Walang tigil sa pag-agos ng luha sa aking mga mata. Sumikip ang aking dibdib at para bang nahihirapan na akong huminga. Para bang hindi ko na kayang basahin pa ang laman ng notebook na ito. Ang notebook na hawak ko ay ang diary ni Gabriel. Alam kong nakakatawang isipin na ang pinakamayamang tao sa mundo ay nagsusulat ng isang diary? Siguro dahil sa lungkot na nararamdaman nya ay sa pagsusulat nya ibinubuhos ang lahat. Pero nakakagimbal ang lahat ng nakasulat sa diary na ito. Nasa kalahati na ng notebook ang aking nabuklat. At Ito ang aking mga nabasa. "Nasabi ko na sa babaeng pinakamamahal ko ang tinatago kong lihim. Na ako si ay isang Montenegro. Dahil sa galit ko ay pinagtabuyan ko sya. Nagbago ang pag-uugali nya dahil sa yaman na aking pinatikim sa kanya. Pero mahal na mahal ko pa r

