I cannot understand myself why I still holding his promises, though we’re just kids at that time. S’yempre iba pa rin talaga kapag nagbitaw ng pangako ang isang tao, aasa tayo na tutuparin nila ‘yon. Ngunit sa pagkakataong ito, parang hindi na ako aasa na matutupad pa ‘yon. We’re complicated, wala na nga kaming koneksyon ni pag uusap sa isa’t-isa, eh. Ang hindi ko lang maintindihan sa sarili ko ay kung bakit hindi siya mawala-wala sa isipan ko. ‘Yung kahit anong pilit ko sa sarili ko na tama na, patuloy pa rin sa pagtibok ‘tong puso ko para sa kaniya. Though I already know the truth that we can’t be together, it still hurts. Hindi ko alam kung bakit patuloy akong umaasa sa kaniya, na kahit napahiya na ako sa harap ng maraming tao, ‘eto pa rin akong si tanga, umaasa sa manhid na katulad niya.
Dahil sa matagal na pag uusap namin ni Abrielle, napagkasunduan namin na tumambay sa Henry Sy Sr Hall. Malawak at napakalaki nito, isa rin ‘to sa unang nakabighani ng mata ko. I just can’t imagine how fascinating this building is. It was made so perfectly! They have been said that Architect Leandro V. Locsin was the one who designed and renowned it. Napakahusay kung paano ito itinayo at mga nakapaloob dito. Base rin sa impormasyong napag alaman ko, mayroon itong 14 na palapag kung saan malayang pumunta ang mga estudyante depende sa kanilang kurso at intensyon.
“Maiba ako--” I stopped her.
“Let’s not talk about that man again, can we?”
“You’re thinking so advance, ah! Nope, that’s not what I supposed to say. I just want to know kung paano ka nakapasok dito? Are you a scholar or you’re mayaman na talaga?” halos mabuga ko ang tubig na iniinom ko dahil sa tanong niya.
Inayos ko ang bag ko at nilagay sa harapan. Umayos ako nang pagkakaupo at masisinsinan siyang tinitigan. “Would you still like to be friends with me if I will tell you that I’m just a scholar here? Eh, you know, baka kasi mababa ang tingin n’yo sa ‘ming mga scholars. Like, yeah, we’re not that rich who can afford every expensive things and fees.”
Namilog ang mga mata niya at napanganga nang kaunti. “Oh, you’re smart pala! Congrats, ah! I know na deserve mo ‘yan, uhm kasi… as I look at your physical body, you look so expensive, girl! Hindi ko inakala na scholar ka pala rito sa La Salle. Saka don’t you ever think na I will hate you just because you’re not that ‘rich kind of girl’, duh! In fact, you’re the first lady that I get comfortable talking with.” Huminga siya nang malalim. “Medj nakaka-close ko naman ‘yung iba pero hindi kagaya nang pag uusap natin. Hmm, Snow, can we be friends? Nahihiya rin kasi ako, wala pa akong kakilala at kaibigan dito. Many of them are masungit kaya lalo na ‘yung Vincent na ‘yon! Akala mo naman kung sino, tsk!” naiirita niya pang sabi habang ako nama’y napapatawa na lang sa mga kinu-kwento niya.
Bigla ko tuloy naalala si Claire, halos parehas sila ng attitude and mood. Kalog at makulit na tila wala ng bukas kapag nagkwe-kwento. Pero dahil sa kasunduan namin na wala munang calls for a month, wala akong magawa kun’di pumayag na lang. Alam ko rin naman na mas makakabuti para sa kaniya ‘yon lalo na’t nasa peligro na ang kaniyang buhay.
Oo, nakakapanibago at hindi talaga ako sanay na hindi siya kasama. It really hurts to see her leaving the country. On how the airplane flew, it seems like someone stabbed me at my back because of how hurtful it is to us. Hindi man lang sumagi sa isip ko na hahantong kami sa ganitong sitwasyon. Na darating pa rin pala ‘yung oras na maghihiwalay kami, pero sa hindi magandang paraan.
“You know ba na madalas kitang nakikita na kasama ‘yung babaeng maikli ‘yung buhok. Bakit parang hindi mo yata siya kasama ngayon? Where is she?” Abrielle asked cause of curiosity.
Like, really? Sa dami-daming estudyante rito sa DLSU ay ako pa talaga ang napansin niya? Is she stalking me? Charot!
I get my eyeglasses on my bag and I wear it. “Do I look good in this glasses?”
“You’re so gorgeous, Snow! Anong ginagawa mo at bakit ganiyan ka kaganda, aber?”
Napatawa ako at napailing sa pagpuri niya. “Ano ka ba! Ako lang ‘to, ang nag iisang Snowy sa buhay n…”
“Oh, oh! Ni ano? Sabi ko na nga ba’y may lihim na pagtingin ka kay Vince, eh! Do you want me to have some moves para mas maging close kayo?”
