FORGET
Two Years Earlier
“Happy birthday, Snow!” bungad na bati sa akin ni mama pagkauwi sa bahay at niyakap niya ako nang pagkahigpit-higpit.
“’Di na ako makahinga, ma!" pambibiro ko. Ang paligid ng bahay namin ay napapaligiran ng mga disenyo para sa aking ika-labing pitong kaarawan. “Salamat po! Dapat hindi na kayo nag-abala pa, alam ko naman pong kulang tayo sa pera, eh.”
“Hindi mo ba nagustuhan, anak? Inihanda pa ‘yan ng mga kapatid at tita mo para maparamdam namin kung gaano ka kamahal-mahal.” Tugon ng aking ina na si Cecilia.
Tumawa ako nang bahadya at umiling-iling. "Ano ka ba, ma! Of course, I do really appreciate it! Actually, never ko naman pong na-imagine na mangyayari pa ‘to sa buhay ko, ‘no! Thanks ma, pa, kayong makukulit kong kapatid, saka tita. Your efforts will forever be treasured here," I pointed my chest.
Ngumiti sila at ipinagpatuloy ang usapan. Simpleng handaan, disenyong gawa sa dahon ng saging, mga kawayan na ipinaligid sa harap ng aming bahay, mga sulat sa papel, at mga kandila ang nandito upang maisakatuparan ang aking kaarawan.
In my 17 years of existence, I could say na this is totally my first time na mag-celebrate ng birthday ko na buo kami. Hindi man ‘to garbo na kagaya ng iba, it still feels surreal kapag kasama sila. My perspective about it would never change. Unlike dati, halos buong araw ko’y puro puno ng kalungkutan at paghihinagpis. Isa na sa mga kadahilanan na iyon ay ang problema sa pera, pamilya, at sa pagpupunan sa mga kailangan sa pag aaral ko. I am so much glad right now because this day is actually something different. I am just wishing that all of us would be delighted on my special day too.
Sa kabilang banda, hindi nila alam na may nag-offer sa akin ng scholarship sa Manila once tumungtong na ako sa kolehiyo. Tinanggap ko iyon sapagka't umaasa ako na makakapasa ako sa scholarship program sa isang eksklusibong paaralan doon. Ngunit sa ngayon, kailangan ko munang mag aral pa nang mas mabuti para makuha ang full scholarship para in case na wala na talagang alalahanin ang mga magulang ko. Sa takdang panahon, sasabihin ko ang tungkol doon na sana'y kanila akong pahintulutan na lumisan panandalian. I am studying so well because I want to make them proud. I have dreams for myself, plans, and personal issues to face that is why at some point, I want to be independent. Baka sa pagpunta ko sa Manila, matulungan ko silang maiahon sa kahirapan.
Alas-tres na ng hapon nang magsimula ang selebrasyon at magtipon-tipon sa labas ng aming tahanan. Nakatutuwa lang pagmasdan na dala-dala nila ang kanilang mga natatanging ngiti. Now, I can confidently say that they are happy celebrating my day. Hopefully, I would feel the same way despite of the problem that keeps bothering my mind.
Lahat kami ay naka-kamay habang kumakain sa mahabang dahon na puno ng kanin at mga pagkain. "Sana araw-araw na lang birthday mo, ate. Teka pala, may crush ka na ba rito sa bayan? O sa ibang lugar? Sa eskwelahan?” natatawang tanong ng kapatid kong si Maryrose.
“Magtigil ka nga, Maryrose! Masyado ka pang bata para mag isip tungkol sa mga ganyang bagay.” Natatawa kong tugon habang patuloy sa pagkain. Ngunit sa kabilang banda, hindi ko maitatanggi na may kilig din akong naramdaman. Ngunit totoo nga kaya ang nararamdaman ko? Na nagkakagusto na ako sa isang lalaki? Well, at some point, maybe I need to confirm it first before I express something unusual.
“Hala, si ate may crush na!” panunukso niya sa gitna ng aming pagsasalo-salo.
Kumunot-noo ako, umiling-iling at pilit itinanggi ang sinabi ng nakakabata kong kapatid.
“Snow!” sigaw sa likuran ko kaya naman dagli akong napalingon at nakita ang kaibigan kong si Claire. Halos mabulunan ako sa nginunguya kong pagkain nang makita ko ang kaniyang kasuotan. She's wearing a black dress, black slippers, and black bag. Okay, what is it, is she’s attending a night vigil?!
Tinakpan ko ang aking bibig habang naglalakad para salubungin siya. “BFF!” sigaw ko hanggang sa magkalapit kami at nagbeso. “Teka nga, ano’ng trip mo’t ganiyan ang suot mo sa birthday ko? Nang-aasar ka ba, tsk!" umirap ako at ngumuso.
Hinawi niya ang kanyang buhok at rumampa pa papunta sa mesa kung saan nakahain ang mga pagkain. “Magandang hapon po!” pagbati niya saka umupo at sumabay na sa aming pagsasalo.
Makalipas ang ilang oras na pagdiriwang, inaya naman ako ni Claire na pumunta sandali sa kubo para personal na makapag-usap. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na seryoso siya sa mga oras na ‘to. Tila may bumabagabag sa puso niya na hindi niya masabi-sabi.
I asked her for trouble before she got the confidence to speak. Right now, her tears are gradually falling on her cheeks. “Uy, ayos ka lang ba? Bakit bigla-bigla ka na lang d’yang umiiyak,” pag aalala kong tanong habang tinatapik ang balikat niya.
Patuloy siya sa pag iling at pilit itinatago ang malungkot na emosyon. Hinimas-himas ko ang kaniyang likuran habang siya’y patuloy pa rin sa paghagulgol.
“May dahilan kung bakit ako puro itim ang mga suot ko, Snow.”
