa malakas na sampal na nagmula rito ay marahil hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya bumabalik sa kanyang katinuan.
"Pa-patawad, si'ir! Hi-hindi ko po sinasadya. Nabigla lang po ako. Patawarin po ninyo ako, si'ir." Pagmamakaawa ni Yvionna na halos nanginginig ang buong katawan sa sobrang takot na baka kung ano ang gawin ni Arth sa kanya.
Katapusan na ng lahat!
Napapikit na lamang si Yvionna nang mariin at naghihintay sa maaaring gawin sa kanya ni Arth. Wala na siyang kawala.
Nakahanda na siya.
Nakahanda na siyang tanggapin ang kaparusahan na ibibigay nito sa isang lapastangan na tulad niya. Ngunit tinalikuran lamang siya ni Arth at bumalik sa kama at isa-isang dinampot ang damit.
Nakasunod lamang ang mga mata ni Yvionna. Nang dahil sa kanyang kapangahasan ay nawalan siya ng pag-asa na makakuha ng pera. Mas pinairal pa niya ang matinding takot kesa sa kapakanan ng kanyang ama. Ang konting liwanag ng pag-asa ngayo'y tuluyan ng naglaho.
Mangiyak-ngiyak lamang si Yvionna habang inaayos ang pagkakabutones ng suot niyang blusa. Sumpa man ay hindi niya iyon sinasadya. Nadala lamang siya ng matinding takot kaya niya nagawa ang bagay na iyon kay Arth. Saka lamang niya napagtanto na mahirap panindigan ang isang pagpapanggap. Mahirap panindigan ang isang bagay lalo na't kung hindi mo naman iyon kinasanayan o gawain. At kahit anong pilit niya na maging malakas ay lumalabas pa rin ang tunay na nilalaman ng kanyang puso.
Mahina siya. Bagay na hindi niya maikukubli kahit magsuot man siya ng makapal at iba't ibang kulay ng make-up. Kahit mag-suot pa siya ng ngiti ay hindi nito kailanman maitatago ang kanyang kahinaan. Hinding-hindi niya magagawang itago ang kanyang sarili sa harap ng ibang tao.
Hinding-hindi.
"Patawarin po ninyo ako! Kahit lumuhod pa ako sa harapan mo ay gagawin ko mapatawad mo lamang ako." Walang humpay na pagmamakaawa ni Yvionna habang nagpipigil sa kanyang mga luha na unti-unti nang nagbabadya.
Lumuhod si Yvionna saka dahan-dahang iniyuko ang ulo.
"Patawarin po ninyo ako! Patawad!" Pagsusumamo ni Yvionna.
"Ano ba ang ipinunta mo rito?" Mapait na tanong ni Arth ngunit naroroon ang labis na pagtataka sa dahilan ng pagparoon ni Yvionna. Ramdam niya sa simula pa lamang nang makita niya ito ay alam niya na mabuti itong tao at hindi katulad ng mga babaeng ikinakama niya.
Ngunit, nagkamali ba siya ng pakiramdam?
Wala sa mukha ni Yvionna ang isang mababang klaseng uri ng babae.
Ngunit bakit?
Nanatili lamang na tahimik si Yvionna. Gustuhin man niyang magsalita at magpaliwanag ay walang lumalabas sa kanyang bibig. Masakit man ay kailangan niyang tanggapin ang naging bunga ng kanyang aksyon.
Bakit nga ba ako nandito?
Ano nga bang rason kung bakit ko to ito ginagawa?
Pera lamang ba ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa?
Mapait na tanong ni Yvionna sa kanyang sarili habang nalulunod sa labis na pait at sakit.
Nang dahil sa kanya ay mawawala ang kanyang ama.
Mawawalan siya ng isang magulang.
Kahit kailan ay hindi-hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.