Kumunot noo ako at napatingin-tingin sa palligid. “Huy! Hinaan mo nga ‘yang boses mo baka nandito lang pala ‘yung taong ‘yon. Please, ayoko na sa kaniya. Nagmu-move on ako, how dare you!” pambibirong sambit ko sa kaniya.
Nagtawanan muli kami hanggang sa marating namin ang isang table kung saan pwede kaming mag aral nang sabay.
Napapaligiran kami ng mga estudyanteng elegante at mapo-pormang tignan. Nakakailang lang dahil may mga lalaking hindi maalis ang tingin sa akin. Yeah, I am aware naman na hindi ‘yon maiiwasan lalo na kung may itsura ka. Pero, ako? Hindi ko maintindihan kung paano nila nakikita ang kagandahan sa pisikal kong kaanyuan. Do I really look stunning? Argh! I hate myself for not being confident that I have this kind of beauty. Not for being pa-humble, it’s just that hindi lang talaga ako sanay na binabati akong maganda.
“Don’t ask me why kung bakit maraming guys ang nabibighani sa ‘yo, Snow! Hey, duh, look at yourself! Ay, teka may salamin ako rito,” nag abala pa siyang halukatin ang bag niya para lang maibigay sa akin ang salamin. How funny to be with her! Iniabot niya sa akin at ako naman ‘tong si uto-uto, tinignan nga talaga ang sarili sa harap nito.
Dahan-dahan kong hinipo ang magkabilang pisngi ko at ngayo’y mas lalo ko nang nauunawaan kung bakit ganoon na lang ang tingin nila sa akin. Tunay nga na maganda ako, I almost have the ideal face of some man. Pero dahil matalino ako, hindi ko hahayaan na gamitin ako ng kahit sino. Oo, maganda ako pero may talino rin akong taglay. Kung akala ng iba’y madali nila akong maaakit, pwes, nagkakamali sila. I’m not that kind of girl na marupok pagdating sa mga may itsura na lalaki. Like, hey?! Gwapo lang sila at bonus na lang kung alam nila kung paano gamitin ang utak. But chasing a man just because he’s handsome? Bruh, I’ll never chase him! Hindi deserve ng ganda ko, ‘no!
Ilang minuto ang itinagal ng pag uusap namin at ngayon nama’y tutungo na kami sa pagpupulong tungkol sa team project. This will also be the time na makikita kong muli ang mukha niyang akala mo’y pinagsakluban ng langit at lupa.
Gaya ng sinabi namin kanina, sabay rin kaming pumunta roon para makiisa. Magaganap lamang iyon sa labas ng hall at bubuo ng isang malaking bilog.
“Where’s the others?” Professor Gonzaga asked us, he’s individually looking at our eyes.
Sandali akong napalunok at tumingin nang diretso sa kaniya. “I have no idea, professor. I’m not yet close to almost all of my coursemates. But I guess they’re on the way na,” ani ko sa kagalang-galang na pananalita.
Hindi naman siya mukhang masungit pero gusto ko pa rin na hindi maging komportable. Madalas kung sino pa ‘yung akala mong mabait na anghel ay siya pala ang magpapahamak sa ‘yo. But on the other side, as I observe on his actions and the way he speak, it seems like he’s strict but chose to act like an innocent smart individual.
Tumagal ng halos kalahating oras ang paghihintay namin bago kami makumpleto.
“30 chosen BSA students are all present and 29 BS Psych students are present as well, but where is the missing one? Wait, lemme check my record so that we will know kung sino man ‘yon.” Kinuha niya ‘yung record sa kaniyang envelope at isinuot ang salamin.
Hindi na ako nag alinlangan pang magtaas ng kamay at sabihin ang katotohanan. “Prof? I know who is it. He’s name is Vincent Silva--” napahinto ako nang may biglang humawak sa balikat ko. Inangat ko ang tingin ko at laking gulat na lamang nang makita ang lalaking binanggit ko! Nakakainis at bakit ngayon pa?!
Bumilis ang t***k ng puso ko at dali-daling umiwas ng tingin.
Tumango-tango si Professor Gonzaga at ngumisi. “What a coincidence, Ms Snow and Mr Vincent? Aabangan ko ‘yang love story n’yo, ah!” kinikilig na tono ng guro namin. Hindi ko alam kung bakit parang alam niya na may something sa aming dalawa? What the fudge! Ganito na ba talaga kaliit ang mundo na kahit ‘yung professor namin ay makahalata?!
“I don’t know her.” Matigas na pananalita niya at tuloy-tuloy na naglakad at pumwesto sa kabila.
Hindi siya makatingin sa akin at walang pagbabago, nakabusangot pa rin siya at halatang umiiwas sa akin. But saying those words in front of them? Sobra na! He made me feel ashamed!
Well, if that what he wants, if he really wants us to be stranger again, I will do. Mas mabuti na siguro ‘to para tuluyan nang mawala ‘tong nararamdaman ko para sa kaniya. Bakit ba naman kasi ako nagpapakatanga sa taong wala namang pakealam sa buhay ko?
