Chapter 5

2226 Words
Hindi ko alam ang una kong gagawin kaya naman nang may dumaan na sasakyan sa harap namin, hindi na ako nag alinlangan pang tawagan ang nasa loob niyon upang humingi ng tulong. Sa kabutihang palad, may dakilang puso ang driver ng kotseng iyon kaya naman tinulungan kaming makapunta sa pinakamalapit na ospital. "What happened to your friend? Gusto mo bang dalhin na natin siya kaagad sa ospital? I smell something not good in her, would you?" He politely asked me, I nodded while breathing heavily. Nananatili pa rin siyang walang malay habang buma-byahe kami. As I touch her, all that I can feel is coldness producing on her body. She was in shock when he unintentionally saw her brother, the one who did something so bad to her existence. Mabilisan naming ipinasok si Claire sa loob ng ER upang dagli siyang mapatingin. Pagkarating palang namin doon, tinanong na kami agaran ng doktor. "Is she your, what?" "My best friend, doc. She was in shock earlier which caused her to feel weak and out of expiration. Would you please check on her? Baka mamaya kasi--" I was about to ask her something doubtful but I stop myself. Tumango siya, "Yes, lemme do my thing." Dali-dali siyang inihiga sa kama at tinawag ang mga nurses. Ngunit sa kabilang banda, pinaalis muna kami sandali ng mga health workers upang maisagawa ang masusing pagtingin sa kaibigan ko. Pero sa ilang taon na naming magkasama, hindi ko pa siya kailanman nakitang nahimatay nang dahil lang sa gulat. Siguro nga'y napakalaki ng naging epekto ng trauma ng kuya niya sa kaniya kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon ng kaniyang katawan. Sa ngayon, sandali kaming napaupo ng lalaking tumulong sa amin at binato ako ng iilang mga katanungan ukol sa nangyari. To the way he talks, I felt his curiosity and care about us. "I'll never ask you about it because probably it's a private matter between the both of you. But, as I concerned and yeah... now that I aam helping you, please take this cash, I gotta go na kasi, I have a meeting pa. Is that all good? No worries, bigay ko na sa inyo 'yan, no need to return it." Mabait na sambit niya sa akin habang ako nama'y halos napapatulala na. Napalunok na lamang ako at hindi na nakaimik pa. Tuluyan na siyang nagpaalam at umalis sa ospital. Hindi ako makapaniwala na may mga tao pa palang may malasakit sa kapwa. 'Yung kahit hindi mo naman kakilala, may pagkukusa at pagmamalasakit pa rin. Tumayo ako at dahan-dahang lumakad upang i-check kung nakaalis na nga ba siya. And yes, he already went back to his car. Now that I am alone here at the long chair, I gonna take this opportunity para tingnan kung magkano ang ibinigay na halaga ng lalaki. And as I check it, nagulantang ako sa nakita ko. It's not cash that I've expected! Naglalaman ito ng dalawang berdeng dahon na may nakaukit na salitang "I never forgotten you, I'll be back soon". Nang dahil sa nasaksihan ng dalawang mata ko, halos maitapon ko 'yung envelope nang dahil sa sobrang gulat. Ngunit sino naman kaya ang magsasabi nito? Bakit parang planado ang lahat magmula kanina? Makalipas ang ilang minutong paghihintay, tinawag na ako ng doktor pahayagan ng balita tungkol sa kaibigan ko. Ngunit sa kabilang banda, hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng kaba lalo na sa nangyari kanina.  “She has a heart attack or also known as myocardial infarction which caused her to lose breath fastly. Claire needs to be under medication because the longer it goes without treatment, the more damage the heart muscle suffers.” I felt shocked at what the doctor tell, hindi ko lubos inakala na mayroon na palang malalang sakit sakit ang kaibigan ko na si Claire.  Kaya pala madalas ko siyang nakikitang nanghihina at nawawalan ng kontrol sa tuwing lumalabas kami. Pero bakit isinarili niya ‘yung sitwasyon niya? Why did she not confess me about that thing? Sa kadahilanang walang tao rito, hindi ko na napigilan pang ilabas ang luha na kanina pa gustong lumabas. Humagulgol ako sa harap ng doktor at napaluhod nang hindi inaasahan. Inalalayan niya ako at nang ako’y tuluyan nang makatayo, niyakap niya ako sandali.  “You shouldn’t confront her with tears in your eyes. As she has that kind of ill, you should never show her your weaknesses. Ikaw dapat ang magpakita ng lakas, na bilang kaibigan, handa mo siyang damayan kahit na nasa peligro na siya ng kaniyang buhay.” Nang dahil sa sinabi niya, mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko.  Now that I came to the point wherein I can’t control myself anymore, I hastily go to her room. Natanggal na nga ang isang pares ng aking sandals sa sobrang pagmamadali at natapos ang laman ng shoulder bag ko. Kaysa abalahin ang sarili ko sa pag aayos ng mga iyon, nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo papapunta sa ER.  Parang kinukurot ang puso ko nang mapag alaman ko ang tungkol sa tunay na kalagayan ng kaibigan ko. Hindi ko nga alam kung saan ko hinugot ang lakas para harapin siya na parang wala lang. Hindi ko maaaring ipakita sa kaniya na mahina ako, kahit na labis akong naapektuhan.  Sa paunti-unting pagbukas ng mata niya, kasabay din nito ang paggalaw ng kaniyang daliri. Tumabi ako kay Claire at hinawakan ang kaniyang mukha. My angel.  “How do you feel right now?” Bungad na tanong ko sa nanghihina niyang katawan. Namumutla siya sa mga oras na ito na tila naubusan ng dugo.  Gustuhin man niyang makapagsalita ngunit hindi niya magawa. Tumatango-tango na lamang siya sa akin habang nakangiti.  Nagulantang ako nang biglang tumabi sa akin ang doktor at hinarap ang kaibigan ko. I was about to stop him from telling the truth pero huli na. “Patient, are you aware that you have a heart attack?” Marahan siyang tumango habang papikit-pikit ang mata. Ibig bang sabihin nito ay alam niya na noon pa man? Pero bakit kaya hindi niya sinasabi man lang sa akin? Kahit sino ay walang alam sa sitwasyon niya. Kung hindi pa niya nakita ang kapatid niya ay hindi ko pa mapag aalaman na may dinaramdam na pala siya. Sa kabilang banda, labis ang galit na namumutawi sa akin nang muli ko na namang maalala ang nangyari bago ang insidente. Napakakapal talaga ng mukha ng kapatid niya para tanungin siya nang gano’n. The audacity in him! Napatakip ako ng bibig at napaupo. “Why don’t you even tell me, Claire! Kaibigan mo ako, handa akong tulungan ka.” Bulong ko sa kaniya habang tumatangis. Hindi ko na kinaya at ngayon ay umiiyak na ako sa harapan niya. Akala ko kaya kong itago ang sakit na nararamdaman ko, pero sa pagkakataong ito, hindi na. Sobra na at hindi ko na kaya pang pigilan pa.  “D-dahil ayokong isipin mo na mawawalan ka ng kaibigan. Snow, may taning na ang buhay ko at… ramdam ko na malapit na. I was too afraid to tell you about it because I already know what will be the outcome. Look at you, naaawa ka sa sitwasyon ko, natatakot ka. Ayoko sana ‘tong mangyari pero wala na, eh, kung hindi lang dahil sa halimaw kong kapatid e’di sana hindi ka nasasaktan.” Ramdam ko ang sakit sa bawa’t pagbigkas niya ng mga salitang iyon. Hinawakan ko ang kamay niya at direktang tumingin sa kaniyang mga mata. “Ano ka ba, Claire?! Kaibigan mo ako, normal na masaktan ako sa nangyayari sa ‘yo. Sa tingin mo ba’y matutuwa ako na nakikita kang naghihirap? Bakit kung kailan malapit na?”  “Natatakot ako na malaman ng pamilya ko ang tungkol sa kondisyon ko. They cannot afford the hospital bills, Snow. Si tita? Hindi ko alam kung matutulungan niya ako lalo na’t nag-away sila ng tito ko.” Sambit niya sabay hawak sa kamay ko. “Pwede bang ‘wag mo munang sabihin sa kanila ang tungkol dito? Don’t worry, may balak naman akong ipagtapat sa kanila pero hayaan mo muna akong mag isip at magkaroon ng oras. I’m not afraid to die, I am more afraid of how will you all feel.” Sa pagkakataong ito, nagsimula nang lumabas ang mga luha sa kaniyang mga mata.  “Oo, sige.” “Saka si Vince, please still be nice to him, can you? Alam kong malaking sugat ang iniwan niya sa ‘yo pero tandaan mo pa rin ‘yung pinagsamahan n’yo. Hindi ko alam pero bilang kaibigan, masakit din sa parte ko na makita kayong komplikado.” Singit niya sa gitna ng pag uusap namin tungkol sa kaniyang kalagayan. Hanggang dito ba naman, Claire? Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa hiya.  