bc

Accept and Destroy (Lexx Jacob Davidson) Erotic Romance Series 3

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
billionaire
powerful
drama
bxg
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

" I'm a princess, but not the precious one."Namatay ang ina ni Yssabel De Guzman nang ipanganak siya nito. The only reason why her own father hate her so much. Ang katotohanang kinamumuhian siya ng sarile niyang ama. Siya kasi ang sinisisi nito sa pagkawala ng kanyang asawa na kung tutuusin ay hindi naman kasalanan ni Yssabel. At kahit nga ang mga masasamang nangyayari sa ama nito ay sa kanya na sinisisi dahil malas daw siya— siya ang may dala ng kamalasan sa buhay ng ama. Ngunit sadyang walang patawad ang ama ni Yssabel dahil simula ng mamulat siya ay nakakatanggap na ito ng pagmamalupit sa ama na mas lalo pang tumindi ng siya ay magdalaga. She's mentally and physically ab*se. Siya ang naging buntunan ng galit ng ama sa t'wing may problema at nai-i-stress ito. Stress reliever nga kung sabihin niya— but not in the good way dahil sa pamamagitan ng latigong humahampas sa katawan niya ay napapagaan nito ang kalooban ng ama. Wala siyang magawa— sawa na rin siyang magmakaawa dahil bawat salita niya ay baliwala sa ama bagkus ay lalo pa itong nanggagalaiting hagupitin siya. Ngunit hindi pa natatapos doon ang pasakit at pagpapahirap na nararanasan ni Yssabel. Nang masangkot ang kanyang ama sa isang pananakaw na napatunayan naman talaga. At hindi lang iyon dahil malaki rin ang pagkakautang nito sa taong pinagnakawan nito. Walang iba kung 'di ang bilyonaryong binata na si Lexx Jacob Davidson. Nakiusap ang ama ni Yssabel na bigyan pa siya ng palugit at habang naghihintay ang binata ay sa kanya na muna ang nag-iisang anak niyang babae. Ang nag-iisang prinsesa niya at kayamanan— walang iba kung 'di si Yssabel na kung tutuusin ay kabaliktaran naman ng katotohanan. Pumayag si Lexx Jacob sa usapang sa kanya na muna ang anak nito at hindi nito mababawi ang kaisa-isahang anak kung 'di nito maibabalik ang inutang at ninakaw nito. Nagbanta rin itong ipapakulong niya ang matanda at sisintensyahan ng habang buhay. Pahihirapan niya rin ang anak nito kung hindi ito tutupad sa usapan nila na mabilis sinang-ayunan ng matanda.Ano nga bang naghihintay na kapalaran kay Yssabel gayong sa unang pagkikita nila ng binata ay galit na agad ang nararamdaman nito sa kanya. Sa isiping anak ito ng magnanakaw at ng taong gahaman sa pera. At dahil doon ay bumuo rin ito ng planong pahirapan at paghigantihan ang dalaga sa isiping ito ang pinaka-iniingatang kayamanan ng ama nito. Naisip niyang durigin ang dalaga kahit na ang totoo naman ay durog na durog na ito..... Matured Content ( R-18 ) Warning: This story is not suitable for young readers and sensitive adult. Read at your own risk!!

