Hindi matandaan ni Mira kung ilang beses siyang inangkin ni Nicholas ng gabing iyon. Ang naalala lang niya ay naging banayad ito sa bawat pagniniig nila kabaliktaran ng sinabi ni Jake na ginagawa nito sa mga babaeng naikama. Pagkatapos kasing makaraos ito at makapagpahinga sila ng kaunti ay muli siya nitong inaangkin. Hindi naman siya nagreklamo dahil sa totoo lang ay nagustuhan din niya ang sarap na dulot ng kanilang pagtatalik. Natulog na lamang sila nang wala na silang lakas na dalawa.
Nagising siya na mahimbing pa ring natutulog si Nicholas sa kaniyang tabi. Tiningnan niya ang relos nito na nakapatong sa lamiseta. Pasado ng alas syete ng umaga kaya nagmadali siyang bumangon kahit na masakit ang kaniyang katawan. Nagtungo siya sa banyo para mag-shower. Ramdam pa niya ang hapdi sa kaniyang p********e na nawasak ng malaking batuta ni Nicholas.
Hindi niya napigilan ang sarili at mapahagulgol siya sa loob ng banyo. Tinakpan naman niya ang kaniyang bibig dahil baka marinig siya ni Nicholas. Binuksan niya ang shower at kasabay ng tubig ang pag-agos ng kaniyang mga luha.
"Ang dumi-dumi ko na," sabi niya sa kaniyang sarili habang paulit-ulit na sinasabon ang katawan.
"Ginawa mo lang naman iyan para sa pangarap mo, Miranda. Kaya gamitin mo ng tama ang kabayaran ng dangal mo," sabi naman ng isang bahagi ng kaniyang isipan.
Nahimasmasan siya nang makarinig ng katok sa pintuan.
"Are you okay?" tanong sa kaniya ni Nicholas.
"Oo, okay lang ako," sagot niya na pilit pinipigilan ang paghikbi.
"Can you open the door? I want to take a shower, too."
"Matatapos na ho ako," aniya at mabilis na tinapos ang paliligo.
Mabuti na lamang at nai-lock niya ang pintuan at nadala niya ang kaniyang damit sa loob. Lumabas siya pagkatapos niyang makapagbihis. Nasa labas ng pinto si Nicholas at nakita niyang nakatapis ito ng tuwalya. Napansin niya na may abs din pala ito.
"Nagbihis ka na pala. Gusto ko pa sana ng breakfast round," pabirong wika nito sabay ngiti ng nakakaloko.
Pakiramdam niya ay namula ang kaniyang pisngi sa sinabi nito. Lalong naging guwapo ito sa kaniyang paningin nang makita niya ang mapuputi at patay na pantay nitong mga ngipin. Halatang maalaga ito sa katawan.
"H-hindi ka pa ba tapos sa akin?" diretsang tanong niya rito.
"Just kidding!" nakangiting sagot nito. "To be honest, you satisfied me last night kahit first time mo. Ang bilis mo ring natuto. And for that, I'll double your payment. Here oh," sabi pa nito sabay abot sa kaniya ng isang puting sobre.
Kinuha niya iyon at tiningnan ang laman. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita. Isang bundle na tig isang libo na malulutong pa. Sa tanang buhay niya ay unang beses niyang makakita ng gano'n kalaking halaga.
"You're not going to count it?"
"Hindi na ho at alam ko namang labis ang ibinayad niyo. Salamat!"
Lumapit ito sa kaniya ngunit umatras naman siya hanggang sa naramdaman ng kaniyang paa na wala na siyang mahahakbangan. Yumuko si Nicholas at dinampian siya ng halik sa labi. Hindi na siya kumontra sa nais nito. Ang damping halik na iyon ay naging mapusok. Naramdaman niya ang pagtigas muli ng p*********i nito. Nalaglag na pala ang tapis nitong tuwalya. Pinangko siya nito at inihiga sa kama. Sa huling pagkakataon ay pinagsaluhan nila ang sarap na dulot ng pagnanasa ng kanilang mga katawan.
