CHAPTER 20 Si Sir Isidro na naman? Kung magtatrabaho ako sa kanya, ibig sabihin hindi na lang kami tatlong na magkikita sa isang linggo kung hindi limang araw na! “Tatanggapin ko ang trabaho, Saddie. At ‘wag mo na lang itanong kung ano ang address dahil nakapaglinis na ako sa condo na ‘yan,” Narinig ko na nabilaukan si Saddie sa kabilang linya. “Oo nga pala! Siya pala ang may- ari nung perfume company na pinagtatrabahuan mo! Ang swerte mo naman at nakapasok ka sa condo niya!” Hindi alam ni Saddie na nung gabing sumama ako sa trabaho niya ay si Sir Isidro ang kliyente ko. Ang alam niya lang ay ang ama ni Sam- Sam ay ang unang kliyente ko pero hindi niya kilala kung sino. “Pinaglaba niya ako ng mga damit niya. Naawa siguro sa akin kaya binigyan ako ng trabaho. ‘Wag mo ng ibibigay sa

