CHAPTER 21 “Kumandong sa 'yo? Nahihibang kana ba, Sir?” “Oo, para makita nila na ikaw ang nagmamay- ari sa akin at wala ng babaeng pwedeng lumapit.” Ang tanong pagmamay- ari ko nga ba siya? “Nahihibang ka na ata, Sir. Kung gusto mong pumasok sa loob ay pwede naman, Sir. At kung gusto mo ng umuwi at hindi pa tapos ang trabaho ko mauna ka nalang pong umuwi,” Sabay kaming bumaba ng kotse niya. “I said I will wait for you. Can I order a juice? I can’t drink ‘cause ihahatid pa kita,” Nauuna akong maglakad sa kanya at nasa likuran ko siya. “Umorder ka nalang d’yan, Sir. Basta, kapag nainip ka sa paghihintay malaya kang makakauwi,” “Ang kulit mo. Sabing hindi nga uuwi,” Magkasabay kaming pumasok sa loob. Kakabukas pa lang ng bar at nasa limang tao pa lang ang nakita ko sa loob. Tatl