Nang dahil sa binanggit niya, halos lahat ng estudyante na nakapaligid namin ay napatakip ng bibig at nagbulungan. Ang iba sa kanila’y natatawa at ang iba nama’y nagulat sa kung paano niya sagutin si Prof. Gonzales.
“Yeah, you all heard it right. We don’t know each other. I accidentally knew his name because… I saw his name and picture on the list! Oo, t-tama,” todo kontra ko. Sana nga lang ay hindi nila mahalata iyon.
Pakiramdam ko’y namumutla ako ngayon dahil sa kaba. Nanlalamig at nanginginig din ang dalawa kong kamay kaya naman intensyonal kong hinawakan ang kamay ni Abrielle.
Nilapit niya ang kaniyang mukha sa tainga ko. “‘Wag kang magpahalata na nape-pressure ka!” bulong niya.
Tumango ako nang kaunti. “So, yeah, I guess we may start na?” I tried to change the topic.
“Okay. Let’s proceed to you guys, BSA students. Can I ask each of you about your expectation to them, BS Psych learners?” He started, we all nodded and show our smiles.
Habang nakapalibot kami, hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Vince. Sa kabila ng pagiging coldhearted person niya, hindi pa rin maitatanggi na nagtataglay siya ng kagwapuhan. Vince is pogi lalo na kapag ngumingiti’t tumatawa siya. Sa ilang taon ko ba naman siyang nakasama, surebol na marami na rin akong alam sa pagkatao niya. Ngunit sa kabilang banda, alam ko rin naman na marami nang nagbago sa kaniya, magsimula nu’ng iwasan niya ako. Ewan ko ba pero hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ‘yung sinabi niya sa akin na may ginawa raw akong kasalanan sa kaniya. Ngunit kahit anong pilit kong alalahanin kung ano man ‘yon, wala talaga akong maalala. Indeed, he’s ruining my peace of mind.
Nagsimula nang magsagutan ang mga ka-coursemates ko hanggang sa umabot na sa akin. “You, Ms Snow Kaccy Ortega, what do you expect from them, especially to him. Just kidding, go ahead,” he teased me once again. Bakit naman ganito kalupit sa akin ngayon ang tadhana. Liwanag, kunin mo na ako ngayon!
Huminga ako nang malalim at hinarap sila na tila wala akong kaba na nararamdaman. “I have an expectation to them that they are good at reading a person’s mind and actions. As psychology students, they should also be mentally stable especially since they will carry patients with emotional and mental problems. On the other hand, I still believe that their degree isn’t excluded from having emotional breakdowns. They’re still humans, the only difference is just they need to be more patient and become good at handling emotions. That is all I can say, thank you!” I formally said while I am looking at them seems like I am in a competition.
Hindi ko inakala na masasabi ko nang tuloy-tuloy at may good accent iyon sa harap nila. I am now become proud of myself because I gradually coping up with my comfort zone.
Matapos kong sabihin iyon, hindi ko sinasadya na muli mapatingin sa direksyon ni Vince at mapatingin sa mga misteryoso niyang mga mata.
Nagtaas siya ng kilay at umiwas ng tingin. Gosh, Snow! Anong kahibangan ba ‘tong ginagawa mo?
“Precise and impressive thoughts, Ms Sandoval! I’m sure that he’s also impressed with how you deliver it.” Another one! Why he can’t stop teasing me from that numb man?! “Now, let’s proceed to BS Psych students, you’re floor is now yours. And… it will start with you, Mr Vincent.” Hindi ko maintindihan ‘tong nararamdaman ko nang banggitin niya ang pangalan nito. Bumilis muli ang t***k ng puso ko at umiwas ng tingin sa kaniya.
“I agreed with what Snow has been said, I was actually truly amazed at how she sees us.” Sa pagkakataong ito, lumipat ang tingin niya sa akin at mabilisang kumindat. Kaya naman mas lalo na naman akong nagtaka sa naging trato niya sa akin. Probably he’s just pretending para magkaroon siya ng good image? Ack, I hate this kind of feeling. Pakiramdam ko’y unti-unti na namang bumabalik ‘yung feelings ko sa kaniya. No, Snow, this can’t be. “By the way, here it is, I am aware on how hard accounting major is. Especially that not all students have a capability to deal with its high level of understanding skills. As I observe on them, it’s pretty obvious that it’s totally hard, but as I look at her, it seems like she wasn’t experience distress lately. Uhm, to conclude, accounting and psychology is maybe far different from each other. But as we start this team project, I know that everything will be run smooth unless we keep striving and have a focus. AccPsych project, are we all ready?” he shouted at the last line.
Bakit ganoon? Bakit feeling ko ay pinatutungkulan niya ako?
Lumingon sa akin si Brielle at napatawa. “You’re blushing!” bulong niya na may halong kilig.
This is what I am most afraid of!