CHAPTER 42

1362 Words

CHAPTER 42 “Wala na ang Lola mo, Ilaw.” Ang mga salitang iyon ay umalingawngaw sa aking tainga. Paulit- ulit kong naririnig ang binalita sa akin ni Sir Isidro. Wala na ang Lola mo... Wala na... Nanghina ang aking mga paa. Parang bigla na lang nabali ang mga buto nun. Hindi ko na napigilan ang sarili sa biglaang pagbagsak ko sa malamig na sahig. Ang mga luha ko ay walang pigil na dumadaloy sa aking pisngi. Sa aking isip ay paulit- ulit na tumatakbo ang mga masasayang alaala ko kasama si Lola. Ang kanyang mga ngiti, ang tawa, ang mahigpit na yakap niya sa tuwing natatakot ako. Lahat ng iyon ay hindi ko na makikita ulit. Wala na siya. Hindi pa rin ako makapaniwala. “Ilaw...” Dinaluhan ako ni Sir Isidro sa sahig at hinaplos ang aking likod. “Wala na si Lola... Wala na siya... Sir..

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD