CHAPTER 46 Nagising na lamang ako na nakahiga sa kama. Nang imulat ko ang aking mga mata ay halos lahat ng nakikita ko sa paligid ay kulay puti. Ang unang pumasok agad sa aking isip ay nasa ospital ako. Nang maalala ko ang huling nangyari bago ako napunta rito ay mabilis kong hinawakan ang aking ulo upang icheck iyon. May benda na ang aking ulo. Bumangon ako at nang lumingon ako sa aking gilid ay nakita ko si Sir Isidro at si Sam- Sam. May isang kama rin para sa kanila. Nakahiga pa si Sam- Sam sa braso ng Papa niya at parehas na nakabukas ang mga bibig nilang dalawa. Sa gilid ni Sam- Sam ay nandoon ang teddybear niya. Ilang oras na kaya akong tulog? Ang huling kong naalala ay may dugo akong nakita sa aking kamay. Ito ang dahilan kung bakit may benda ngayon ang aking ulo. Kaano- ano

