Yes, I wasn't prepared when I start to know that she's already suffering from a heart disease. Masakit bilang kaibigan na mapag-alamang may dinaramdam ang isang taong halos tinuring mo ng kapatid. Ngayon, wala akong magawa kung hindi galangin na lamang ang naging desisyon niya sa kanyang kalagayan. Ayaw niyang pumunta ng America sa hindi malamang kadahilanan.
“Where’s Vince?” nakakabiglang tanong niya sa akin habang nandito kami sa labas ng kanilang bahay.
Napakunot noo ako at pinandilatan siya ng mata. “Bakit napunta sa usapin natin ‘yang lalaking ‘yan? Hindi ba dapat ay pupunta na tayo ngayon sa loob ng bahay n’yo?”
She shrugged and laugh a little. “‘Eto naman hindi mabiro, gusto ko lang kayong kumustahin, masama ba? Eh, kasi naman hindi pa rin mawala sa isipan ko ‘yung mga panahon na magkakasama tayong tatlo. Then imagine, ah, bigla na lang kayong nagkaroon ng misunderstanding. Snow, magtapat ka nga, naging kayo ba?”
Dahil sa labis na gulat nang marinig ko ang tungkol doon, napahampas ako sa braso niya ng wala sa oras at napatawa nang malakas. “Ang alam ko may sakit ka lang ah, bakit biglang napunta sa ‘ming dalawa ‘yung topic? We’re just bestfriends at that time, never kaming naging kami dahil…”
“Dahil ano? Natatakot kayo sa commitment?”
Napangisi ako at halos makalimutan na may dinaramdam siya. “Bata pa kami noon, Claire. At saka wala pa sa isip ko iyang mga ganiyang bagay, ano ka ba! Tara na alam kong hinahanap ka na ng tita mo. Maybe it’s also the best time para sabihin sa kanila ‘yung tungkol sa kalagayan mo? But if you would decide na ‘wag muna, kailan pa? Kapag huli na ang lahat? Kapag tuluyan ka nang lumisan? How about their emotions, bestie? Uhm, this is just my opinion and yes, your choice will still be dominate.”
Biglang nagbago ang atmospera ng aming pag uusap nang simulan ko na namang banggitin ang tungkol sa kaniya. Well, it’s the right thing to do since everything is not going to be good, especially in her state. I am just giving her an idea of how would she express it. But yeah, as I said, it’s still her decision if she would agree with me or not.
It took an hour of waiting before we finally get inside of their house. Gaya nga nang inaasahan namin, mainit nga ang dugo ng tita niya sa kadahilanang ilang araw siyang hindi nakauwi. Kaya naman sa kabilang abnda, hindi alam ni Claire kung paano niya ipapaliwanag ang lahat.
“Tita, please give me time to explain. You have something to know about my condition. In fact, ayoko sanang aminin ang tungkol dito pero… napagtanto kong may karapatan kang malaman ‘to lalo na’t malaki na rin ang naitulong mo sa akin, especially sa pag aaral ko.” Malumanay na paliwanag niya at sandaling napaupo sa sofa.
Sa pagkakataong ito, medyo umaliwalas na ang ekspresyon ng tita niya. Tila handa na itong makinig at mapag alaman ang tungkol sa sasabihin ng kaniyang pamangkin.
Bilang pagpapakita ng paggalang, lumayo ako sa direksyon kung saan sila mag uusap. Naririto ako ngayon sa malawak na kusina nila kung saan hagip at kita ko pa rin ang kanilang presensya.
“Sige, Snow. Thank you for respecting us!” nagagalak na sambit sa akin ng tita niya.
Hindi ako nagpapahalata na nakikinig o nag-o-obserba sa kanila kaya kunwari ay abala ako sa ibang gawain. Nagtitimpla ako ngayon ng kape para ibigay sa kanila. Ngunit sa kabilang banda, habang pinagmamasdan ko ang kanilang mga ekspresyon, hindi maaakila na naluluha ang bawa’t isa sa kanila. Maybe yes, it’s the time wherein my friend, Claire, starts to confess everything about her condition. Na hindi ito biro at nangangailangan niya ng mas atensyon at oras, lalo na’t nabibilang na lang ang oras na mapaparito siya sa mundong ibabaw.
Sa pagkakataong ito, halos gusto ko nang lapitan sila dahil sa lalong pag-intense ng kanilang usapin. Nanginginig ang mga kamay ni Claire habang nakatapat ito sa kaniyang mukha. As I see her, she’s probably trying to be strong and not to look so weak but as her emotions flow, she cannot control it anymore. The true her prevails.
Halos hindi na makapagsalita ang tita niya dahil sa posibleng sakit na nararamdaman nito. She can’t stop herself from rubbing her both hands and looking so restless. “Let’s go to, States!” punong-puno ng emosyon ang pagkabigkas niyon. Hindi na rin nakapagtataka dahil may kaya naman sila at alam kong mahal niya ang kaibigan ko.
“‘Ta,” she pouts. “Hindi na kailangan, hindi na po kaya ng katawan ko. My heart is weak and my body responds weak too. Noon, nakakayanan ko pa, pero ngayon… kaunting galaw ko lang, feeling ko pagod na pagod na agad ‘yung puso ko.” Naluluha niyang sabi habang nakatingin nang diretso sa tita niya habang hawak niya rin ang kamay nito.
“Anak,” ramdam ko ang pag aalala ng tita niya. Mas lumapit ako sa kanilang direskyon nang hindi nila napapansin. “Whether you like it or not, you will accompany me to States para sa pampagamot sa ‘yo.”
Pareho silang napapaluha sa isa’t-isa dahil sa sitwasyon ngayon ni Claire. “Sige po, pero can I request one thing?”
“Yeah, ano ba ‘yon?”
“P’wede po bang ‘wag na muna nating ipaalam kila mama’t papa hangga’t hindi pa tayo nakakaalis sa Pilipinas? Don’t worry tita, balak ko naman pong sabihin sa kanila pero not this time, please?”
Napalunok siya at napaisip sandali. Nang matapos kong timplahin ang kanilang kape, lumapit ako sa direksyon nila at napaupo sa tabi ni Claire. “Ah, tita… kasi po ano, natatakot siya sa posibleng maging reaksyon ng mga magulang niya. Kung ayos lang po, let’s just respect her decision for now?” singit na sambit ko.
“Para sa mas ikabubuti ng puso mo, sige, pumapayag ako. Now that I know everything about your condition, magbu-book na agad ako kinabukasan ng flight para agaran na rin tayong makaalis dito. Your condition is much important, most especially na rare at mayroon kang heart disease. Tita loves you, ‘nak, lumaban ka.” Ani ng kaniyang tita, nagyakapan sila at napangiti na lamang ako.
On behalf of it, hindi ko inaakala na mabuti rin pala ang puso niya. Ang sarap lang sa feeling na sabihan ka ng salitang ‘anak’ ng taong hindi mo ina. Bigla ko tuloy naalala sila mama’t papa, kumusta na kaya sila roon? Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang lumisan ako sa probinsya. Ngayon na nakapag aaral na ako sa pangarap kong eskwelahan, hindi ko na hahayaan pang malagpasan ako ng oportunidad. If I can grab all the opportunities that people will offer me, I will. Ayoko na ulit humantong sa punto ng buhay ko na magkakaroon ako ng regrets nang dahil lang sa hindi ko sinubok ang isang bagay.
Sabi nga sa kasabihan, “face your fears”. Isa ‘yan sa mga katagang nakatatak na sa isipan ko sa tuwing nawawalan ako ng pag asa. Mga salitang nag udyok sa akin na pasukin ang mga oportunidad na kahit mahirap, maniniwala akong kaya kong lagpasan. Naalala ko rin noon kung paano ako pagsabihan ng favorite teacher ko sa probinsya. She once even told me that I shouldn’t rely on my comfort zone, that I also should try to escape from it and discover some things that I am not yet familiarize.
Isang araw ang makalipas, habang naririto ako ngayon mag isa sa library, bigla kong naalala na may team project pala ang course namin sa psychology major students. Sa kasamaang palad, napagtanto kong isa pala sa makakasama ko ay si Vincent. In the first place, hindi ko naman choice na makasama siya at wala rin naman akong balak na makipagkaibigan pa sa kaniya ulit sa kabila nang maling pagtrato niya sa pagkatao ko. I hate how he possessed a audacity attitude, para lang ipamukha sa akin na hindi ako para sa kaniya.
Halos hindi ko na nga makilala o makita man lang ‘yung Vince na naging kaibigan ko noong mga bata pa kami. Hindi ko maintindihamn kung bakit bigla-bigla na lang siyang nagbago nang pakikitungo sa akin. I suddenly asked myself, did I do something wrong na magpapagalit sa kaniya nang sobra?
Tinapik ako ng babae na nasa tabi ko ngayon. Nakasuot siya ng eyeglasses, naka-ponytail, at nakasuot ng uniqlo na damit. “Excuse, miss?”
“I’m Snow.”
“Uhm, yeah, Snow. Hi, Snow! Can I ask you about the project?”
I gulped and looked at her. “Yeah, sure! What is it then?”
“Napansin ko kasi na medyo ilang ka sa isang kasama natin. Wait, I forgot his name, hmm…” nagtalumbaba siya at napapikit-pikit. “V-Vincent? Oo, siya nga! Kung okay lang sa ‘yo, p’wede ko bang tanungin kung bakit? Like you know, we’re all getting to know each other para mas maayos ‘yung communication natin for the team project. But when I observe that you two seems aren’t good, I start to think what was wrong? Have you know each other na ba before?” labis akong nagtataka kung bakit sa dami-daming pangyayari na naganap sa meeting ay bakit ‘yung pakikitungo ko pa sa lalaking iyon?! Ganito na ba talaga kaliit ‘yung mundo para hindi kami tantanan ng kahit sino? We’re almost at the end of our story pero bakit parang ayaw kami lubayan ng tadhana? Where’s the lie, though?