"You can leave now," sabi nito sa kaniya pagkatapos nilang magniig.
Hindi na siya nagsalita pa. Dinampot niya ang kaniyang mga damit na nagkalat sa sahig at nagbihis. Yumakap pa ito sa likuran niya sabay bulong sa kaniya. "I hope to see you again next time."
"Damn you, Nicholas!" mura niya sa kaniyang isipan pagkatapos alalahanin ang nakaraan nilang dalawa. "Bakit nagpakita ka pa sa akin? Bakit nagkatotoo ang hiniling mo? Bakit ngayon pa na nakamit ko na ang pangarap ko?" Pagulong-gulong siya sa higaan at pinagsusuntok pa niya ang kama hanggang sa tuluyan na siyang mapagod at makatulog.
Hindi na niya alam kung anong oras na siya nakatulog. Nagising na lamang siya sa tunog ng kaniyang alarm clock. Pinilit niya ang sarili na bumangon kahit na masakit ang kaniyang ulo dahil sa kulang siya sa tulog.
"Bwesit na Nicholas."
Pagkalabas niya ng kuwarto ay dumiretso siya sa kusina at nakita niya si Hazel na nagluluto ng almusal.
"Good morning, Mira! O, bakit namamaga iyang mga mata mo?" tanong nito sa kaniya.
Hindi siya sumagot bagkus ay tiningnan niya ang mukha sa salamin. Halata ngang puyat siya dahil sa laki ng kaniyang eyebags.
"Umiyak ka ba?" tanong uli nito sa kaniya.
"Hindi, ah! Hindi lang ako masyadong nakatulog," aniya rito.
"At bakit naman?" kuryos na tanong ni Hazel.
"Dahil sa bwesit na Nicholas Del Gallego."
Nagulat si Hazel sa naging sagot niya. Maging siya ay nabigla rin sa sarili. Hindi niya akalain na mabigkas niya iyon sa harapan ng kaibigan.
"Paanong napasok si Sir Nicholas sa usapan, ha?" tanong sa kaniya ni Hazel na nakakunot ang noo.
"s**t! Kailangan kong malusutan ito," sabi niya sa sarili bago nagpaliwanag sa kaibigan. "Dito siya titira sa atin ng ilang linggo or baka abutin pa ng ilang buwan depende pa kung matuto kaagad siya at tumino. Paanong hindi ko siya iisipin? Saka iyong kaso niya, first case ko 'yon as a lawyer at gusto kong maipanalo. O 'di ba nakakabwesit?"
"Magaling ka, Mira. Magagawan mo ng paraan 'yon. Bakit, guilty ba siya?" tanong ng kaibigan na alam niyang napaniwala niya lalo at wala naman itong alam sa nakaraan nila ni Nicholas.
"I don't know! Hindi ko pa siya nakakausap about sa case niya. Iniisip ko pa nga kung papaano ang set-up natin dito sa bahay. Hindi pwedeng maghari-harian siya rito," aniya habang nagtitimpla ng kape.
"Nag-leave nga pala ako today para maayos ko itong apartment at kaniyang magiging kuwarto. Napag-isip-isip ko na anak ng boss ko ang titira rito, syempre kailangan magpabango ako. Malay mo maikuwento niya sa kaniyang Daddy kung paano ko siya inalagaan at ma-promote uli," wika nito sabay kindat sa kaniya. Nginusuan naman niya ito.
"Mabuti naman kung gano'n. Malaki ang bed ko at kasya na tayong dalawa roon. Saka kaka-promote mo lang, Madam, kaya 'wag kang umasa para hindi ka masaktan," tugon pa niya sabay irap dito. Nginusuan din siya ni Hazel bago sila nagkatawanan.
"Oo nga pala, nakita ko ang bago mong kotse. Ang gara! Iba talaga ang kaibigan kong lawyer. Baka pwedeng makasakay naman."