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
YSSABEL MULA sa balcony ng Mansion ay tanaw na tanaw ni Yssabel ang paparating na kotse ng ama. Mahigpit siyang napahawak sa railings ng maramdaman nito ang gigil sa makina ng minamaneho nitong sasakyan. Kabisado na niya ang ama at alam niyang may problema na naman ito kaya ganito na lamang ang pagmamaneho nito. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan. Hindi pa nga magaling ang mga pasa niya sa katawan ay mukhang madaragdagan nanaman. Ano pa nga bang bago? Simula pa lang ng mamulat siya ay siya na ang naging buntunan ng galit ng ama. Ni hindi niya nga maramdaman na anak ang turing nito sa kanya dahil bukod sa pinagmamalupitan siya nito ay inaalila rin siya nito. Hinahanay siya nito sa mga kasambahay. Wala naman siyang magagawa... Ama niya pa rin ito at kasalanan niya kung bakit ito nagkakaganito— dahil sa pagkawala ng ina niya. At naiintindihan niya ang ama dahil alam niyang mahal na mahal lang nito ang ina niya kaya ito nagkakaganito. Huminga ng malalim si Yssabel. Nanginginig man ay pinilit niya paring humakbang papasok ng Mansion. Mabilis niyang tinungo ang makipot na lagusan at hagdan; ang daan papuntang atik. Ang atik na imbakan ng mga gamit at nagsisilbing kwarto niya. Pagpasok niya pa lang sa loob ay kinuha na niya agad ang lumang unan niya atsaka dali-daling naupo sa isang sulok. Mahigpit niyang niyakap ang unan niya kasunod ng pagsusumiksik ng maamo at maganda niyang mukha dito. Gusto niyang itago ang mukha niya dahil alam niyang maaaring magmarka ang bawat hagupit ng ama. Mahigpit siyang napayakap sa unan ng maramdaman ang malalaking yabag na papalapit na sa silid niya. Wala na siyang ibang gagawin kung hindi ang maghanda at maghintay sa hagupit ng ama. Ilang sandali pa ng marahas na bumukas ang pinto. Hindi niya iyon inilock dahil alam niyang baliwala iyon sa ama, bagkus ay lalo pa itong magagalit kung gagawin niya iyon. " BWISSSIT! SIMULA NG DUMATING KA, NAGKANDAMALAS MALAS NA AKO!! MALAS KA TALAGANG BATA KA!! BAKIT KASI HINDI NA LANG IKAW ANG NAWALA!! PAHIRAP KA TALAGA SA BUHAY KO. " Nanggagalaiting bungad ng ama ni Yssabel ng makapasok ito sa loob ng silid niya. Ang ama niyang si Don Bernardo De Guzman o kilala sa tawag na Don Nardo. " Daddy... Please.. I'm sorry po.. hindi ko po sinasadya. Wala po akong alam— wag po!" Buong pagsamong pigil ni Yssabel sa ama. Ngunit imbis na pakinggan ay ang pagbatak ng latigo ang narinig niya. Ilang segundo lang nang mapaintag siya sa sakit ng marahas na tumama sa likod niya ang unang hagupit ng ama. Nagsimula siyang humikbi— mahina at pigil na mga hikbi na lumalakas sa bawat tama ng latigo sa katawan niya. " D-daddy.... P-please..." muli niyang pakiusap sa ama. Sa totoo lang ay kahit na palagi siyang pinarurusahan ng ama ay hindi pa rin sanay ang katawan niya sa sakit ng hagupit nito. " I'm sorry po.. Tama na po, Daddy...." Pigil niyang muli sa ama habang umiiyak. Ngunit sadyang malupit ang ama ni Yssabel. Tila mas nasisiyahan pa ito sa nakikitang paghihirap ng anak. At imbis pakinggan ang anak ay lalo pa itong nagsusumigaw sa galit. " Mamat*y ka na!! Walang kwenta! Malas ka!" " Uhmmm!! Tama na po.. sorry po!" Umiiyak na saad ni Yssabel nang sunod-sunod na tumama sa likod niya ang latigo. " Sorry? For what, Yssabel?! Your mother died because of you! Kung alam ko lang— na magdadala ka lang din naman ng kamalasan sa buhay ko... Hindi na sana kita binuhay! You don't deserve to be happy! Kaya sisiguraduhin kong— kung magdurusa lang din naman ako dahil sa dala mong kamalasan, pwe's mas magdurusa ka!" Sigaw pa ni Don Nardo habang hinahagupit si Yssabel. Wala ng nagawa ang dalaga kung hindi ang umiyak na lang ng umiyak at tanggapin ang bawat