KABANATA 2-ANG PAMILYAR NA MUKHA

1494 Words
Pasado alas nueve na ng gabi nang makauwi si Yvionna. Isang tawag mula sa telepono ang natanggap niya galing sa kanyang ina. Kinakailangan na umanong operahan ng kanyang ama dahil baka magkaroon pa ng ibang komplikasyon. Nagsimula na naman siyang makaramdam ng labis na takot. Napasandal siya sa likod ng malaking kabinet na nasa tabi ng kanyang kama. Kinuha niya ang puting sobre na ibinigay sa kanya kanina ni Katrisse. Matapos niyang bilangin ang laman nitong pera ay agad din namang ibinalik sa loob ng bag. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang calling. Nagmamadali niya itong kinapa sa loob ng kanyang bulsa saka pinagmasdang mabuti ang pangalan na nakalagay dito. Arth Monreal Pumikit siya ng mariin saka humugot ng malalim na hininga matapos ay pinakawalan sa hangin. Inilabas niya ang kanyang cellphone at denial ang numero na nakalagay sa calling card. Ramdam niya ang labis na kaba na dumadaloy sa kanyang mga ugat. Nanlalamig ang kanyang mga kamay nang pindutin ang call button ng kanyang cellphone. "Hello! Who's this?" malamig na tinig mula sa kabilang linya na nagdulot pa ng mas matinding kaba kay Yvionna. Naramdaman ni Yvionna ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib. Napalunok siya at labis na pinagpiwasan. Hindi niya matiyak kung ano ang dapat na gawin o dapat sabihin. Lalo pang bumilis ang pagkabog ng kanyang dibdib at tila pinipigilan nito ang pagbukas ng kanyang bibig para magsalita. Alam niyang mali ang bagay na tumatakbo ngayon sa kanyang isipan, ngunit kailangan niyang subukan. Handa siyang isakripisyo ang lahat alang-alang lamang sa kapakanan ng kanyang ama. "Y-Yona.." kinakabahang sagot ni Yvionna. Tahimik na pinapakiramdaman ni Yvionna ang lalaki na nasa kabilang linya. "Okay, is there anything that you need?" diretsong tanong ng lalaki. "A-ako yung ipinalit ni Miss Katrisse Rodriguez. H-hindi kasi n-nakasipot kagabi yung dapat sana na mag seservice sa inyo Si'ir!" may pangininig sa boses ni Yvionna, ngunit pinilit na mas lakasan pa ang loob. Mas lalo pang idinikit ni Yvionna ang cellphone sa kanyang tenga, para mas klaradong marinig ang magiging tugon sa kanya. Namayani ang ilang minutong katahimikan bago nagsalita ang lalaki sa kabilang linya. "Meet me at Royal Mansion Hotel at 8 pm tonight." maawtoridad na wika nito at agad nang ibinaba ang telepono. Napabalikwas si Yvionna sa kinauupuan at isinandal ang ulo sa ibabaw ng kama. Muli niyang sinulyapan ang kanilang family picture at hindi napigilan ang muling mapaluha. Ito na marahil ang pinakamasaklap na pangyayari na naganap sa kanyang buhay. Mahigpit niyang niyakap ang kanyang mga binti, at dahan-dahang ibinaon ang kanyang mukha sa pagitan ng kanyang mga tuhod saka malakas na humagulhol. *** Namumugto ang mga mata ng nang madatnan ni Yvionna ang kanyang ina. Maaga siyang nagpaalam sa kanyang instructor na hindi siya makakapasok dahil sa nangyaring emergency. Lumapit siya sa tabi ng kanyang ina at marahang hinaplos ang likod nito. Nagkaroon na ng pagtagas ng dugo sa ibang parte ng utak ng kanyang ama at kinakailangan na nitong maoperahan sa lalong madaling panahon. "Wag hoh kayong mag-alala Mama, gagawa ako ng paraan. Iuuwi nating buhay si Papa, pangako po yan." mapait na wika ni Yvionna, matapos ay binitbit na ang bag at nagpaalam na sa ina. Dumiretso si Yvionna sa simbahan at mataimtim na nanalangin. Bigyan po ninyo ako ng lakas ng loob na makayanan ang lahat ng nangyayaring ito sa aking pamilya. Wala po akong ibang ninanais kundi ang mailigtas si Papa sa tiyak na kapahamakan. Alam kong mali, ngunit ito lamang ang nakikita kong solusyon. Ayaw kong mawala si Papa, at gagawin ko ang lahat mailigtas lamang siya. Patawarin po ninyo ako.. Umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Mabigat man sa kanyang kalooban na gawin ang bagay na iyon, ay wala na siyang panahon para isipin pa ang kanyang sarili bago ang kapakanan ng kanyang ama. Nanatili lamang siya sa loob ng simbahan hanggang sa magsara na ito. Malapit ng dumilim ng lumabas siya sa simbahan. Nagpasya si Yvionna na lakarin na lamang ang daan patungo sa meeting place nila ni Mr. Monreal. Hindi naman masyadong kalayuan ang Royal Mansion Hotel mula sa kanyang kinaroroonan. Maliwanag ang mga lugar na kanyang nadadaanan dahil sa mga makukulay na parol at christmas lights na nakapalamuti. Ilang araw na lamang ay sasapit na ang kapaskuhan. Kung may bagay man siyang hihilingin, 'yon ay ang makaligtas ang kanyang Papa at muli silang magsama-sama. Biglang napahinto si Yvionna sa tapat ng isang pamilyar na lugar. Bahagya siyang napangiti nang maalala si Ray. Sa loob ng bahay na iyon ay masaya silang naglalaro ng habulan at tagu-taguan. Ang lugar na nagsilbing alaala ng kanilang kabataan. Halos sampung taon na rin simula nang umalis si Ray. Dalawang beses lamang itong nagpadala ng liham at matapos noon, ay hindi na ito muling nagparamdam pa kay Yvionna. Walang araw na hindi niya naaalala si Ray. Walang sandali sa kanyang buhay na hindi mapigilan ang labis niyang pangulila sa lalaking kanyang pinaka-iibig. Kailanman ay hindi siya tumigil sa pag-asang balang araw ay muling magbabalik si Ray sa kanyang piling. *** Maagang nakarating si Yvionna kaya mas minabuti na lamang niyang magpalipas ng oras sa isang coffee shop. Nasa tapat lamang ito ng Royal Manssion Hotel kung kaya't hindi niya na kailangan pang magmadali kung sakaling nasa loob na nito ang kanyang hinihintay. Umorder siya ng isang tasang kape at tahimik na nagmamasid mula sa loob ng shop. Tanaw niya ang mga taong labas-masok sa loob ng hotel. Halos lahat yata ng mga nakacheck-in dito ay mayayaman dahil sa mga magagarang sasakyan na naka-garahe sa mismong tapat ng hotel. Tiningnan niya ang suot na relo. Halos kalahating oras pa ang kanyang hihintayin bago sumapit ang alas-otso ng gabi. Ilang minuto pa lamang ang lumilipas ngunit nakaramdam na si Yvionna ng pagka-inip kaya nagpasya na itong lumabas ng coffee shop. Dumiretso na si Yvionna sa loob ng hotel. Natigilan na lamang siya nang mapansin ang mga taong nagbubulong-bulungan at halos nakatingin sa may pintuan. Idinako niya ang kanyang tingin sa may pintuan at nakita ang isang pamilyar na mukha. Saan ko nga ba siya nakita? Gumuhit ang rekognisyon sa mukha ni Yvionna nang dumaan ito sa kanyang harapan. The man was tall, dark, and handsome. He was also gorgeous. Ang maitim at makapal nitong buhok ay mahaba ng bahagya kaysa sa karaniwang gupit ng lalaki. Ang dulo nito ay naglalaro sa kwelyo ng suot nitong pulang sports shirt. Makakapal na kilay; mapang-akit na mga mata; matangos na ilong ;maninipis na mga labi at squared jaws na halos namumula pa dahil bagong ahit. Ang suot nitong sports shirt ay humuhulma ang malapad nitong mga balikat at matipunong dibdib. Sino ba namang babae ang hindi mapapatingin sa ganito kagandang lalaki. Sinundan lamang ito ni Yvionna ng tingin hanggang sa makaakyat na ito ng hagdan. Isa siyang dakilang ipokrita kung hindi niya aaminin na nahuli nito ang kanyang atensyon. Muli niyang ibinalik ang tingin at napasulyap sa relo na kanyang suot. Halos namilog ang kanyang mga mata ng makita kung anong oras na. Napabalikwas si Yvionna mula sa tuwid na pagkakaupo. Agad na siyang tumayo at nagmamadaling tinungo ang reception desk. "May nagcheck-in na po bang Arth Monreal?" "Room number 28, Ma'am!" nakangiting tugon sa kanya ng receptionist. "Enjoy your stay Ma'am!" dagdag pa nito na nagpatayo sa kanyang mga balahibo. Napakunot-noo na lamang siya nang tapunan ito ng tingin. Nagmamadali nang umakyat si Yvionna sa hagdan at agad na tinungo ang ikalawang palapag ng hotel. Nagsimula na siyang makaramdam ng labis na takot at kaba ng mapatapat na siya sa pintuan ng numero na ibinigay sa kanya ng receptionist. Lalong bumilis ang pagkabog ng kanyang dibdib. Nanlalamig ang kanyang kamay ng katukin ang pinto. TOK! TOK! TOK! "Bukas 'yan." anang boses na nanggaling sa loob kwarto. Ang labis na takot at kaba sa kanyang dibdib ay mas lalo pang dumoble. Pilit siyang pinipigilan ng kanyang isipan na humakbang at magpatuloy ngunit nakikipag-talo ang kanyang kalooban. May pagkakataon pa siyang umatras. Hindi ba't pagiging makasarili kung uunahin niya ang kanyang sarili bago ang kapakanan ng sariling ama? Hindi iyon ang panahon upang magdalawang isip pa siya. Napapikit siya ng mariin saka humugot ng isang malalim na hininga bago binuksan ang pinto. Dahan-dahang humakbang si Yvionna papasok ng pintuan. Nakapatay ang halos lahat ng ilaw maliban sa lampshade na nakalagay sa ibabaw ng mesa sa bandang kaliwa ng kama. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto saka nag-ipon ng lakas ng loob bago buksan ang bibig upang magsalita. "Get undress!" maawtoridad na utos ng lalaki. Agad na napansin ni Yvionna ang unti-unti nitong paglapit sa kanya. Napa-atras siya sa kanyang kinatatayuan. Napasandal siya sa pinto ng maramdaman ang labis na takot. Napahawak siya sa tapat ng kanyang dibdib. Nanlalaki na lamang ang kanyang mga mata nang tumambad sa kanyang harapan ang hubo't hubad na katawan ng isang pamilyar na mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD