Chapter 4

2457 Words
"Never trust anyone, excluding yourself." Hindi ko rin alam kung ano nga ba ang isasagot ko sa naging tanong niya. Napaka-komplikado lalo na't hindi pa rin ako lubos na nakaka-move on sa sakit na dinulot ng lalaking iyon. Kung pwede nga lang, ayoko nang maging usapin pa ang tungkol doon. Pero wala, eh, hindi talaga maiwasan lalo na't may kaibigan akong nagngangalang Claire. "As much as possible, ayoko nang pag usapan ang tungkol diyan, Claire. Could we just stop telling stories about that man?" Sambit ko nang may puno ng emosyon. Tinapik niya ang balikat ko at sinabayan nang paghalakhak. "Ito naman 'di mabiro. Clout chasing lang! Anyways, have you met Klark?" Tanong niya na nagpakunot sa 'king kilay. Ngumisi ako at kumibit-balikat. "Who's Klark? Sino na naman 'yan, ha? Bago mong jowa?" Natatawa kong tanong pabalik sa kaniya. Tumayo siya at biglang kumaway sa mga lalaking players sa field. "Hey!" Sigaw niya. "What do you think I am? Nahihibang ka na ba?" Hinila ko ang kamay niya at pinabalik sa pagkaka-upo. "Isa do'n sa mga football player ang palihim na nagkakagusto sa 'yo. Nalaman ko lang nung pumunta ako kanina sa restroom saka narinig ko silang nag usap tungkol sa 'yo. Oo, maraming Snow ang may pangalan dito but he is pertaining to you! He knows your full name, Snow, but I didn't know how. May kaklase ka bang Klark ang pangalan?" Ramdam ko sa pananalita niya ang pagkausisa tungkol doon. Dagli kong kinuha ang shoulder bag ko at hinanap ang kopya ng masterlist sa klase namin. Ngunit nang matapos ko nang basahin iyon, wala naman akong nakitang pangalan na sinasabi niya. Probably he's from another course? Umiling ako at napalunok. Ewan pero ang awkward pala nung pakiramdam kapag may nagkakagusto sa 'yo na hindi mo kakilala. O baka naman sadyang malabo lang talaga 'yung mata nila kaya nagustuhan nila ang isang kagaya ko. Kinamot ko ang ulo ko habang tinitignan isa-isa ang mga manlalaro, sinusubukang mahagip kung sino ba 'yong Klark na sinasabi niya. But, honestly, I am definitely not interested. It's just that I am curious, I found nothing wrong with it. "Let's go, Claire. Naiilang na ako, let's go at the library instead." Hinigit ko ang kamay niya at hinila sa daan papunta sa library. Maliban sa pag-a-analyze at pag-solve ng accounting problems, mahilig din akong magbasa ng kahit ano. Mapa-fiction man 'yan, non-fiction, or historical. I considered myself as one of the bibliophiles who is absolutely obsessed with books, the smell of those, and how they bring life to our existence. Binaba ko ang bag ko sa gilid ng mesa at dagling umupo. Nilabas naman ni Claire 'yung Ipad niya sa kadahilanang may tatapusin daw siya research. Nagtalumbaba ako at tinitigan ang kaibigan ko. Ngayon ko lang napagtanto na ang perfect pala nang pagkakahulma ng mukha niya pati na rin ang hubog ng kaniyang katawan. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ang dami ng lalaking nanloko sa kaniya. But, does beauty consider as a reason so that boys can cheat? Definitely not. Habang tinitignan ko ang ginagawa niya, hindi ko mapigilang isipin 'yung mga panahong nasa probinsya pa rin kami, sa Davao. Dati lang, sabay naming pinangarap na makapunta at makapag-aral sa Maynila, sabay na nagtulungan para makapasok sa mga may honors, at ang simple naming pamumuhay doon bago pa man kami lumuwas dito. It just proves the sayings that what you plant will be your harvest in the perfect time. "May I ask you once again?" She asked me while I am amidst my selflessness. I nodded and smiled a little. "What if i-try mo namang buksan ulit 'yung puso mo para sa iba? Girl! 'Wag ka nang umasa na magkakagusto pa siya sa 'yo, 'no. Sorry to tell you about this but as your friend, I am just concerned on how you manage your life. Kung paano ka patuloy pa rin na nakakulong sa kaniya. Why don't you try to be in love again?" On the way she tells it, I know that she is being serious. I confront her then I touched her left hand. "Sa ngayon, hindi ko na muna iniisip 'yung tungkol sa mga ganiyan. My perfect love will come in the right time. Siguro nga hindi pa 'to 'yung panahon para ibigay 'yung sarili ko. But for now, ayoko muna. Maybe it's the sign for me to focus on my studies at 'wag munang isipin 'yung tungkol sa mga ganiyang bagay. Saka ano ka ba, Claire, lalaki lang 'yan, bahala silang maghabol." Mahinhin akong tumawa habang binibigkas ang mga tungkol doon. Halos pagtinginan na rin kami ng ibang estudyante dahil sa tawa ko. Ayokong madaliin ang pag ibig. If Vincent and I are really meant to be, who am I to hinder it? But, on contrary, if destiny tells clearly that we're not, who am I to push myself to the thing that isn't for me? Oo, minahal ko na siya ngunit hindi niya yata alam 'yung nararamdaman ko. Probably, he's numb? Well, wala naman akong karapatan na husgahan siya. Saka magkaibigan lang naman talaga ang turingan namin sa isa't-isa noon pa man, ako lang 'tong tanga ang nahulog at patuloy na umaasa. Damn! Makalipas ang ilang oras na pananatili sa unibersidad, napagdesisyunan naming magkaibigan na dumeretso sa bahay ng tita niya kung saan siya ngayon nakatira. As usual, habang naglalakad kami, hindi namin maiwasang mapag usapan ang tungkol kay Vince. Though I already told her that we should stop telling about that topic, she cannot. Masyado siyang clingy at madaldal kaya hindi iyon mawaglit sa isipan niya. “I’m just being honest, pero as what I observe on his eyes, it’s pretty obvious na--” “Na ano?” “Na wala talaga siyang nararamdamang kakaiba towards you. Uhm, maybe it will kind hurt you at some point pero… you should accept the fact na, Snow. Kung magre-rely ka lang sa feelings mo sa kaniya, paano ka makaka-move forward? I thought he’s just a boy? Na hindi dapat pinapakitaan ng motibo na… you’re being obsessed? Oh, come one… he’s too dumb for not having you. Siya ang kawalan at hindi ikaw, always remember that.” Sambit niya habang nasa loob kami ng kotse, buti na nga lang at hindi nagtataka si manong driver sa mga pinagsasabi niya. Nag-grab kami papunta sa bahay nila para mas mabilis at safe. I am also a victim of catcalling and other s****l harrrasment na nangyayari sa aming mga babae sa publiko. I suddenly remember when the time we try to ride in a jeep, may lalaki akong nakatabi na pasikretong hinipo ang hita ko at halos puro mga kasama pa namin noon ay lalaki. Tunay nga na nakakatakot na ang mundo sa panahon ngayon. Actually marami pa, iyan lamang ‘yung pinakatumatak sa isipan ko. Napapaisip nga ako, eh, kasalanan ba naming mga babae kung bakit kami nababastos? Bakit may mga nagsasabing, oo? Is it because of how we wear, talk, and walk? How childish is it. ‘Di ba dapat na mas sisihin ay ‘yung mga lalaking walang respeto at hindi alam kung paano galangin ang isang babae? “I was 12.” She said. Nagulantang ako nang sabihin niya iyon habang nagkwe-kwento ako tungkol sa nangyari sa akin noon. Napatingin ako sa kaniya at napakunod ang noo. “Huh? What do you mean, Claire?” Kumibit balikat siya at napatawa sa sarkastikong paraan. “I was 12 when I start to experience s****l harrasment. And guess what, Snow, k-kuya ko pa,” nangangatog ang kaniyang boses habang binabanggit ang tungkol sa bagay na iyon. Mabuti na lang at nakababa na kami sa sasakyan at ngayo’y papasok namang sa kanilang village patungo sa nasabing bahay. I was in shock when I heard it. We’ve been friends for so many years but this is her first time to tell me about that sensitive thing. I never think that she will also experience how to be harassed by a bullshit man. Nang dahil sa sinabi niya, dagli rin akong napaluha at hindi na nasundan pa ang dapat ko sanang itatanong. Wala akong magawa at maisip ngayon kun’di makinig at ipakita ang pag aalala. Lubos lang talaga akong hindi makapaniwala na sarili niya pang kapatid ang gagawa sa kaniya niyon. He’s doing the act of a demon! “That is why kung mapapansin mo, sobrang layo ng loob ko sa kaniya. And as much as possible, ayokong pumunta sa bahay kapag naroroon siya. I am still traumatized, Snow! Specially when you start to open that topic, everything reminisced! Right now, parang gusto ko na lang maglaho sa sobrang awa ko sa sarili ko. I am innocent and not matured when I am in that age. Wala pa akong alam. He said na maglalaro lang daw kami ng lutu-lutuan then guess what happened? We didn’t i*********e, but… he touch every private part of my body.” Patuloy niyang kinu-kwento habang dahan-dahan pa rin kaming naglalakad. Kinuha ko ‘yung tissue sa bag at iniabot sa kaniya. As her best friend, it really sucks to know about that thing. It’s too personal but she still got the courage to express it to me. Hinayaan ko siyang ilabas lahat ng hinanakit niya. Bilang kaibigan niya, ayoko namang magpakita rin ng kahinaan kaya naman kahit na lubos na akong nasasaktan, I still forced myself not to cry, even a little. And this a greatest challenge for me, ‘yung kahit na nasasaktan ka na, hindi mo dapat ipakita dahil baka isipin nila na mahina ka. Pretending is somewhat good at some point but this shall not happen as often as we want. Kasi sa kabilang banda, sino ba ang