Mula nang umalis ako sa puder ni Gabriel Montenegro ay hindi na nya ako ginulo pa. Mabilis lumipas ang tatlong taon at sa palagay ko ay hindi na nga ako ginambala pa ni Gabriel. Totoong mundo na ang ginagalawan ko, kahit papaano ay naging maayos ang buhay ko. Namuhay akong mag-isa. Nag-apply ako sa isang kumpanya at naging Project Head Manager sa Reflex Structures. Hindi ko ginamit ang apelyido ng aking asawa dahil ayoko nang magkaroon ng koneksyon pa sa kanya. Sa bagong mundo ko, ay ako na mismo ang nagpapatakbo ng buhay ko. Wala nang bahid Montenegro ang aking pagkatao. Ito naman ang matagal ko nang pangarap, ang mabuhay ako sa katotohanan. "Congrats Anna ha. Nakapagpatayo ka na din ng bahay!" Bati sa akin ni Architect Mendoza. Isa sya sa mga naging sandigan ko nung mga panahong buma