"Oo na kapag nagkasabay tayong pumasok. Balak ko nga palang umuwi sa atin next weekend. Pwede bang samahan mo ako?"
"Of course, Attorney! Ilang buwan na rin naman akong hindi na kakauwi," excited na sagot ni Hazel. "Handa ka na bang makita ang pamilya mo?" seryosong tanong nito sa kaniya.
"Ewan ko, Hazel. Gustong-gusto ko pero natatakot ako. Wala pa akong lakas ng loob na harapin sila pero kailangan kong gawin. Sana mapatawad nila ako sa ginawa ko," aniya sabay hinga nang malalim.
"Ano ka ba? Malamang naintindihan ka na nila. Ang tagal mo kayang nawala. Alangan namang titiisin ka ng mga iyon. Hindi nila tatanggapin ang pinapadala mo kung galit pa rin sila sa'yo. Saka masayang-masaya raw ang parents mo nang malaman nila na abogada ka na."
"Talaga? Mabuti naman kung gano'n."
Hindi maitago ang saya na kaniyang nararamdaman sa sinabi ng kaibigan. Sa kabila kasi ng pag-aasam niya na makamit ang kaniyang pangarap ay ang kahilingan na sana ay napatawad din siya ng kaniyang mga magulang sa ginawa niya.
"Oo, si Mama mismo ang nagbalita sa akin ng tumawag ako. Ipinamalita na nga ng Itay mo sa mga kakilala niya."
Masaya niyang ininom ang tinimplang kape dahil sa kaniyang narinig sa kaibigan. Pansamantala rin niyang nakalimutan si Nicholas.
Nang masaid na niya ang laman ng tasa ay pumasok na siya ng banyo para maligo.
Kailangan niyang pumasok ng maaga at marami pa siyang gagawin sa opisina. Mga bagay na may kinalaman kay Nicholas.
"Good morning, Love! Ang aga mong pumasok ah?" bati sa kaniya ni Nathan nang puntahan siya nito sa kanilang opisina. Nasa harapan siya ng kaniyang computer at may binabasa.
"Good morning too, Love! I'm busy preparing for Nicholas trial. Ilang weeks na lang at hindi ko pa siya nakakausap ng personal tungkol dito." Tumayo siya at humalik sa nobyo.
"Are you okay?" tanong nito sa kaniya.
"Anong okay?" balik tanong niya. Hindi niya kasi maintindihan ang tanong nito.
"I mean, about Nicholas. Dad and I failed to change him. And now, ikaw naman ang susubok. I'm worried kung kaya mo siyang i-handle. If not just tell me okay? I can talk to Dad para ibigay na lang sa iba ang responsibilidad sa kaniya."
"It might be hard pero ayokong sumuko kaagad. It's my first task as part of company's legal counsel. Don't worry about me, Love. I'll tell you if suko na ako," tugon niya sabay ngiti sa nobyo. Gusto niyang bigyan ng assurance si Nathan na kaya niyang gawin ang trabaho kahit na gulung-gulo na siya sa presensiya ng kapatid nito.
"That's the spirit, Love. Fighting!"
"Thank you! Hindi ka ba busy sa work mo today? Nakakapanibago kasi. Mukhang marami kang time na makipagkwentuhan sa trabaho," pabirong sabi niya kay Nathan ngunit sa halip na ngumiti ay sumeryoso ang mukha nito. Naisip niya tuloy na baka napikon ito.
"I'll be leaving today, Love. Pupunta akong Cebu kaya dumaan na ako rito para magpaalam. May mga aayusin kasi ako roon regarding sa mga subsidiaries ng kompaniya. Seryoso si Dad na kailangan kong tutukan iyon," ani Nathan na halatang malungkot.
"Gano'n ba? For how long will you stay there?"
"Until maayos ko ang problema roon."
"No difinite time?"
