“Leigh, bakit umalis ka na lang bigla kagabi? Dumaan ako sa inyo, hindi ka naman daw umuwi sa inyo. At wala na pala sa inyo ang daddy mo...” sabi ni Gideon habang sinusundan ako rito sa library. Hindi ako sumagot, walang emosyong pinagkukuha ang mga librong kailangan ko. Bawat galaw ko’y sinusundan ako ni Gideon. “Sabi mo pinatawag ka ng daddy mo, pero wala na pala si Don Iverson dito sa El Amadeo,” may pait niyang dagdag, tila tinatanong kung bakit nagsinungaling ako. “I lied, Gideon. Pagod akong magpaliwanag,” sabi ko at walang tingin-tingin siyang dinaanan para abutin ang isa pang librong kailangan ko, pero bago ko pa iyon naabot, kinuha na ni Gideon. Napahinga ako nang malalim, walang gana. “Bakit nagsinungaling ka? Sinong kasama mo?” tanong ni Gideon. Hindi ko alam kung ba

