Agad akong hinatak ni Gabriel palayo kay Marcus. Madiin ang hawak nya sa aking kaliwang kamay. Pakiramdam ko ay hindi na makadaloy ang aking mga dugo sa pulsuhan ng aking braso dahil sa higpit ng hawak nya. Halos masubsob pa ako sa sahig sa lakas ng hatak nya sa akin. Para akong bata na hila hila ng galit galit nyang ina. Pero mas nagulat ako nang hawakan ni Marcus ang kanang braso ko at ikinabig nya ako pabalik sa kanya. Ngayon ay dalawa silang may hawak sa akin at para bang pinag-aagawan nila akong makuha. Pakiramdam ko ay isa akong laruan na pinag-aagawan ng dalawang umiiyak at galit na mga bata. Nakita ko din ang mukha ni Marcus. Galit na galit na din syang tumitig kay Gabriel. Mata sa mata silang nagtitigan. Parang lahat ng galit sa mundo ay kanila nang inilabas. "Is this how you