niloloko natin kapag nagkukunwari tayo? Yes, we’re just fooling ourselves into the thing that we are not. We act bold but everything inside us was weak. “Where is he now, then?” “As far as I know, lumuwas din siya ng Manila para magtrabaho. Isa rin ‘yon sa kinatatakutan ko, Snow, na muli siyang makita. Hindi ako handa, kahit na nasa ganitong edad na ako, I was still traumatized! Kaya kapag nagkita kayo or nakita niya ako, please, protect me from him. Make excuses for us not to have a connection with him.” I felt in her voice how she was terrible to what happened. While we’re amidst the street, our eyes suddenly caught the black cat who passed in front of us. Actually, hindi naman talaga ako naniniwala sa mga pamahiin, eh, pero sa pagkakataong ito, hindi ko mapaliwanag kung bakit ako nakakaramdam ng kaba. There’s something wrong in me that I cannot explain. Because of that, napatanong nang daglian si Claire at napatigil sandali sa pagluha. “Is that a bad sign that we shouldn’t head at our home?” Tumingin siya sa aking mga mata nang may pag aalala. I just shrugged because yeah, I don’t know what to react to it. “Mga hija!” There’s a sudden voice shouted from nowhere. Napalingon-lingon kami upang hanapin kung sino ang tumawag sa amin, hanggang sa aming nahagip ang presensya ng isang babaeng matanda na may hawak na tungkod. Hindi na kami nag-atubili pang pumunta sa direksyon niya at baka’y nais niyang magpatulong. “‘Wag kayong tutuloy sa dapat n’yong pupuntahan ngayon. Bumalik kayo sa kung saan man kayo nanggaling at bumalik na lang kayo kinabukasan.” Diretsang ani ng lola kaya naman sobra kaming nagtaka. Does she saw what we see earlier? The black cat? I don’t know if we will obey what she have been said but I really have a gut feeling that we should. But what about her auntie’s reaction to what we will about to do? Baka magtaka siya kung bakit hindi makakauwi si Claire. “Ah, pasensya na po, ‘la… hindi po kasi kami naniniwala sa mga pamahiin. Tutuloy po kami sa bahay at baka mapagalitan pa po ako ng tita ko. Pasensya na ho, mag iingat ka, ‘la!” Huling sambit ni Claire saka dali-daling hinigit ang kamay ko palayo sa direksyon ng matanda. “Kayo ang mag iingat.” Iyon ang huling salita na aming narinig sa matanda bago pa man kami tuluyang makaalis. Matapos niyon, hindi na ako nag atubili pang tanungin si Claire sa nagimng reaksyon niya. “Don’t you believe on what she said? Sa mga kasabihan?” Napapikit siya at napatawa, “From the word ‘kasabihan’,” pagdidiin niya. “Literal na sabi-sabi lang talaga ang mga ‘yon. Baka mga chika lang ni Aling Marites,” humalakhak siya. “Bakit mo natanong? Naniniwala ka ba? I bet you weren’t.” Umupo kami sandali sa gilid ng daan upang magpahinga at patuloy na mag usap. “Definitely not. Kaso lang… may nafi-feel ako na hindi ko maunawaan. It’s a gut feeling that something bad was about to happen. I am about to restrain you kanina kaso wala na, eh, ang lakas nang pagkahigit mo sa ‘kin. ‘Yung totoo, may galit ka ba?” Natatawa kong tugon at sandaling napatingin sa langit. Nagtuloy-tuloy ang usapin namin hanggang sa malimutan sandali ang napag usapan kanina. We laugh and let out our joy because of our experiences when we’re still a kid. Tunay nga na masarap balik-balikan ‘yung mga panahong bata ka pa, na malayo sa problema at gulo. Na walang iisipin gaano kung hindi maglaro. How to bring back those memories? Naalala ko noon, sabi ko, gusto ko nang lumaki at magtrabaho. Pero ngayon na nasa reyalidad na ako ng buhay, parang gusto ko na lang ulit maging bata. ‘Yung kahit puro sermon at away kayong magkakapatid, nandoon pa rin ‘yung salitang ‘joy’. “Nasaan na tayo?” tanong ko. “Sa kabilang street na lang,” ani niya. “Teka, do you see that strange light?” tinuro niya ang liwanag na nanggagaling sa langit. “What’s strange about the stars’ light?” Hinampas niya ang aking braso. “Just kidding.” Nagkaharapan kami at nagtawanang muli. “Claire?” boses ng isang pamilyar na lalaki sa aming likuran. Nang dahan-dahan kaming lumingon, nahagip ng aming mga mata ang kapatid niya. Maybe what lola’s said was right, na we should be careful. Ngunit bakit dito pa? Bakit dito at ngayon pa na napag usapan namin ang tungkol sa nangyari? “Stay away from me,.” madiin na banggit niya. “Kumusta ka, kapatid ko?” lakas loob niya pang tanong. Sa hindi kabutihang palad, bigla na lamang nawalan ng malay si Claire at natumba sa balikat ko. He was about to help me but I have driven him away. “Gago ka ba? Walang kapatid si Claire na bastos, go!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD