HE AGAIN
Nagtama ang mga mata namin habang inaabot ang mga inumin para sa lahat. Iba ang titig niya. May halo itong pagkairita na naging dahilan para mas lalo akong mailang habang inaabot ang kape sa table na kinauupuan niya.
Nanginginig ang mga kamay ko nang inabot ko iyon sa kaniya. Sa hindi kabutihang palad, hindi ko sinasadyang matapunan ang kaniyang kulay asul na polo. Tumayo siya nang bahagya at mas pinakita kung gaano siya kairitable nang makita niya ako.
“Tanga ka ba talaga? Iaabot mo lang naman ‘yung baso, hindi mo pa magawa nang maayos?! Look what you did! Dinumihan mo lang dahil d’yan sa katangahan mo. Sa susunod, mag iingat ka na, ha? I know what you did, don’t act like you don’t know anything.” Ramdam ko ang galit sa kaniyang boses habang sinasabi niya ang mga salitang iyon sa akin. Honestly, it’s my very first time to heard those s**t words directly coming from his mouth. Napakasakit. Ngunit ang labis ko lamang na pinagtataka ay ang huling binanggit niya. Did I do something wrong with his life? Basta sa akin lang ay as long as I consider something as right, hindi ko ‘yon matatawag na mali. Probably on his part,
Hindi ako pwedeng magpakita ng kahit anong kahinaan sa harap niya at lalo na sa harap ng mga dumalong tao. Oo, aaminin ko na nasaktan ako, pero hinding-hindi ko kailanman ipapakita iyon sa taong naunang nanakit sa ‘kin.
You caused so much trouble in my life, Vince. I hope that you would recognize it someday, how you transform my life into s**t.
Yes, I’m still a minor but I guess it’s not a hindrance for me to think matured enough in that situation. If he thinks that I’m still acting childish, well, he should observe himself first too. Nagkagusto ako sa kaniya ng apat na taon at siguro nga’y tama na ‘yon. Pero ngayon na humantong na ako sa ganitong edad, mas tumaas ang lebel ng maturity ko. Mas napagtanto ko na siguro nga’y masyado pa akong bata para sa mga ganitong uri ng sitwasyon.
“One day, kakainin mo lahat ‘yang mga sinabi mo sa ‘kin. Tandaan mo, hindi ako ang nang-iwan, ikaw.” Madiin kong ani. “Tapos ang lakas ng loob mo ngayong sabihin na may kasalanan akong nagawa sa ‘yo? Damn! Okay, sige ngayon ka magkaroon ng lakas ng loob magsalita sa harap ko. Justify your point or else, it will remain like a trash in my head.” Lakas loob kong sagot habang nakatindig na nakatayo sa harapan niya.
“You’ll know the reason at the right time. But for now, please, choose to distance yourself.” Sa pagkakataong ito, ang mga mata niya’y nagsisimula nang manlumo at mamutla ang kaniyang mukha.
Hindi na ako sumagot pa at dagli nang ipinagpatuloy ang pagbibigay ng kape. Siya nama’y tumayo at pumunta sa loob ng bahay nila Claire upang makapagpalit ng pantaas na kasuotan.
Kinabukasan, ang libing ng ama ng aking kaibigan ay nairaos na. Mabilis lang ang pangyayari dahil bigla ring sumama ang panahon.
Pauwi na ako ngayon sa bahay matapos masigurado na nakauwi na ang kaibigan ko sa loob ng kanilang bahay. Hanggang ngayon, tumatatak pa rin sa isipan ko lahat ng mga salitang binitawan ni Vincent. I know him for years but it is his first time to communicate with me in that way. It seems like we didn’t became friends before. Nakakalungkot lang dahil biglaan ang pangyayari. Sa biglang pangyayaring iyon, kasabay din nito ang paglisan niya sa buhay ko.
He doesn’t actually say goodbye but his actions speak.
“Kumusta ‘yung kaibigan mo? Nalibing na ba ang tatay niya?” bungad na tanong sa akin ni papa nang magmano ako sa kaniya.
Tumango lang ako at tipid na ngumiti. I can’t even understand myself now, I am not in the right mood to talk to anyone, even to my father.
Dumeretso ako sa kusina upang uminom ng isang basong tubig. Habang nilalagok ko iyon, paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga salitang sinambit niya sa burol ng tatay ng kaibigan ko.
“Ayos lang ba ‘tong anak mo? Parang may mali na ‘di ko maintindihan sa batang ‘yan.” Dinig kong tanong ni papa kay mama.
“Ako na ang bahala sa anak mo, Dominic. Kakausapin ko si Snow mamaya," malumanay na tugon ni mama.