hagupit ng ama. Bata pa lang siya ay ganito na sa kanya ang ama at alam niyang walang halaga ang tinig niya dito. Na kahit magmakaawa siya ay hindi pa rin ito makikinig. Halos 24 taon na ang nakakalipas simula ng ipanganak siya ng Mommy niya at mamatay ito. Ngunit dala-dala pa rin ng ama niya ang hinanakit at pighati ng nakaraan. Mukhang hindi na talaga siya nito mapapatawad. " Daddy..." Nanghihinang bigkas ni Yssabel. Pakiramdam niya ay unti-unti na siyang nauubusan ng lakas dahil sa matinding sakit na nararamdaman. At dahil sa matinding latay na tinamo ng katawan niya. Wala nang nagawa si Yssabel kung hindi ang umiyak ng umiyak na lang at magsumiksik sa isang sulok. Hindi na rin siya nagsalita pa dahil pakiramdam niya ay mas lalo pang nagagalaiti sa galit ang ama sa t'wing nagmamakaawa siya. Wala na rin siyang lakas para gawin iyon. Ilang minuto pang pagtitiis hanggang sa magsawa ang ama ni Yssabel. " Walang kwenta!! MALAS!! " Singhal pa nito bago tuluyang umalis. Gustuhin mang tumayo ni Yssabel at mahiga sa lumang kama niya ay hindi niya magawa. Masakit ang buong katawan niya. Mas gugustuhin niya pang mamaluktot na lang sa isang tabi habang pilit na tinitiis ang sakit ng katawan. "YSSABEL...." Napalingon si Yssabel ng marinig ang malamyos na tinig na iyon. Si Aling Marta; isa sa mga kasambahay sa Mansion. Ang nag-iisang taong nagpakita sa kanya ng kabutihan. Bata pa lamang siya ay kasama na niya ito. Dito niya natutunan ang lahat ng bagay na alam niya. At kahit nga ang pagsusulat at pagbabasa ay dito niya rin natutunan. Nakakahiya man pero hindi niya naranasan ang pumasok sa iskwelahan. Sinubukan niyang kumbinsihin ang ama pero hindi ito pumayag dahil sayang lang daw ang pera at oras ni Yssabel. Mas pakikinabangan daw ito sa Mansion dahil ang katulad daw ni Yssabel ay hindi nararapat sa kahit na anong bagay dito sa Mundo. Dahil mamalasin lang daw ang mga taong lalapit sa kanya. " Yssabel," muling untag ni Aling Marta nang hindi ito sumagot. " Manang..." " Halika sa taas at lagyan natin nitong binili kong ointment ang mga pasa mo. Kay babae mong tao... Hindi dapat magmarka iyan sa katawan mo." Noon pa man ay ganito na si Aling Marta kay Yssabel. Concern ito sa kanya at kahit nga maliit lang ang sinasahod nito sa paninilbihan ay nagagawa pa rin nitong bilhan siya ng pamahid sa mga sugat at pasa niya. Sayang daw kasi siya dahil ang ganda-ganda niyang bata. Sayang ang kutis niya kung pababayaan at hahayaan lang. Baka raw kasi iyon ang magligtas kay Yssabel mula sa ama nitong mapagmalupit. Na Isang araw may darating na prinsepe at ililigtas siya. Pero syempre— Hindi naniniwala roon si Yssabel. Hindi totoo ang fairy tale. Walang happy ending para sa kanya. " Manang, sana po hindi na kayo bumili. Tignan n'yo po ito." Sabay turo ni Yssabel sa braso niyang bakas pa rin ang latay. "Hindi naman po siya talagang natatanggal. Halata pa rin po siya, Manang. Sayang lang po ang pera ninyo." " Ayy! Ikaw talagang bata ka! Halika na at para kahit papaano ay maibsan 'yang mga pasa mo." Wala ng nagawa si Yssabel nang hawakan siya ni Aling Marta at iginawi patalikod. Nagsimula si Aling Marta na pahiram nang ointment ang mga nagmarkang pasa sa katawan ni Yssabel. Halos dalawang linggo na kasi ang lumipas ngunit bakas pa rin ang mga latay nito sa katawan. Nagtataka nga siya dahil ang tagal nitong gumaling. Siguro, dahil bago pa gumaling ang nauna niyang pasa ay nasundan na naman ito kaya ganoon na lamang ang natamong pinsala ng balat niya. " Manang, si Daddy— Bakit hindi siya umuuwi?" Wala sa sarileng tanong ni Yssabel. Magdadalawang linggo na rin kasi. Minsan kasi ay tatlo o apat na araw na ang pinakamatagal pero ngayon ay inabot na ng dalawang linggo. At huli niya itong