“Ano ba itong ginagawa mo sa buhay mo, Leigh?” pagalit at dismayadong-dismayado na tanong ni Hazel. Hindi ako sumagot habang hinuhubad ang heels ko. Para siyang hangin na dinaan-daanan ko habang isa-isa kong hinuhubad ang mga damit ko para makapagpalit. I sat down in front of my vanity table, kumuha ng bulak at pantanggal ng make-up, pero bago ko pa ito tuluyang mailapat sa aking pisngi ay binawi iyon ni Hazel dahil hindi ako nakikinig sa kaniya at hinigit niya ako paharap. “Anong nangyayari sa ‘yo? Ibang-iba ka na ngayon, Leigh! Hindi ka naman ganiyan, ah?” tila maiiyak nang tanong ni Hazel at nag-uumapaw ang pagkadismaya. Pabagsak kong binitawan ang cotton pad. Tiningnan ko siya nang walang emosyon at nang makita ang luha sa mga mata ng kaibigan, para ako natauhan saglit. Kinalma