Napakamot ako ng ulo at ilang na napatingin sa kaniya. “What’s your name, by the way?” I asked her.
“Oh, sorry! I’m Abrielle, one of the psychology students na kasama sa team project with accountancy students. Actually, I didn’t get the point kung bakit may pa-ganito sa university. They called it AccPsych Project, an activity wherein we will take an action kung gaano ka-stressful itong dalawang degree. Yeah, we both know naman na mahirap talaga ‘tong course na pinasok natin but, we should have a positive mindset na makakayanan natin ‘to… for our dreams!” Positibo niyang daldal sa akin habang ako nama’y patuloy lang na nakikinig. Well, her daldal is meaningful naman compare to other chattering from nowhere.
Napangisi ako at napailing sa kung paano siya magkwento. Hindi kami magkakilala nang lubos pero on the way we express our thoughts, maybe we can be friends? We have the same energy, though.
“Uhm, sorry to tell this ah? Pero kasi… it’s a private matter kung bakit ganoon na lamang ang pag iwas namin sa isa’t-isa.” Tanging sagot ko sa naging katanungan niya kanina.
Ayoko namang may ma-involve sa sitwasyon naming dalawa na hindi ko man lang kakilala nang lubos. Saka mahirap na rin magtiwala sa panahon ngayon, mas mabuti nang magdoble ingat ako. Though I’m not saying na wala akong tiwala kay Abrielle, what I mean lang is it’s better if we’ll get to know each other muna before I share things about my life. I guess there’s nothing wrong about it, right? I’m just protecting my inner peace.
As a matter of fact, hindi ko rin naman inakala na may makakapansin pa rin pala sa amin. Like, hey? Who are we? We’re just a normal Lasallians but still someone caught our weird connection.
Halos oras din ang itinagal ng pag uusap namin sa loob ng library. Mabuti na lamang at nako-kontrol namin ang isa’t-isa sa pagsigaw kun’di at baka’y nasita na kami ng librarian. Exchanging thoughts aren’t prohibited here unless you would do something over the limit.
Nakakatuwa lang pagmasdan na may mga disiplina ang bawa’t estudyante rito. Talagang halata na may pinag aralan sila, nakakaangat ang estado ng iba, at alam nila kung saan nila ilulugar ang sarili nila. Napapansin ko rin na marami sa mga estudyante rito ang conyo, madalas nilang pagsamahin ang lenggwaheng tagalog at english sa makulit at kakaibang impit. Gaya nila, madalas na rin akong makapagsalita sa paraang iyon, hindi dahil nakikigaya ako bagkus ay nasanay na rin ako sa paraang iyon.
Sometimes, I feel so embarrassed whenever I forgot to remember easy Tagalog words. That moment na mas alam mo pa ‘yung english term niyon kaysa sa tagalog na lenggwahe. I once even asked Claire kung ano’ng tagalog ng surrender and guess how she responds? She laugh so hard came to the point na halos maubusan na siya ng hininga. Mabuti na nga lang ay hindi pa gaano kalala ‘yung sakit niya noon at baka’y mas napaaga ang pagpunta namin sa ospital. Yes, it’s somewhat weird but I guess it;s just fine. No one is perfect so who am I to always do perfect things?
“Ate Snow!” panimulang bati ng kapatid ko na si Maryrose sa telepono.
Napangiti ako kung paano niya tawaging muli ang pangalan ko. I’ve missed her so much! Lalo na ‘yung kakulitan at paghahabulan namin noon sa bukiran. I miss those good old days, when everything seems good and not chaotic. Masasabi ko na iba pa rin talaga ang pamumuhay sa probinsya kumpara rito sa Manila. I find there more peaceful than staying here. Pero at some point, may advantage rin naman ang pananatili rito kaysa sa probinsya. Bukod sa maraming oportunities ang nakaabang sa ‘yo, dito mo rin mararanasan ang tunay na laban ng buhay.
Inayos ko ang buhok ko at ngumiti na halos abot tainga. “Maryrose! Kumusta na kayo diyan? Pagpasensyahan mo na si ate kung hindi gaanong nakakatawag, ah? ‘Wag kang mag alala, busy ako sa schoolworks at hindi sa pakikipagrelasyon, ew!” Pambibiro ko dahil alam ko na agad kung ano ang sasabihin niya. She will tease me again to the man who didn’t love me back.
“Yie, si ate! Wala pa naman akong sinasabi tungkol sa inyo, ah? Pero maiba ako, si mama’t papa, ate…” itutuloy niya na sana ang sasabihin ngunit sa tingin ko’y nawalan doon ng signal.
Nang dahil sa huling binanggit niya, nakaramdam ako ng kaba na baka kung ano na ang balita sa pamilya ko. Ngunit dalangin ko na mali itong iniisip at kutob ko.Hopefully, it’s just nothing but a piece of trash in my head.