nakita noong huling saktan siya nito. " Hindi ba at dapat maging masaya ka, Yssa dahil walang nanakit sa'yo? Hayaan mona si Don Nardo dahil sa oras na dumating 'yun ay siguradong ikaw na naman ang pag-iinitan no'n." Bumuntong hininga si Yssabel. "Kahit naman ganoon si Daddy, nag-aalala pa rin ako sa kanya. Mahal ko siya, Manang. At maswerte pa rin ako sa kanya dahil hindi niya ako itinapon sa kung saan. Pagmamahal lang naman at pag-aaruga ang pinagkait niya sa akin. Pero ito— 'yung pagkain, tirahan, gamit at ang pagkakataong makasama siya— iyon.... hindi niya sa akin iyon pinagkait. Doon pa lang... Thankful na ako." Iiling-iling na napatitig si Aling Marta kay Yssabel. "Sana alam ng Daddy mo.... Kung gaano siya kaswerte. Na kahit nawala ang Mommy mo— may isang anghel na dumating sa buhay niya.. " Tipid na ngumiti si Yssabel. Hinihiling na sana katulad ni Aling Marta na makita rin ng Daddy niya ang halaga niya bilang isang anak. Na hindi lang ito nag-iisa.... Na kahit nawala ang Mommy niya ay nariyan naman siya— ngunit paano nga ba iyon mangyayari kung siya mismo ang dahilan ng pagkawala ng ina. Awtomatikong nabura ang ngiti ni Yssabel sa naisip niyang iyon. Mabilis na napansin iyon ni Aling Marta at agad na dinaluhan ito ng yakap. "Tama na 'yan, Hija. Alam ko— darating din ang tamang oras para sa'yo. Mabait kang bata at may mabuting puso. Alam kong hindi ka hahayaan ng maykapal. Huwag kang magsasawang magdasal at humiling sa kanya. Dahil ibibigay niya sa'yo ang nararapat sa tamang panahon. " Salamat, Manang..." NAPAINTAG sa gulat si Yssabel ng maabutan ang ama sa sala. Hindi niya alam na dumating na pala ito. Gusto niya sanang umatras at magtago na lang ngunit huli na dahil nakita na siya nito. Mabilis na nagtama ang kanilang paningin. Nakita niya ang galit at inis sa mga mata nito kaya agad siyang napayuko. Akmang aatras na siya palayo ng matigilan siya. " Come here. Let's talk.. " Maawtoridad na bigkas ng ama. Nag-angat ng mukha si Yssabel at naguguluhang tinignan ang ama. At nang mapansin niyang tila nababagot na ito ay dali-dali na siyang kumilos papalapit dito. " Daddy—" " Seeing me in jail is the biggest thing you want for me, Yssabel. Right? You wished that.." Umiling-iling si Yssabel. Naramdaman niya ang mabilis na pintig ng puso dahil sa kakaibang emosyon. Kahit naman ganoon ang trato ng ama sa kanya ay never niya iyong naisip at hiniling. Hindi niya kayang makitang nasa bilangguan ang ama at naghihirap. " Hindi po, Daddy. Hindi po ganoon. Wala po akong iniisip na ganoon." Natatarantang tanggi ni Yssabel. Baka kasi ganoon ang iniisip sa kanya ng ama at basta na lamang siyang parusahan. " Then save me." Gulat ang bumalatay sa mukha ni Yssabel. Saan niya ililigtas ang ama at paano? Wala siyang maintindihan. "Paano po?" " May malaki akong pagkakautang at palubog na ang kumpanya ko. At habang hindi ko pa nababayaran ang aking utang ay ikaw na muna ang magiging kapalit. Manilbihan ka at gawin mo ang lahat ng gusto niya." " Pero Daddy, Hindi ko po— " " Gusto mong mapatawad kita, hindi ba? Gusto mong iturin kitang anak!" Putol nito sa sasabihin ni Yssabel dahilan para matigilan ito. " Pwe's gawin mo ang gusto ko—paglingkuran mo si Lexx Jacob Davidson. At magiging mabait ako sa'yo. Akitin mo siya at paibigin— at sa paraang iyon ituturin kitang anak at magiging ama ako sa'yo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
812.9K
bc

The Lone Alpha

read
125.2K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
608.6K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
9.7K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.0K
bc

Bad Boy Biker

read
8.5K
bc

The CEO'S Plaything

read
18.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook