CHAPTER 45 Hindi ko akalain na ganoon karami ang ibibigay ng mga kapatid niya para kay Sam- Sam. Ang daming mga laruan. Ibig sabihin nun tanggap na rin nila ang anak ko. “Good morning, Sir Isidro at Ilaw,” bati ni Zandro. “Magandang umaga, Zandro!” maligayang bati ko sa kanya. Dumalaw din sa libing ni Lola si Zandro at may dala pa itong bulaklak. Dalawang beses siyang pumunta, may mga dala rin itong tinapay at kape para sa mga tao. Kahit siya ay nagbigay din ng tulong pinansyal para sa pamilya ko. Nagulat na lang ako nang may inabot siya sobre sa akin. At nang binuksan ko iyon ay pera ang laman. Nang ibaba ni Sir Isidro si Sam- Sam sa sahig ay agad itong tumakbo papunta sa mga laruan niya. Ang una nitong pinuntahan ay ang malaking teddy bear. “Gusto mo 'yan?” malambing na tanong ko

