Ngumisi ako sa harapan nila nanay at tatay.. at kunwari ay tawang tawa sa mga sinasabi ni Gabriel.. Inakbayan ko ang lokong Montenegro. "Naku palabiro talaga ang lalaking ito Nay at tay.. ganito talaga sya magbiro." Sabi ko habang kinukurot kurot pa ang mga pisngi nya na gigil na gigil ako sa galit. Sabay titig sa kanya ng masama na parang nagbabanta na umayos sya!!! Sandali akong natigilan dahil halos yakap ko na pala sya sa ginawa kong pag-akbay sa kanya. Kaya pala sya mas natutuwa dahil magkadikit ang aming mga katawan. Napalunok ako at uminit ang aking mga pisngi.. Agad kong tinanggal ang pagkakaakbay ko sa kanya at itinulak syang palayo. Hindi ko na din sya dinapuan pa ng tingin. Bigla akong nailang sa kanya.. Pero alam ko nakangisi sya sa akin at pinagtatawanan nya ako sa isip

