Ano ba talaga ang nasa utak ng lalaking ito?? Ano pa ba ang gusto nya? Ginugulo na naman nya ako. Nakaismid pa rin ang aking mukha sa kanya. Pero hindi sya natitinag sa mataray kong mukha na ipinapakita ko sa kanya. "Hindi na SIR! Nakakahiya naman po SIR! Salamat na lang po SIR." Mataray kong sabi sa kanya. Napangiwi ang dalawa kong kaibigan sa panlalamig na ipinapakita ko kay Gabriel. Parang sila ang nahihiya sa mga ikinikilos ko. Hindi naman kasi nila alam ang pinaghuhugutan ko. Nakangiti pa rin ang dalawa kong kaibigan sa kanya habang malakas na hinila na naman ni Marlon ang dulo ng aking buhok. "Sorry Sir.. maattitude lang talaga ang friend naming ito. Pero mabait naman yan." Sabi ni Marlon. Habang hawak ko ang aking buhok na hinila nya. Natatawa lang si Gabriel sa lahat ng na