Ngunit kahit anong pagpipigil na gawin ni Yvionna sa kanyang damdamin ay bigla na lamang siyang napahagulhol ng hindi sinasadya. Ayaw niyang magmukhang kawawa sa harapan ni Arth ngunit sadyang mahina ang kanyang loob. Mahina sa lahat ng bagay lalo na kung pagdating sa pamilya. Kahit kailan ay hindi iyon nagbago at hinding-hinding magbabago kahit anong pagpipilit pa niyang gawin. Itinakip niya ang magkabila niyang mga kamay sa kanyang mukha upang itago ang mga luha na patuloy lamang sa pagbuhos. Ayaw niyang makita siya ni Arth sa ganoong sitwasyon ngunit tila ba unti-unting natitibag ang depensa sa kanyang mukha ng mismong sarili niyang mga luha.
Kung maaari lamang sana na ang bawat pagpatak ng kanyang mga luha ay maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Ngunit hindi, mas lalo lamang siyang nasasaktan at nahihirapan.
Natigilan bigla si Arth nang marinig ang paghagulhol ni Yvionna. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib. Tila ba'y isang matalim na punyal na unti-unting bumabaon sa kanyang dibdib. May kung anong tinig ang nagbulong sa kanya na lapitan si Yvionna at aluhin ngunit wala siya sa posisyon upang gawin ang bagay na iyon. Isa pa, batid niya sa kanyang sarili na siya mismo ang naging dahilan ng mga luha sa mga mata ni Yvionna.
Kinuyom niya ang kanyang kanang palad.
Kung hindi lang sana siya nagpadala sa kanyang emosyon.
Kung hindi lang sana siya nagpadala sa tawag ng laman ay marahil hindi nangyari ang lahat ng iyon.
Highschool pa lamang si Arth nang marami ng babae ang pumapantasya sa kanyang kakisigan at mas dumagdag pa iyon nang tumungtong na siya ng kolehiyo. Hindi lamang siya biniyayaan ng magandang mukha pati na rin ang kahusayan pagdating sa academics at sports. Dagdag pang puntos ang wheels ng kanyang sports car. Sabi nga ng iba ay complete package na siya. Hindi lamang siya naging sikat sa Devine Word Of College. Naging laman din siya ng halos lahat ng unibersidad sa buong albay at binansagan na pantasya ng mga kababaihan. Halos lahat na yata ng mga babae na nakasaksi sa kanyang kakisigan ay nangarap na maging nobya niya.
Maraming sumubok na makuha ang atensyon ni Arth ngunit ni isa ay walang pumasa sa kanyang panlasa. Wala sa isip niya ang magkaroon ng isang seryosong relasyon dahil ayaw niya ng commitment. Sa madaling sabi, mangongolekta lamang siya ng mga babae hanggang sa nais niya. Isang koleksyon ng mga pinagsawaang babae. At kahit araw-araw pa siyang magpakasasa sa s*x ay okay lang. Libre niya naman iyong nakukuha sa mga babaeng daig pa ang sawa kung makapulupot sa kanya. Hindi niya na kailangan pang maghanap dahil kusa nang lumalapit sa kanya ang mga ito.
Sino ba naman na lalaki ang tatanggi sa masarap na putahe na nakahanda na sa kanilang harapan?
Sa sandaling kaligayahan na hatid ng mga babaeng ikinakama ni Arth ay nakakalimutan niya ang lahat ng bigat na kanyang pinagdadaanan. Ang lahat ng sakit. Ang lahat ng pait. Ang lahat ng bagay na nagdudulot sa kanya ng labis na kalungkutan.
"I'm very sorry. I didn't mean to scare you. Kung may rason ka sa pagparito ay ganoon din naman ako. Wala akong intensyon na saktan ka." mapait na sabi ni Arth at inabot ang malaking attache case na nasa ibabaw ng kama. Binuksan niya iyon at kumuha ng pera. Kapagkuwa'y muling humakbang patungo kay Yvionna.