"Wala. Pero don't worry at palagi kitang tatawagan. Update mo rin ako palagi sa ginagawa mo ha?"
"Yes, Love! Mag-iingat ka roon, ha?" bilin niya sa nobyo.
"I will."
Mahigpit silang nagyakap ni Nathan. Mami-miss niya ng husto ang workaholic na boyfriend. Napakabait at understanding din nito. Wala pa nga silang pinag-awayan simula nang sagutin niya ito mag-iisang taon na ang nakakaraan.
"Attorney Gomez, tawag po ako ni Sir Gabriel sa kaniyang opisina," sabi sa kaniya ni Gem pagkaalis ni Nathan.
"Okay, thank you, Gem."
Tumayo siya at nagtungo sa opisina ng Boss. Habang naglalakad ay iniisip niya kung ano na naman ang kailangan sa kaniya ng amo. Kumatok muna siya sa pinto bago pumasok. Nagulat pa siya nang makita kung sino ang kasama ni Sir Gabriel - si Nicholas.
"Good morning, Mira! Have a seat," bati nito sa kaniya.
"Good morning, Sir Gabriel and Nicholas!" aniya at umupo siya sa tapat ni Nicholas.
Nakatitig lang ito sa kaniya ng seryoso. Halos hindi naman siya makatingin dito dahil pakiramdam niya ay matutunaw siya sa mga titig nito.
"Well, ipinatawag kita para pag-usapan uli ang sinabi ko sa'yo kagabi. I'm serious about Nicholas na tumira sa inyo. I know na magiging uncomfortable sa'yo at sa kasama mo but I believe na makakaya mong patinuin ang pasaway na batang ito," seryosong sabi nito sabay tingin sa anak.
"It's okay, Sir! Nauunawaan din naman po ni Hazel ang sitwasyon."
"Mabuti naman kung gano'n. Sige, pwede mo na siyang isama sa inyo," wika sa kaniya ni Sir Gabriel na para bang batang paslit kung ituring ang bunsong anak na mas matanda pa sa kaniya.
Magkasama silang lumabas ni Nicholas sa opisina ng ama nito habang hinihila ang malaking maleta. Wala silang imik na dalawa hanggang sa makapasok ng elevator. Bigla naman niyang naalala na naiwan sa opisina ang kaniyang bag kaya mabilis niyang naiharang ang kamay bago pa sumara ang elevator.
"Mauna ka na at pakihintay na lang ako sa parking area. Kukunin ko lang ang bag ko sa opisina," sabi niya rito.
Hindi man lang umimik si Nicholas. Dali-dali siyang lumabas at naglakad papasok ng opisina. Kinuha niya ang kaniyang bag pati na rin ang mga dokumento tungkol sa kaso nito. Pagkatapos magpaalam kina Attorney Samson at Gem ay umalis na siya.
Pagdating sa parking lot ay nakita niyang nakatayo sa tabi ng kaniyang kotse ang lalaki. Mataman itong nakatingin sa kaniya habang papalapit siya. Nakaramdam na naman siya ng pagkailang dito ngunit hindi siya nagpahalata. Nang makalapit ay binuksan niya ang likurang bahagi ng sasakyan. Binuhat ni Nicholas ang maleta nito at inilagay iyon doon. Sa laki ng masel nito ay parang wala lang dito ang pagbuhat sa malaking maleta.
"Pakitang gilas. Baka wala naman kasing laman," pabulong niyang sabi ngunit hindi iyon nalingid kay Nicholas.
"Gusto mo buhatin din kita para malaman mo kung gaano ako kalakas?"
Hindi siya sumagot sa halip ay inirapan lamang ito. Nauna na siyang sumakay sa kotse at ini-start na iyon nang makasakay na rin si Nicholas. Napansin niyang pangit-ngiti ito. Nakita niya uli tuloy ang mapuputi at pantay na pantay nitong mga ngipin na nakadagdag sa kaguwapuhan nito.