Tunay nga na malakas ang pangdama ng mga magulang. They know their child’s emotions, probably almost all of the time. Pero sa kabilang banda, ayoko namang sabihin ang totoo dahil tiyak na tutuksuhin lang nila ako. Siguro’y mas mabuting isarili ko muna ‘tong mga bumabagabag sa isip ko. Ayokong mag-isip pa mga ang magulang ko sa mababaw lang na dahilan nang pagkawalan ko ng gana.
Lumipas na ang mga oras na nakahiga lang ako sa kwarto, patuloy na iniisip ang tungkol kagabi. Hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin iyon sa pagtakbo sa isipan ko. Na kahit anong tanggi at pag iyak ko, hindi ito mawala-wala. Bakit kaya gano’n na lang ang epekto niya sa buhay ko? Bakit maaga rin akong minulat sa reyalidad? At higit sa lahat, bakit masyado pa akong bata para makaramdam ng kakaiba sa kanya?
If these feelings wouldn’t fade, I will just wish that someday, he would be aware on my real intentions.
Ilang segundo lang ang lumipas at may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko at tinawag din ang aking pangalan. “Snow?” boses ng aking mama.
Dagli kong pinunasan ang mga luha sa mukha ko at nagpanggap na parang walang nangyari. Mahina ako. Emosyonal akong tao. Maliit man ‘yan na problema, grabe ko nang hagulgulan. Sensitive rin ako sa mga galaw at salita, lalo na sa mga malalapit sa puso ko. Kaunting negative thoughts lang nila about sa akin, mag-o-overthink na ako. Maybe isa na rin sa mga naging dahilan n’yon ay ang pagkakaroon ko ng mataas na insecurity sa sarili. This me, my nature as a sensitive person.
“Ma, will you mind if I ask you? Ayoko sanang sabihin ‘to pero I guess kailangan ko nang ilabas kun’di baka maging worst ang mararamdaman ko.” Mahina at walang gana kong tanong pagkapasok niya sa kwarto ko.
“Oo naman. Ano ba ‘yon? Tungkol ba ‘yan sa childhood crush mo? Sandali, sino ba ‘yun?” kinamot niya ang kaniyang ulo. “Teka, si Vincent ba? ‘Yung kaibigan mo sa kabilang bayan?”
Nagulantang ako nang sinabi niya ang mga salitang iyon. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na may gusto ako roon sa lalaking ‘yon!
Nagsalubong ang mga kilay ko at napatawa nang bahadya. “Mama naman!” Naiinis at natatawa kong sambit.
“Dalaga ka na talaga, Snow!” Panunukso niya at kiniliti ako sa tagiliran.
“Paano kung bigla na lang hindi nagparamdam sa ‘yo ang isang tao? I mean... you became friends! Bigla lang talagang nagbago ang pakikitungo niya sa ‘yo. And the worst thing is... tuluyan na siya nagpaalam sa pagkakaroon n’yo ng koneksyon. Ano’ng gagawin mo, ma?"
She pouts. “Probably, I would start to move on as early as now and learn how to let him go, especially for the sake of peace of mind. Hindi sa lahat ng oras ikaw ang kailangang umintindi. Anak, ‘di ba sabi ko na noon pa na may mga tao talagang darating sa buhay natin na hindi mananatili as forever as you think it is. Sadyang ang iba sa kanila’y magiging greatest lesson na lang lalo na in terms of character development. Aba, eh, kung si Vincent man ‘yang nagparamdam sa iyo nang gan'yan, try to do what I told you. Hindi lang naman sa kaniya iikot ang mundo mo. Start to discover new things but it doesn’t mean that you also need to start to find new stranger whom you will be friends with. Remember, those good memories will be kept in our head but the pain they left will stay here in our hearts… lifetime.” She stated.
Tumingin ako sa kaniya at pumaharap. “Paano mo po nalaman na may gusto ako sa kanya?” Kaunti akong tumawa nang lakas loob iyong tinanong sa mama ko.
“Ito namang si Snow! I know how you feel, s’yempre dumaan din ako sa gan’yang stage, ‘no! Guess who told me about that.”
“Is she Claire?”
“Oo, ‘nak. Saka ‘wag ka masyadong mag alala, having crush to someone is totally normal! You don’t need to feel worry na sabihin sa akin ‘yung mga tungkol sa bagay na ganyan. Look, nagkalakas ka ng loob sabihin sa akin ‘yan kasi alam mong hindi kita huhusgahan. Pero anak, ngayon na naramdaman mo na ‘yung masakit na part sa pagkakagusto sa isang tao, siguro dapat mo muna siyang hindi isipin nang sobra. Bata ka pa, Snow! Sa ngayon, do your responsibility as a child and being an excellent student muna, okay? Love can wait, it will come in the right time. Ayos lang magka-crush pero ‘wag munang papasok sa relasyon, nagkakaintindihan ba tayo? Time will tell. Ramdam kong hindi ka pa handa... saka bata ka pa naman.” Panunukso ng aking mama at pinisil ang aking pisngi.
--
Tanda ko pa ang mga pangyayari sa buhay ko makalipas ang dalawang taon bago ako makapasok sa eskwelahang ito. Napakarami kong pinagdaanan bago ako makarating sa ganitong estado. Dumating din ‘yung oras na muntik na ‘kong hindi matanggap ng nag-alok sa akin ng scholarship, si Doktora Manuela. Siya ang nag-offer sa akin noon ng scholarship dito sa Manila para makapag-kolehiyo. I was actually about to decline her offer when I got an ill. But of coruse, I got so many realizations para ipagpatuloy at pasukin ang kolehiyo sa Manila. I took the opportunity for my family's sake. Lalo na noong nalaman kong pasok ako sa criteria ng full scholarship dito sa DLSU, nakapasa ako sa exam, at napaka-swerte ko dahil tuluyan akong natanggap ngayon.
Tumayo ako nang simulang tawagin ang pangalan ko ng aming professor sa taxations. “Why did you take BSA? Answer it with your intelligence. Please, I don't wanna hear a superficial answer.” He asked emphatically. This is not the first day of our class but it’s his first time asking us that kind of question.
Tumindig ako nang pagkakatayo at huminga nang malalim. “This is my chosen field because I believe that I am capable of analyzing, conducting business transactions, and accounting. Also, it’s a pleasure for me to be a part of this university and to have received a full scholarship, professor. That is why I will not let this opportunity pass me now that I am pursuing a Bachelor of Science in Accountancy. I’m also aware of the drawbacks and benefits of what I’ve chosen, which is why I’m so grateful to be standing in front of you, sir. Thank you very much!” I said with confidence and conviction. Hopefully, I did it well enough for our professor’s high expectations.
He nodded and give me a clap. “Well, that’s good to hear, Miss Snow Kaccy Ortega, I am looking forward to your BSA journey. You may now have a seat," he responded and showed me a smile.
Sa totoo lang, sobra ang kaba ko habang sinasambit ang mga salitang iyon. Ewan ko ba pero pakiramdam ko'y lalamunin na ako ng lupa sa hiya. Damn it!
“Snow!” sigaw ng kaibigan kong si Claire nang magkita kami sa football field. “Ano'ng ginagawa mo rito? Kumusta first class mo?” Tanong niya habang inaayos ang kaniyang bag sa balikat. She took a major in Marketing which is the reason why we’re not in the same class.
Sinuklian ko siya ng matamis na ngiti at yakap. “It was actually terrible, Claire. Introductory pa lang ng klase, feel ko na agad na ‘yung pressure.” Tumawa ako at sabay kaming umupo.
“Oh, I feel the pressure on the way you delivered it. By the way, may good news naman ako!” Maligalig niyang ani, pumaharap sa akin at niyugyog ang balikat ko.
“Uy, kalma. Ako lang ‘to," pabiro ko.
Umirap siya at tumingin sa ‘kin nang diretso. “Nandito si Tita Yve, kukunin niya na ‘ko at pansamantalang titira sa kanila habang nag aaral pa ako dito sa Manila. Guess what, they gave me fund for myself! Bukod pa ‘yon sa bayarin dito sa school at ibang bayarin sa bahay. Omg ka Snow, let’s go at the bar again! Doon sa BGC, maraming party bar. Ano, g?” Ramdam ko ang saya sa kung paano niya sabihin ang mga iyon.
Napakamot ako ng ulo at dismayang tumingin sa kaniya. ‘Keep it to yourself muna, BFF. Siguro sa susunod na lang?” Tipid akong ngumiti. “I’m not saying this just because I don’t want to. I just want you to spend your money which is essential to yourself. What do you think?”
“What if I tell you that it’s essential to spend more time with you? Saka, Snow, minsan lang naman, eh. Money is everywhere but time is limited. Promise, hindi ko na uulitin ‘yung nangyari last time we went there. Wala na sanang drama tungkol sa lalaking nagpasakit sa ‘yo, okay?”
“Kasi ano... naiilang ako hanggang ngayon.”
“Kanino? He again? Shuta ka, hindi ka pa rin nakaka-move on?!”
“I think so?” alinlangan kong sagot dahil hindi ko rin talaga tiyak itong nararamdaman ko.