"Heto kunin mo. Alam kong kailangan mo ng pera." Iwas ang tingin ni Arth nang abutin kay Yvionna ang isang puting sobre na may lamang pera. Sa ganoong paraan man lang ay makabawi siya rito. Nais niyang mag-abot ng tulong kahit hindi nito ipinagkaloob sa kanya ang katawan.
Nag-angat ng mukha si Yvionna habang patuloy lamang ang pagbuhos ng mga luha sa kanyang mga mata. Mariin siyang napatingin sa puting sobre na hawak-hawak ni Arth ngunit agad din namang binawi. Hindi niya magagawang salubungin ang mga mata ni Arth dahil sa labis na kahihiyan na gumagapang sa kanyang buong katawan.
"Ba-bakit? Bakit mo ako binibigyan ng pera kahit wala namang nangyari sa ating dalawa?" humagulhol na usal ni Yvionna.
Naaawa ba ito sa kanya?
Napa-iling si Arth. Bumakas sa kanyang mukha ang labis na pait sa sinabing iyon sa kanya ni Yvionna.
"Isipin mo na lang na tulong ko 'yan sayo. Hindi mo na kailangan pang bayaran. But, please, kalimutan na lamang natin ang mga nangyari sa gabing ito. I'm really sorry what happened." malungkot na sabi ni Arth sa mababang boses.
At iyon ang mas mainam nilang gawin. Ang kalimutan na lamang ang lahat ng sakit na nangyari sa gabing iyon.
Hindi batid ni Yvionna kung ano ang dapat na sabihin kay Arth.
Tumalikod na lamang si Arth saka tinungo ang kama. Inilagay sa ibabaw ang puting sobre na hawak-hawak. Naroroon pa rin ang pag-asa na sana sa pagtalikod niya ay kunin iyon ni Yvionna kasabay ang paglimot sa mapait na nangyari sa pagitan nilang dalawa.
"Iiwan ko na lamang ito rito. Kunin mo kung sakali na magbago pa ang isip mo. Maliit lang yan na halaga ngunit kahit papano ay malaking tulong na rin. Tawagan mo na lamang ako kung sakaling kailangan mo pa ng tulong. Mag-iingat ka."
Hindi na gugustuhin pa ni Arth ang manatili pa sa loob ng silid kasama ni Yvionna. Ayaw niya sana itong iwan ng nag-iisa ngunit natatatakot siya na kapag nagtagal pa siya roon ay baka hindi niya na mapigilan ang kanyang sarili. Baka hindi niya mapigilan na ikulong ito sa kanyang mga bisig at baka ikabaliw niya pa ang makita itong nalulunod sa sariling mga luha.
Mabigat man sa kalooban ni Arth ay tumalikod na siya ngunit may kakaibang pwersa sa kanyang loob ang pilit na pumipigil sa kanyang mga paa na humakbang palayo at iwan si Yvionna.
Biglang napahinto si Arth at mariing tinitigan ang pinto.
Ano itong kanyang nararamdaman?
Itinaas ni Arth ang kanyang kamay upang buksan ang pinto ngunit dinaig siya ng matinding pangamba sa kanyang dibdib. Batid niyang nasaktan niya si Yvionna kaya hindi magandang ideya na balikan niya pa ito dahil magdudulot lamang iyon ng mas matindi pang dalamhati sa dalaga.
Napa-iling na lamang si Arth. Kitang-kita ang lungkot na namamayani sa kanyang mga mata nang dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay matapos ay mapait na lamang na tumalikod.
Nais ko lang po i-dedicate ang chapter na ito sa lahat ng aking mga readers na matiyagang nag-abang lalong-lalo na po kay Miss Sarah Dalgan Laguiab sa walang sawang suporta. Salamat sa lahat ng mga iniwan ninyong feedback. Makakaasa kayo na mas lalo ko pang pag-iibayuhin ang aking pagsusulat. Sana po ay patuloy niyo pa rin po akong suportahan at ang lahat ng aking mga akda. Maraming salamat!