I faced her with a serious and concerned expression. “What is it then?”
“My dad passed away a few days ago na. Actually, nakaburol siya ngayon sa bahay ng tita ko. Do you wanna go with me? Actually last night niya na mamayang gabi, libing niya na kasi kinabukasan. Kaso nga lang sa tingin ko’y problema,” banggit niya. Napatakip ako ng bibig at hindi napigilang mapaluha sa kanyang sinambit na balita.
“Pupunta mamaya si Vincent sa lamay ng papa ko. Remember, close ang papa ko sa tito niya kaya siguro siya pinapapunta. I am not sure though, basta ‘yon ang pagkakatanda ko. Ayos lang ba sa ‘yo?”
Napalunok ako sa kaniyang naging tugon. Nagulantang ako nang sinabi niyang namaalam na si Tito Andru. Siya pa naman ‘yung tatay na gagawin ang lahat para makapagptuloy sa pag aaral ang mga anak. I definitely didn’t expect that this gonna happen unexpectedly. Parang kailan lang ay nakausap ko pa siya at inalok niya pa ako kumain sa loob ng kanilang bahay. Tunay nga na napakabilis lang ng oras and the worst thing is that, hindi natin alam kung anong oras o petsa tayo mauubusan ng lakas at hininga.
Ngunit sa kabilang banda, labis akong nagulat nang banggitin niyang muli ang pangalan na kinaiinisan ko. Well, he’s my crush since we’re 10, but now, I’m gradually losing interest in him especially that he’s sending me away whenever we meet. Nakakabastos sa parte ko kung paano niya ako pakitunguhan. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Since we’re 10 until we reached 14 years of existence, we’re considering ourselves as best friends, but everything changed for an unknown reason. Bigla niya na lang akong hindi kinausap. Magmula noon, unti-unti na akong nagtaka sa kagyat niyang pagbabago. Kahit sino naman siguro, eh, labis na mag-iisip kung bakit bigla na lang magbabago ang pakikitungo ng isang tao.
Sa mura kong edad, napapatanong ako sa isip ko kung intensyon ba talaga ng isang tao na umalis ng walang paalam o ako na mismo ang may problema? Pero kung anuman ang naging dahilan ni Vincent, wala akong magagawa kun’di unawain na lang. Siguro nga tuluyan niya nang tinuldukan ang aming pagkakaibigan. Saka masyado pa naman kaming bata noon kaya sigurado ako na wala siyang alam sa mababaw kong nararamdaman sa kanya at that time.
Tinapik ako ni Claire sa braso nang napagtanto kong kanina pa pala ako nakatulala sa kawalan. Pumikit-pikit ako at umarte na parang walang nangyari. “A-ah... oo naman! Who is he, by the way? Mas mahalaga na makadalaw ako sa papa mo. My only intention is not to see that freak but to show empathy to your father’s loss. Never mind, so, anong oras tayo pupunta?” pagpapaliwanag ko. I also admit to myself that there’s a pressure inside of me.
“By 7 pm, ayos lang ba? Kinabukasan ka na lang umuwi. Don’t worry, Snow, I will ask permission to your parents naman. For sure papayag naman sila tita, saka malapit lang naman ‘yung bahay namin. I guess, 1 kilometer?”
Sumang-ayon ako at ipinagpatuloy ang usapan. Nakalulungkot mang isipin pero wala na, nangyari na. The only thing that I can do to lessen her grief is to show empathy. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ‘kaya mo 'yan’ o ‘ang drama mo’ dahil tiyak na hindi iyon makatutulong. Those words are absolutely rubbish. Kaya nga lumapit sa ‘yo ang isang tao dahil kailangan nila ng makakausap tapos gano’n lang itutugon?
Sometimes, the only thing that we can do in order to ease the pain on their hearts is to simply listen. Exactly, listen. Giving advices and motivational thoughts would be optional na lang siguro because on the other hand, we need to consider the person’s situation too. Minsan kahit anong magagandang salita ang sabihin natin kapag hindi naman nila isina-puso’t-isipan, tiyak na baliwala lang. Words are useless if a person’s focus isn’t into you.
Alas-syete na ng gabi nang sakto kaming makarating sa bahay nila. Ngayo’y aktwal ko nang nasaksihan ang burol ng ama ni Claire. Saksi ko rin ang bawa’t pagtangis ng luha niya habang papalapit kami sa kabaong.
Pareho kaming nakasuot ng puting damit at pantalon. May bitbit din kaming bulaklak na pinitas lamang sa bukid upang ialay sa kaniyang ama.
“I know the pain inside you, Claire. Please, be brave! Ayos lang umiyak, let those tears flow. But make sure that you will not suffer emotionally for the same reason forever. I know that acceptance and healing is a long process but, I believe in you! Now that he’s gone, let us just continue our goals together as we grow. The pain that you are feeling right now will not be comparable to the joy that is coming. I love you, BFF!” positibo kong sabi sa kaniya habang siya’y nakatingin sa salamin ng kabaong.
“Salamat, BFF! You made me cry even more! Nakakainis ka!” napapatawa siya habang umiiyak. “Ay teka, nakita mo na ba siya?”
Napakamot ako ng ulo at nagtaka sa tinanong niya. “Si Vincent, he’s there at your left side. He’s actually staring at you kanina pa," medyo kinikilig na sambit niya at itinaas-taas ang kilay.
Huminga ako nang malalim at lakas loob siyang sinagot.
“He forgets me already so I would forget him too. I don’t feel anything on him anymore na and it's indeed the cause of what he did. Mukha ba akong laruan na kapag napagsawaan na ay pwede nang itapon kung saan? Well, I am not a toy, Claire. I am a woman who should be respected.” Pabulong na sagot ko at hinila na siya papaloob sa kanilang bahay.