Napailing ako at napatawa nang kaunti. “Ano ka ba! ‘Wag mo munang isipin ‘yung tungkol sa amin. Kalma, Claire, ‘yung puso,” biro ko. Nanatili ako ng ilang oras sa loob ng kaniyang kwarto hanggang sa mapagdesisyunan niya nang magpatingin sa cardiologist. Ito ay para na rin mapaliwanag nang maayos at malawak ang tungkol sa kalagayan niya.  Hindi pa rin niya kayang tumayo kaya naman pumunta na lang dito direkta ang cardiologist para tingnan siya ng personal. Humingin muna ng permiso ang doktor sa pasyente kung papayagan niyang marinig ko ang mga sasabihin niya. “Opo, dok,” maikli niyang tugon.  The doctor says that she needs to be under medication and various medical tests to have a clearer vision of her situation. Mabuti na lamang at may natira pa akong pera sa bangko kaya naman iyon muna ang ginamit ko upang ipambayad sa bills.  “Sigurado ka bang ayos lang talaga?” “Yeah, of course. Hayaan mo munang ako ang tumulong sa ‘yo. Aber, bawal tumanggi, mas mahalaga ang kalusugan mo.”  “Oh, sige. Sabi mo, eh,” natatawang tugon niya.  Sa kabila nang nangyari sa kaniya, hindi pa rin niya nakakaligtaang tumawa kahit na nasasaktan na. Isa iyon sa mga bagay na hinahangaan ko sa kaniya, ang pagiging matatag kahit na magulo ang estado ng buhay.  Makalipas ang ilang araw na pananatili sa ospital, lumabas na ang resulta ng mga naging tests sa kaniya. Ngunit gaya nang sinabi ng doktor noon, binanggit din ng doktor ngayon na delikado na ang sitwasyon ni Claire. “Mayroon na lamang siyang life span of 2-4 months. Maaaring magbago o gumaling pa siya kung maidadala siya sa ibang bansa. Pardon us but we don’t have the cure for her state. Rare ang heart disease niya at hindi namin matukoy kung ano’ng mali. Sorry to tell you this but, that’s the two only option. Maybe you will just wait for your body to give up or take a risk in State. Bilang doktor, ayokong umasa kayo dini-deretso ko na kayo ngayon palang. As the result shows, it’s getting worst as she kept it for years and this is also the first time na nagpatingin siya. Maybe yes, she already discover it by herself but that’s not enough.” Paliwanag niya sa amin habang patuloy sa pagtangis.  Napakasakit marinig ang mga salitang iyon lalo na’t nanggaling mismo sa isang eksperto. Hindi ko alam kung anong unang salita ang babanggitin ko nang unti-unti ng pumasok sa isipan ko ang pangyayari.  Malamya akong tumingin sa kaniya at dagli siyang niyakap. Sa pagyakap ko sa kaniya, nilabas niya na rin ang sakit na kaniyang nararamdaman. “Natatakot ako sa sasabihin ng tita ko, na baka sabihin niya na naging pabaya ako sa sarili ko. Na hindi ko man lang sila sinabihan. Paano na ako, Snow? Mukhang hindi ko yata kayang sabihin sa kanila ang tungkol sa sakit ko.  “As I also reviewed the results, you do not only have a heart attack. Actually, it’s not basically just a heart attack, Claire… you have coronary artery disease or CAD. It’s worst than you think of. It is the buildup of plaque in the arteries that supply oxygen-rich blood to your heart. 9% is the survival rate for your state that is why it’s your choice if you want to have a second opinion to the States. We’re just being honest, Claire. We don’t want you to give false hope that is why I am telling you this. But on the other edge, I am still praying that you will be healed. Lumaban ka, may natitira pang pag asa.” Ani ng doktor at ngumiti ng tipid, nagpaalam na siya sa amin.  We both do not know what to respond and what to do as well. It’s one of the hardest decision that she might encounter. Ang pagpunta sa States ay hindi biro, sigurado ako na napakalaking gastos iyon. Pero kung iyon na lamang ang natitirang option maliban sa paghihintay ng oras, siguro nga’y nararapat na siyang umalis sa lalong madaling panahon.  “I won’t go to States, let me just wait for my turn to leave this world. I hope you would respect my decision, Snow. Handa na ako at gusto ko ring ihanda mo ang sarili mo. Gustuhin ko man pero ayaw na ng katawan ko, hindi ko kayang lumaban. Perhaps it’s already my time, I guess I did my mission here, and one of it is to be a best friend for you, Snow.” Sambit niya habang nakangiti at umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD